Late na akong nagising,
Kaya madapa dapa ako sa pagmamadali,
Naligo ng ilang buhos, kumain ng tatlong subo at nagtoothbrush ng isang minuto,
Hindi na ako nakapagpaalam kay mama,
Nagmadali akong dumiretso sa pinto at tumakbo papuntang school
Malapit lang ang school namin dito. Walking distance.
Pero kahit malapit lang, LATE ako as always.
Pagod na pagod ako pagdating sa campus’ gate,
Hays, nakakapagod.
Bago ako pumasok, tumayo ako ng diretso, pinunasan ang pawis ko at sinimulang maglakad.
Lahat nakatingin sakin.
Malaki man ang school na 'to, ni-isang estudyante di pwedeng di ako kilala.
Bakit?
Kaya mo nga babasahin tong storya ko kasi gusto mo akong kilalanin di'ba? Ta's sasabihin ko sayo?
Hay, utak mo talaga! Haha
O eto na, edi yun, nakatingin silang lahat.
Yung iba nagsipuntahan na sa room nila.
Nagulat at nataranta ang iba.
Di naman first day ngayon, actually, naka 2 weeks na halos.
Pero sa loob ng 2 weeks na yun
Nagkakagulo na ang school
“Hi, Sir!” malakas kong sabi kay Mr. Halder
Tinignan lang niya ako at umalis ng nakakunot ang noo,
Panu ba naman,
Lahat lang naman ng stress niya ay nanggagaling sa iisang tao,
Sinu kaya yung taong yun?
No other than I!
Sinu pa ba? Syempre ako.
Tara libot tayo sa school
Sulat sa pader,
Pintura sa mga lockers,
Panlalait sa paligid,
Nagsusumbungang mga magulang,
Mangiyak ngiyak na estudyante
At kung anu anu pa!
Pero, lahat ng dumi at pintura sa paligid ng school na 'to pwedeng mawala,
At ako lang ang makakagawa nun
Since ako ang nanggulo at nagdumi,
Ako ang mag-aayos.
Not literally,
Isang sabi ko lang,
Titigil lahat ng ginagawa nila,
Isang salita lang, gagawin nila ang gusto ko.
Tanga nila noh? Alam mo kung bakit sila ganun?
Hindi dahil sa School council Vice President ako,
3 words, : Kasi masama ako.
Gano kasama?
Nakaupo ako sa upuan ko sa loob ng School council meeting room.
As usual, nagsidatingan ang mga manliligaw ko,
“Sayang ang ganda mo pa naman, matalino, kaso, alam mo kung san ka bagsak? Sa ugali! Sabagay, marami pa naming pwedeng ligawan diyan!” Sabi ng isa kong manliligaw.
“excuse me ah, kasalanan ko bang ibinuhos sa akin ng Diyos ang lahat ng kagandahan at di ka biniyayaan ng gwapong mukha. Teka nga, ang tanga mo rin e noh, marami pa pala jang iba, ba't sakin ka nanliligaw?!” sagot ko.
“Pagsinagot mo ako, pagsisilbihan kita at mabubuhay kang parang prinsesa! Courtney, sagutin mo na ako..” Sabi pa ng isa.
“Kahit palibutan mo pa ako ng mga alahas mo mula ulo hanggang paa. Excuse me noh, di ako pumapatol sa mga mukhang paa. Atsaka, daig pa ang impyerno pag sinagot kita”
“Lahat ng ipon ko, ipinambili ko na mabigay lang ang mga gusto mo, tapos ngayon babastedin mo ako?”
“Hoy lalaki, sinabi ko ba sayo na bilihan mo ako ng mga yun? Atsaka, Helloooooo! Ang chachaka naman ng mga bigay mo noh. Bukod sa panget na ang chi-cheap pa, yun ba ang ipon? I don’t think so. Lagi tuloy'ng puno ang basurahan namin.”
‘PRETTIEST yet the MEANEST’
Yan ang kadalasang tawag sa'kin,
Yup, sobrang ganda ko.
Almost perfect in terms of physical appearance
Bagsak at mahabang buhok, maputi, matangos ang ilong, maninipis na labi at mahahabang pilik mata.
Pero sa ugali, bagsak na bagsak
Masama ako, di ko madedeny yan,
But one thing Im sure of,
Hindi ako magkakagan'to kung hindi dahil sa isang tao.
இ இ இ இ இ இஇ இ இ இ இ இஇ இ இ இ இ இஇ இ இ இ இ இஇ
Grade 6 ako nun,
It was my first heartbreak,
Baliktad ako nun,
Loser, mataba, maitim. In short, PANGET.
Pero despite sa mukha, may puso naman akong mamon.
Kung gaano ako kasama ngayon, ganun ako kabait noon
I started falling in love sa Campus Heart throb namin
Since 2nd grade may crush na ako sa kaniya.
Until may lakas loob na akong umamin.
Dumating yung araw na kinatatakutan ko.
I gave him imported chocolates.
At hinding-hindi ko makakalimutan ang mga salitang binitawan niya.
“Bigyan mo man ako ng isang katerbang chocolates, hinding hindi ako magkakagusto sayo. At sino bang magkakagusto sa tulad mo? Isang Balyena! Balyena!!”
Pinagtawanan ako ng lahat ng nakakita.
Balyena. Baboy. Aparador. Loser.
Tumatak sa akin ang mga salitang yan.
At bago ako maghigh school, nagpapayat ako.
Inalagaan ang sarili.
Pumayat at pumuti.
Nawala ang mga pimples ko't kuminis.
Nagtransfer ako ng school.
At dun ako nagsimula ng bagong buhay
Nagbago lahat.
Maraming nanligaw sakin.
Pero kahit ang pinakagwapo sa mga manliligaw ko, di ko sinagot.
Eh trip ko e.
Paglalaruan ko sila, tulad ng ginawa sakin.
Pagmumukhain ko silang tanga, tulad ng ginawa sakin.
Paglaruan at iwanan.
Yan na ako.
Whether they like it or not.
இ இ இ இ இ இஇ இ இ இ இ இஇ இ இ இ இ இஇ இ இ இ இ இஇ
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...