Chapter 6

85.6K 2.3K 465
                                    

CHAPTER 6

"KUYA, SAMA AKO, PLEASE. Sige na. I just want to see him. Ilang buwan na ako dito sa Pilipinas tapos ilang buwan na din niya akong iniiwasan. Wala lang naman akong gustong gawin kundi ang ligawan siya. Ano bang masama do'n?" Nakasimangot na sambit ko sa kapatid ko na ngayon ay tila iritadong-iritado na sa kakulitan ko.

"Baby girl-"

"I'm not your baby girl anymore, Kuya." Mariing putol ko sa sasabihin nito.

"Okay, you're Prince's baby girl, then." Sarkastikong sambit nito.

Mahina akong humagikhik.

"I like that kuya. Love na love mo talaga ako." Nakangiting sambit ko at malutong ko itong hinalikan sa pisngi.

Napabuntong-hininga ito.

"Arriane, stop doing this to him. Iniiwasan ka na nga bakit habol ka pa ng habol? Pikutin mo na lang." Anito at mahinang natawa dahil sa huling sinabi nito.

I grinned at him.

"Should I do that, kuya?" Nakangising tanong ko.

Natatawang ginulo nito ang buhok ko.

"I'm just kidding. Aalis na ako. Dito ka lang sa bahay at huwag kang aalis, okay?" Anito at namulsa.

"Gusto ko ngang sumama sa'yo." Nakangusong sambit ko.

"Hindi nga puwede. Siguradong hindi na naman mapinta ang mukha ni Prince kapag nakita ka. Huwag mo ng sirain ang araw ng tao." Natatawang sambit nito.

Napasimangot ako.

"I miss him!" Pumalatak ako.

"Miss ka ba?" Taas-kilay na tanong nito.

"Kuya naman. Sige na, isama mo na ako, please. Please?" Nagpa-awa effect pa ako dito pero parang hindi man lang tumalab.

"Dito ka na lang. Kung naiinip ka, bumalik ka na lang sa Korea." Napapailing na sambit nito.

Napabuntong-hininga ako at pabagsak na naupo sa sofa.

"I'll stay here for good." I said and pouted my lips.

"Alam na ba ni Daddy 'to? Pinayagan ka ba?" Tanong nito.

I nodded at him.

"Payag siya. You know him, supportive 'yon pagdating sa'ting dalawa. Ikaw nga kahit ayaw niyang pumasok ka sa military pero dahil gustong-gusto mo, he ended up supporting you." Sambit ko.

"Yeah, our dad is the best." He said and smiled.

Napangiti din ako. Our dad is one of the best. Napaka-supportive talaga nitong ama sa aming magkapatid.

Ilang sandali lang ay nagpaalam na si kuya at wala akong nagawa kundi ang manatili sa bahay nito dahil ayaw talaga ako nitong isama.

Napabuntong-hininga ako at tinignan ang cellphone ko na sunod-sunod na tumunog.

Tinitigan ko lang iyon at wala ni isang sinagit sa mga tawag.

Sunod-sunod ang offer sa'kin to be a model of their products here in Philippines kaya tumatawag ang mga ito sa akin. Pag-iisapan ko pa kung saan doon ang pipiliin ko.  Sa ngayon ay gusto ko munang magpahinga dahil totoong naging abala ako for the past two years sa Korea.

Bukod sa pagiging model at pagiging miyembro ko sa girl band group ay sinasabay ko pa ang pag-aaral ko kaya halos wala na akong pahinga. I graduated in Dance and Art Academy.

Minsan ay nag-aalala na si Daddy sa pinasok kong mundo pero napaka-supportive pa rin nito. And I'm really thankful that he's my father.

This week ay matatapos na ang pinatayo kong dance studio. Naayos ko na din ang mga kakailaganin para sa pinapatayo kong dance studio. Marami na din ang nag apply na trainees. Halos high school and college students ang mga ito. Excited silang turuan ko sila ng sayaw.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon