MEAN 2 XXXV: Daughter of the president

104 2 0
                                    

Paggising ko,

Pumunta agad ako sa kwarto ni Louie,

“Gising na dude!” Sabi ko.

Naligo na agad ako’t kumain,

Habang kumakain kami,

“Ano gusto mo ba?” tanong ni mama

“Huh?!” sabi ko.

“Ano ba anak, ba’t tuliro ka?! Iba kinikilos mo ngayong mga araw na to ah.” Puna ni mama.

“Ano bang sabi mo?” sabi ko.

“Sabi ko, anu ba yan, ang haba ng kwento ko kanina di ka man lang nakinig. I heard kasi, ngayon daw ang arrival ng babaeng anak ni Mr. president ah. And, I want, one of you ang makakakuha sa kanya! And.. are you interested?” Tanong ni mama.

“Uhh..ewan.. siguro.. bakit?!” Tanong ko.

“Ano bang problema mo anak?! You want vacation?!” humarap siya kay louie, “What’s the problem?”

“Eh naman kasi ma, dalawang linggo ng di pumapasok sa school si Cour—“

“Oh, no no! Don’t ever mention that name! Don’t! SHHH!” sabi ni mama.

Tumayo ako,

Kinuha ko ang bag ko at dumirecho na sa kotse.

Habang nasa kotse kami,

“Pano pag maganda yung babae?” tanong ni louie.

“Oh, edi sayo na!” sabi ko.

“hindi, I mean, wala na si Courtney, kuya! Hindi na sila jan nakatira! Sa ibang school na siya nag-aaral at wala tayong contact sa kanya! Pano, kung maganda tong babaeng to?! Isn’t that supposed to be the way para makalimutan mo si Courtney!”

I know, di dapat ako magalit kay Louie,

He’s just trying to help.

“ok, titignan lang natin kung ayos tong babaeng to ah, pag hindi, STOP na.” sabi ko.

“Yes! Thank you kuya!” Sabi ni Louie.

Handa ba akong makalimutan si Courtney?

Simula nung araw na yun,

Di na siya pumasok sa school,

Dalawang linggong di ko siya nakikita.

Dalawang linggong walang babaeng nagagalit at nangungulit sa akin,

Dalawang linggong parang patay ako, kasi hawak niya ang puso ko.

Pagbaba namin sa kotse, lahat ng estudyante ay nakapwesto na sa kanya kanya nilang pwesto para sa pagwelcome ng anak na babae ng president.

Matamlay akong pumunta sa pwesto namin,

“Pst! Wala bang balita kay Courts?” bulong ni Abi

Umiling iling si Louie.

Sinubukan kong makinig sa mga sinasabi ng principal at student council president namin sa harapan,

Pero di pa rin mawala sa isip ko si Courtney,

Nasan ka na ba?

Di mo lang alam,

Pero, im dying to see you.

Na, kahit asarin mo pa ako buong araw, ayos lang!

Basta, andito ka, sa tabi ko.

Gusto kong sabihin sayo na,

Kahit Diyosa pa ang lalakad dito’t magpapakilalang anak ng president,

Hinding hindi kita ipagpapalit,

Hindi hindi kita makakalimutan.

Namimiss na kita Courtney,

Miss na miss,

Yung ngiti mong cute,

Mata mong mataray,

Buhok mong bagsak na bagsak.

Naghiyawan ang lahat,

Inannounce na ng principal naming paparating na daw ang Presidente at ang anak niyang babae.

Imbis na sa babaeng anak ako nakatuon,

Napaisip ako,

Hindi ko pa nakikita ang mukha ng Presidente,

Kahit picture kasama ni mama o ni papa,

Wala pa akong nakikita,

Siguro nga, memorable tong araw na toh,

Ang araw na unang magpapakita ang isa sa pinakamayamang  tao sa bansang to,

Magpapakilala ang kanyang anak at mag-aaral sa mismong school na to,

Dumating ang mahahabang itim na kotse,

Inaabangan ko ang pagdating ng presidente.

Maraming body guards na lumabas,

Binuksan ang pinto,

At mula dun, lumabas ang isang matangkad na lalaki.

Nakaitim na suit at may puting rosas sa bulsa.

Napatingin ang lahat, kung gaano kamukhang mayaman ang taong to,

Isa lang ang sigurado ako,

Sigurado akong maganda ang anak nito,

Makisig ang president na kulay brown ang buhok,

Winelcome siya ng principal,

Kinamayan at binati.

“Please welcome, my beautiful daughter, Ms. Phoebe Courtney Aldridge” Sabi niya ng may accent.

Biglang bumilos ang tibok ng puso ko,

Courtney din ang pangalan niya,

Imposibleng si Courtney yan,

Imposible.

At, lumabas ang isang magandang babae sa sasakyan.

Nanahimik ang lahat,

Sa pagkita kung sino ang lumabas mula sa kotseng yun.

Si Phoebe Courtney..ay si Courtney?!

Parang tumigil ang mundo ko sa pagkakakita kung sino ang anak ng presidente,

Sa katahimikan ng lahat,

Ang boses ni Abi ang nangingibabaw.

“COURTNEYYYY! COURTNEYYY!! BUMALIK KA!! OHMYGASH! GRABE! KEVINNN!! LOUIE—“

Hinawakan ko siya sa dalawa niyang balikat.

“Abi, please.. hindi siya si Courtney.”

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon