Chapter 39

82.9K 2.2K 471
                                    

CHAPTER 39

"F-FOUR YEARS?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Kuya Ethan.

Nakangiting hinaplos nito ang pisngi ko.

"Yes, baby girl. Ganoon ka katagal natulog." Tugon nito at masuyo akong hinalikan sa noo.

"A-Apat na taon..." Hindi makapaniwalang anas ko.

Sa loob na apat na taong na-comatose ako, siguradong napakaraming nagbago.

Mariin akong napapikit at inalala ang mga huling sandaling kasama ko ang mga taong mahalaga sa buhay ko. Si Daddy, si Kuya, si Prince at ang...

"M-My baby..." Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan at tumingin kay kuya. "'Y-Yong anak ko... Kuya, n-namatay ba ang anak ko?" Nanginginig ang labing tanong ko.

Malungkot ako nitong tinignan at hinaplos ang buhok ko.

"'Wag ka munang mag-isip ng kung anu-ano. Let Prince explain everything. Ayoko siyang pangunahan." Anito sa masuyong boses.

Sa binitawan nitong salita ay kinabahan ako. Malaki ang posibilidad na nawala ang anak ko. Na-comatose ako ng apat na taon at ano pa ba ang aasahan ko?

Tahimik akong napaluha.

"S-Si Prince...m-may a-asawa na ba siya?" Mahinang tanong ko.

Natatandaan ko ang hiniling ko dito noon. Sinabi kong maghanap ito ng babaeng mamahalin kapag nawala ako. Nakahanap ba ito ng babaeng mamahalin? Did he changed? Napakarami kong iniisip. Apat na taon akong tulog at alam kong napakarami din ang nagbago. Tuloy ay kinakabahan ako sa mga malalaman ko.

"Kuya Ethan, I'm asking you." Diretso kong tinignan si kuya sa mga mata.

Dahan-dahan ay tumango ito.

"Yes, baby girl. May asawa si Prince. They have a daughter." Sagot nito, titig na titig sa mga mata ko.

Kaagad akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Nakahanap na ito ng babaeng mamahalin. I'm not his baby girl anymore.

"I-Is he happy, kuya? W-With his wife?" Mahinang tanong ko.

"Yes, of course. He's very happy with his wife. He's so inlove with her." Kuya Ethan responded.

"I'm glad to know that he's happy." I said and bit my lower lip.

Nag-iwas ako ng tingin kay kuya para hindi nito makita ang sakit sa mga mata ko.

Hindi ko napansin na pinipigilan lang nitong mapangiti.

"Everything's fine. We can discharged her this week." Bahagya akong napapitlag sa baritonong boses na iyon na kakapasok lang sa private room ko.

Bahagya kong naikagat ang ibabang labi ko nang maramdaman ang malakas na pagtibok ng puso ko at tila may mga nagliliparang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. Napakalaki pa rin ng epekto nito sa buong pagkatao ko.

But...he's not mine anymore. Pagmamay-ari na ito ng iba.

"Iiwan ko muna kayo." Napatingin ako kay Kuya Ethan. Nginitian ako nito at bumulong ng I love you bago nilisan ang private room ko.

I saw Prince walk towards me. Napatitig ako sa tindig nito. He's still the same. Makisig at napakaguwapo pa rin.

Mukhang mas lalo nga yata itong gumuwapo sa paningin ko. Ang katawan nito ay mas lalong naging maskulado, ang mga mata nito ay ganoon pa rin ang epekto sa'kin na tila ba kayang-kaya nitong pasukin ang buong pagkatao ko. Nakakatunaw pa rin ang mga tingin nito at nakakakaba pa rin ang aura nito sa tuwing malapit ito.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon