Chapter 16

83.2K 2.4K 285
                                    

Short update only. (Lagi naman.😂) Goodnight, everyone ! 😍❣️ I have to sleep na kasi maaga pa pasok ko sa work bukas.😂

CHAPTER 16

"KUYA! PIGILAN MO SIYA, PLEASE. I-I mean, he don't have to court me!" Halos mag histerikal ako sa harapan ng kapatid ko.

Bumisita ito sa condo unit ko. Gawain na nitong bisitahin ako dito sa condo ko every month.

Tinignan ako nito at tinaasan ako ng kilay.

"You've been waiting for this, sweetie. And now that Prince is going to court you, aayaw ka?" Natatawang sambit nito.

Inis na napasabunot ako sa sariling buhok.

"Eh kasi naman, kuya! A-Ayokong manligaw siya." Nakasimangot na sambit ko.

"Sinong gusto mo? Si William?" Nagsalubong ang makakapal na kilay nito.

"William is a good man." I said and pouted.

"Prince is a good man, too. Liligawan ka lang naman niya. Kung ayaw mo eh di bastedin mo. As simple as that. Ayaw mo na ba talaga sa kanya?" Anito at ngumisi.

Natahimik ako.

"Tell me, what's your reason why you don't want him to court you?" He continued.

Muli ay hindi ako sumagot.

"Arriane, I'm asking you." Napabuntong-hininga ako.

"K-Kinakabahan ako at natatakot." Mahinang sambit ko.

"P-Paano kung nabibigla lang siya, kuya? You know how much I love him. A-Ayokong masaktan at mas lalong ayokong umasa. Yes, I want to own him but kuya, natatakot ako. Pagdating kay Prince, natatakot ako. Siya lang ang nakakagawa sa'kin ng ganito. Bawat galaw at bawat kilos niya, natatakot ako. Pakiramdam ko, sobrang taas ni Prince at hindi ko siya kayang abutin kahit napakalapit na niya sa'kin. Napakahirap niyang abutin." Malakas akong napabuntong-hininga.

"Nakakatakot mahalin ang isang katulad niya. Nakakatakot pero masaya at masarap sa pakiramdam. Ganoon kataas ang tingin ko sa kaibigan mo at habang tumatagal, palalim ng palalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko iyon mapigilan, kuya. Kahit nasaan ako, kahit gaano pa ako ka-busy, kahit ano pa ang ginagawa ko, siya palagi ang nasa isip ko. Minsan nakakabaliw. Sobrang nakakabaliw kapag araw-araw at gabi-gabi ay iniisip ko na sana ay mahalin din niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya. " Kuya Ethan just look at me.

Napapailing na ginulo nito ang buhok ko.

"Want to know his true feelings towards you?" Anito at makahulugang ngumiti.

Kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

Mahina itong natawa at kapagkuwan ay bumulong.

"Ignore him and make him jealous." He whispered and smiled.

Muli nitong ginulo ang buhok ko.

"Let's see how crazy can he get." Anito habang pangisi-ngisi na tila tuwang-tuwa sa naisip.

Namulsa ito at nginitian ako.

"Can't wait to see him mad and see his true color. Prince is like a tickling bomb, baby girl. Konting-konti na lang sasabog na ang lalaking 'yon at marami pa siyang kayang gawin bukod sa pagpapasabog ng kotse ng manliligaw mo. Ignore him and make him jealous. Trust me, baby girl. Effective 'yon. Doon mo mapapatunayan kung ano at kung saan ang lugar mo sa puso niya." He smirked and left.

Napakurap-kurap ako at kapagkuwan ay napailing. Minsan talaga hindi matinong kausap ang kuya ko.

Pasalampak akong napaupo sa sofa at malakas na napabuntong-hininga.

Muling bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni Prince kahapon. Napailing ako at pilit na inaalis sa isip ko ang binata.

Pero hindi talaga ako matahimik. He wants to court me. Did he really mean it? Ang ibig bang sabihin niyon ay may nararamdaman din ito para sa'kin?

Mariin akong napapikit.

Ignore him and make him jealous. Trust me, baby girl. Effective 'yon. Doon mo mapapatunayan kung ano at kung saan ang lugar mo sa puso niya.

Bumalik sa isip ko ang sinabing iyon ni kuya. Naikagat ko ang ibabang labi at dahan-dahan ay nagmulat ako ng mga mata.

Hinugot ko ang cellphone mula sa bulsa at tinawagan si William.

"William, sinasagot na kita." Bungad ko nang sagutin nito ang tawag.

"Arriane-"

"Being your girlfriend is a big help to you that's why you court me, right? I will keep your secret but I have a favor to ask, William." Agaw ko sa sasabihin nito.

Natahimik ito mula sa kabilang linya at kapagkuwan ay nagsalita.

"Is it about the man yesterday?" Tanong nito na ikinangiti ko.

"Yeah, it's about him. Now, will you help me, hon?" I sweetly asked and I heard him chuckled.

"That's why I like you, Arriane. Just tell me what you want me to do and I'll do it in a hearbeat for you." He said.

Ilang sandali kaming nag-usap at nakangiting pinatay ko ang tawag.

"I'll test you then, my Prince. Humanda ka sa'kin." Bulong ko at matamis na ngumiti.

Pumasok ako sa kuwarto ko at naligo. Pagkatapos kong makapagbihis ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.

Nang tignan ko iyon ay natigilan ako nang makita kung sino ang tumatawag. Ito ang unang pagkakataon na ito ang unang tumawag sa'kin.

Hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti. Hinayaan kong tumunog iyon ng tumunog. Hindi ko sinagot ang tawag at kapagkuwan ay sinipat ko ang sarili sa salamin.

Lumabas ako sa condo at nang makarating sa lobby at may iilang kababaihan ang nagpa-picture kasama ako. Matamis kong nginitian ang mga ito at kitang-kita ko ang paghanga sa mata ng mga ito.

"Thank you, Miss Arriane. Ang ganda-ganda mo talaga lalong-lalo na sa personal." Sambit ng isa habang matamis ang ngiting nakatingin sa'kin.

Nahihiyang ngumiti ako at maayos na nagpaalam. Nang makalabas ay natigil ako sa paglalakad nang makita ang taong hindi ko inaasahan.

"You're not answering my call." He looked pissed.

So unfair. Kahit naiinis ito, bakit ang guwapo pa rin nito?

"I'm busy. May kailangan ka ba, Kuya Prince?" Taas ang kilay na tanong ko.

Lihim akong napangiti nang makitang nagsalubong ang mga kilay nito.

"Don't call me kuya." Anito sa seryosong boses.

"As far as I remembered, it was you who wants me to call you kuya. Well, I realized ang ganda nga pala talagang pakinggan kapag tinatawag kitang kuya." Matamis ko itong nginitian.

"Arriane-"

"I'm busy so if you'll excuse me, I have to go because my boyfriend is waiting for me. See you around, Kuya Prince." Matamis ko itong nginitian at kapagkuwan ay tumalikod.

Nang nasa loob na ako ng kotse ko ay napangiti ako.

Time for you to chase me this time, my prince. Ipaparamdam ko sa'yo kung ano ang pakiramdam ng naghahabol.

To be continued...

A/N: Loko ka, Arriane. Hahabulin ka sa kama niyan, sige ka.🥴😂

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon