MEAN XXIII: Last day

79 3 0
                                    

Bumangon ako ng maaga,

Bago ako umalis ng bahay,

Inipit ko ang buhok ko.

Which is very rare sa akin, lagi kasi akong nakalugay.

Pagpasok ko sa school,

Ang dami ng tao,

Pagtingin ko sa relo ko, maaga pa ah?

Baka sinisipag ang mga estudyante kasi last day na ngayon,

Habang naglalakad ako sa hallway,

May biglang nabato sa aking bola ng baseball na tumama sa mukha ko.

Tumingin ako sa way kung san nanggaling yung baseball ball,

Dun nakita ko ang tatlong lalaking nanginginig sa takot nung makita nila kung sino ang nabatuhan nila.

Galit nag alit ako,

Kulang nalang ay mapisil ang bola ng baseball dito sa kamay ko.

Ibabato ko sana ng malakas pabalik,

Kaso, nakita ko si Kevin,

Nakasandal sa isang poste sa hallway,

Nagbabasa ng libro habang nakangiti at tinitignan ang gagawin ko.

Hay nakuh,

Pasalamat talaga.

Kinalma ko ang expression ko,

Inhale. Exhale.

“halika dito.” Mahinhin kong sabi sa tatlo.

“Ka..kami?” tanong nila.

Pag ako talaga nainis, direcho to sa clinic.

Ngumiti ako, “oo. Kayo.”

Lalo silang natakot sa bait ng boses ko.

Manginig nginig silang tatlo nung lumapit sila.

Agad silang yumuko at lumuhod,

“Sorry.. sorry.. sorry!!” paulit ulit nilang banggit.

Tumawa ako,

Nagulat sila at yung ibang mga estudyanteng nanunuod.

Tinapik tapik ko ang buhok ng tatlo,

“Ano ba kayo, ayos lang.” Inabot ko sa kanila yung bola. “Ingat next time ah, play safe”

Ngumiti ako sa kanila.

Tumayo ako’t umalis na.

Hindi na nakagalaw pa ang tatlo sa sobrang gulat.

Kahit rin ang iba, di makapaniwala sa nakita nila.

Agad akong sinabayan ni Kevin sa paglakad.

*clap* *clap* *clap* “Nice.” Sabi niya.

“masaya ka na?”

“More! More!” Masaya niyang sabi.

“Ha.Ha.Ha.Ha” inis kong sabi.

Di ko akalaing magiging mahaba ang araw na to,

Dami ko ng nagawa,

Nagwalis ako ng harap ng campus,

Tinulungan ko ang mga teachers na magcheck ng papers,

Pag may nakakasalubong akong estudyante na madaming dala, tutulungan ko.

Naglinis din ako ng mga vandalism sa mga pader ng school,

Active ako’t sagot ng sagot sa mga tanong ng teacher.

Dami na ring muntik mahimatay sa gulat na natatamo nila dahil sa pagiiba ng aking ugali.

Ang sabi pa nila, kinakabahan daw sila everytime na lalapit ako’t bubuhatin ang mga libro nila.

“Hindi ba masyadong OA yung pagiging mabait ko?” sabi ko.

“Ang cute mo nga eh” sabi ni Kevin.

“hay, lagi mo namang sinasabing cute ako e.”

“Eh cute ka naman talaga eh, lalo na pag galit ka” sabi niya.

“Tara na nga, umuwi na tayo!” Sabi ko.

“Wait natin sila Abi.” Hinawakan niya yung kamay ko para pigilan ako, “Dito muna tayo.”

Napatingin ako sa pagkakahwak niya sa kamay ko,

Bumilis ang tibok ng puso ko, and for sure, namumula na ako.

Tinanggal ko ang kamay ko sa kamay niya.

Nahiya ako’t di makatingin sa kanya,

Kaming dalawa nalang sa room,

Pagabi na rin,

Nasan na ba sila Abi?!

Nahihirapan akong huminga,

Isipin na, kaming dalawa lang nitong gwapong isdang to dito sa room.

Lalo na pagnaalala ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko,

Para bang nagmamakaawang wag akong umalis.

Aish!

Namumula na naman ako.

“Heeyyaa!” Sigaw ni Abi.

Lumingon ako sa kanya na may galit sa mukha,

“bakit sakin, di ka pwedeng maging mabait? Usapan ka kaya sa buong school. By the way, sorry, Kevin ah. Napatagal kasi, hinanap pa namin si Ms. Umuwi na pala siya” pagpapaliwanag ni Abi.

“Ayos lang, nag-enjoy naman ako kasama si Courtney dito e” Tumingin siya sa kain sabay ngiti.

Tumingin ako sa ibang direksyon para di niya mahalatang namumula na ako

“Oh, tara na?” Tanong ni Louie.

Tumayo ako, “tara na.”

Sabay sabay uli kaming umuwi.

Nagkwentuhan at nagtawanan,

“San tayo this summer?” Tanong ni Louie.

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon