CHAPTER 27
"KANINONG building 'to?" Tanong ko sa kasintahan habang nakaupo kami sa sahig ng roof top.
We ended up sitting here. Naglagay lang ito ng tela para maupuan naming dalawa. Nakapuwesto ito sa likod ko, yakap-yakap ako habang ako ay nakaupo sa kandungan nito.
"It's mine. It's a condo unit. Matatapos na 'to next month." Tugon nito.
Bahagya ko itong nilingon.
"Really?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"Uh-huh." He murmured.
"Sobrang yaman mo, prinsipe. May sarili kang hospital sa Korea. Isa kang successful na doctor tapos nagpapatayo ka pa ng condominium building dito sa Pilipinas." Sambit ko na ikinatawa nito.
"What's wrong being rich?" He asked.
Nahihiyang napakamot ako sa ulo.
"Naisip ko lang, sobrang dami mo nang naabot. Ang dami mo nang napatunayan. At your young age, you became a successful one even without the help of your parents while me-"
"Arriane, kung sasabihin mo sa akin na hindi ka nababagay sa'kin, you better stop." Putol nito sa sasabihin ko at pinihit ako paharap dito habang nakaupo pa rin ako sa kandungan nito.
"Eh kasi naman-"
"Ako nga itong nag-iisip na hindi ako nababagay sa'yo dahil sa agwat ng edad natin." Anito habang hinahalik-halikan ang gilid ng labi ko.
"Wala naman sa edad 'yong pagmamahal." I pouted.
"That's exactly my point. Wala din sa sukat ng yaman ang pagmamahal." Anito habang titig na titig sa mga mata ko.
Ngumiti ako.
"Bakit ka na-inlove sa'kin?" Tanong ko.
Napakamot ito sa ulo.
"I don't know. I just...feel it suddenly." Tila nahihiyang pag-amin nito.
"Pero bakit iniiwasan mo ako noon kung may nararamdaman ka naman pala para sa'kin?" Pangungulit ko.
Seryoso ako nitong tinignan at hinaplos ang pisngi ko.
"Because I thought you were just playing. You're a spoiled brat and hard headed, Arriane. Lahat ng gusto mo ginagawa mo. Naisip ko, paano kung nabobored ka lang? You were just 15 when you claim me as your first love. Napakabata mo para makaramdam ng pagmamahal. And I'm scared, dahil kapag tinugon ko ang nararamdaman mo, baka in the end iiwan mo lang ako at ipagpapalit sa iba kasi nga napakabata mo pa. Kaya pinagtutulakan kita dahil gusto kong makitang magsawa ka. Gusto kong sumuko ka dahil ganoon naman ang mga kabataan ngayon, hindi ba? Kapag nagsawa na, aayaw na agad, susuko na agad. Sa una lang sila habol ng habol pero kapag nakakita na ng bago, ipagpapalit ka na. I want your love to be real and sincere, Arriane." Mahabang paliwanag nito.
Mahina akong natawa.
"Hindi ko alam na may kinakatakutan din pala ang isang katulad mo. At ano ang nagtulak sa'yo para umamin?" Nakangiting tanong ko.
"Ahm, jealousy?" He answered, laughing.
Namumula ang pisngi nito. Ang cute-cute.
"Kung hindi ka nagselos, eh di hindi ka rin aamin?" Nakasimangot na tanong ko.
Mahina itong natawa at hinalikan ako sa noo.
"Nakikipaglaban ako sa sarili ko at sobrang hirap pala." Anito at muli ay sinakop ng halik ang mga labi ko.
"Mahirap labanan ang nararamdaman mo, hindi ba?" Tanong ko nang maghiwalay ang mga labi namin.
Tumango ito at hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#9: Prince John Kim "I've waited so long for you to reach your right age so that I can claim you and mark you as mine." - Prince John Kim