Chapter 13

77K 2.1K 109
                                    

CHAPTER 13

"MISS ARRIANE, ARE YOU READY?" The photographer asked.

Nakangiting tumango ako at tumingin sa manager kong si Michelle. Nakita ko ang pag-aalala at disgusto sa mga mata nito.

"What?" Tinaasan ko ito ng kilay.

"You've been a model here in Philippines for two years, Arriane. And I really can't believe that you accept this project. I mean, God, this is daring. Alam ba ito ng kuya at daddy mo?" Nagsalubong ang mga kilay nito.

"Of course, they don't. This is my first time doing this and I really want to try this, best. Kung sinabi ko sa kanila, siguradong magwawala ang dalawang 'yon." Naiiling na sambit ko.

"Of course they will! Jesus, Arriane! Sinong kadugo mo ang hindi magwawala kapag nalaman nilang ibabandera mo ang katawan mo sa buong mundo?" Anito sa napipikon na boses.

Mahina akong natawa.

"Bestfriend, ang OA mo naman. It was just a brand of soap. Likod ko lang ang lilitaw so don't worry." Natatawang sambit ko.

Tinanggap ko ang offer na maging model ng sikat na brand ng whitening soap. And it's true that I will really get naked in front of the camera. Likod ko lang ang lilitaw kaya wala naman sigurong masama doon. Problema ko lang ay ang magiging reaksyon ni kuya at daddy kapag lumabas na sa telebisyon itong gagawin ko.

"Kahit na, best. Maghuhubad ka pa rin sa harap ng," Lumingon ito sa paligid. "photographer at sa ibang staffs na naririto. Dagdagan pang may kasama kang male model." Parang hindi talaga nito matanggap ang gagawin ko.

"Best, akala ko ba susuportahan mo ako?" Nakasimangot na tanong ko.

Napabuntong-hininga ito.

"Okay. Tito and your kuya will get mad at me because I allowed you to accept this project so yeah, napaka-supportive ko nga talagang kaibigan." Puno ng sarkasmong sambit nito.

"Ako ang bahala sa'yo. I'll make sure na hindi sila magagalit sa'yo, I promise." Usal ko at mahina kong pinisil ang matangos na ilong nito.

"Basta ipangako mong 'wag ka nang tatanggap ng ganitong project ulit, okay? God, bestfriend ilang taon ka na ba? You're 22 na pero ang utak mo kakaiba pa rin." Anito at napailing.

Mahina na lang akong natawa. Yes, I'm 22 years old now. Wala din namang nagbago. Sa loob ng dalawang taon na naririto ako sa Pilipinas, mas lalong nakilala ang pangalan ko. Maraming projects ang dumarating, kabi-kabilang modelings at interviews.

Tuloy pa rin ang pagiging dance instructor ko. 'Yon nga lang, once a week ko na lang nagagawa.

And lovelife? Zero pa din.

Ang lalaking nilalaman ng puso ko ay abala pa rin sa pag-iwas sa'kin at sa paglipas ng dalawang taon pagkatapos ng engkuwentro naming dalawa ay mas lalong naging malamig ang pakikitungo nito sa'kin. Madalas pa nga akong iniiwasan. Gawain na talaga iyon noon pa man. Paborito na nito ang pag-iwas sa'kin.

I just ignored it. Hindi man ako katulad ng dati na habol ng habol dito dahil sa mga schedules ko, ito pa rin naman ang nilalaman ng puso ko. Hindi magbabago 'yon. At ito ay hindi rin nagbabago dahil mukhang hindi pa rin ako nito gusto.

Napakasaklap nga naman ng buhay pag-ibig ko. Bakit ba sa iisang lalaki lang tumitibok ang puso ko? Bakit kay Prince lang nakaikot ang mundo ko? Sinubukan kong ibaling sa iba ang atensyon ko pero wala, siya pa rin talaga.

"Miss Arriane, let's start para maaga tayong makauwi." Sabi ng photographer.

Tumango ako at ngumiti.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon