Nagmeeting kami sa student council.
Natulog lang ata ako buong meeting.
Nakakaboring naman kasi e,
Ba’t ba kasi ako kasama dito sa student council?!
“Magkakaroon din tayo ng overnight retreat.. any suggestions kung san gusto?” tanong ng president namin.
Nagising ako sa topic
“RETREATTTT!” Masaya kong sabi.
Lahat napatingin sa akin,
“kelan yan?”
“Pangatlo sa last activity natin this year, may suggestion ka b---“
“may suggestion akoooo!” masaya kong taas ng kamay. “Gusto ko next na!” sabi ko ng masaya.
“pero Courtney, mas uunahin daw natin—“
“I want the retreat next week. And that’s final.” Nagulat sila, dahil ang tono ng boses ko ay pautos.
Wala silang nagawa kundi kausapin ang principal about dun.
Naaprubahan naman agad,
After one week,
“iba din tong school niyo noh? First week, may activity na!” gulat na sabi ni Ana.
“Syempre, vice president ata ako ng school council” sabi ko.
“Ano bang pinakain mo sa principal? Oh baka naman, binenta mo.. ang.. yong..don’t make me say it.” Pang-aasar ni Ana sabay tawa ng masama.
“oops, nagupit ko ata yung strap ng bag mo, pano na yan? Sorry, hindi ko sinasadya.” Sabi ko sabay tawa ng malakas.
“ARGHHHHHH!! Walang’ya ka courtneyyy!! Courtneyy!! Bumalik ka ditooo!” inis na inis niyang sabi.
Overnight retreat,
Magiiyakan lang naman pag retreat diba?
BOOORING. -_-
Nirequest ko na ring magkakasama kami sa isang kwarto nina Louie, Abi at Kevin.
Pero..
“hi!” Pambungad na sabi ni Ana sa pagpasok niya ng kwarto namin, nakapajama na at may dalang unan
“Ayy, sorry Ana, pero, this room is for 4 persons lang e. pano na yan? Ayos lang naman, gusto mo, sa lapag ka?” Pangiinis ko sa kanya,
“Kevin!! Papayagan mo bang matulog ako sa lapag?” paawa awa niyang sabi kay Kevin
“tss..” natawa ako, para namang matutulog si Kevin sa lapag at pahihigain siya sa kama ni kevin noh.
“Tabi nalang tayo.” Sabi ni Kevin.
HUH?! Loko ba to?!
And we end up,
“Ang lamok naman dito oh!” sabi ko.
“Ayos lang yan, sanay ka naman ata sa lapag natutulog e.” Sabi ni Ana.
Eh kesa naman magkatabi si Ana at Kevin,
Di bale ng nasa lapag ako noh!
Oras oras ata ay nagigising ako.
“Aish!!” di nalang ako matutulog!
Lumabas ako ng building.
Maganda ang lugar na napili para sa retreat,
Maraming nakapalibot na puno at mahangin.
Lumabas ako at nagpahangin.
Sana, dito nalang ako nakatira.
Habang naglalakad ako, may narinig akong naguusap.
Di ko naman gusting makichismis,
Pero, nakikilala ko ang boses nung nagsasalita.
Si Ana.
Tinignan ko.
Umiiyak siya,
Di ko makita kung sino kausap niya,
Until yinakap siya nung lalaking kausap niya.
S.. si.. si Kevin.
Ang tanging narinig ko lang sa sinabi ni Kevin ay,
“Lagi naman akong nandito para sayo”
Umalis na ako,
Di dahil sa gusto ko silang magkaroon ng time.
Kasi, natatakot akong pag tumagal pa ako dun,
Baka lalo akong masaktan sa mga susunod na sasabihin ni Kevin.
Mabuti nang bumalik ako sa kwarto.
Pagbalik ko sa room,
Gising si Abi,
“san ka galing?” Tanong ni Abi.
“Nagpahangin sa labas, bakit?”
“Asan sila Kevin?” Tanong niya.
“Di ko alam e. Di ko sila nakita.” Sabi ko.
“Ahh. Ganun ba.” Gumapang si Abi sa hinihigaan ko, “Sa tingin mo, ano ginagawa nila?”
“Ewan ko. Malay ko dun.”
“Weh, walang pake effect ka pa. Luma na yan!” sabi sakin ni Abi.
“matulog na lang tayo.” Sabi ko
Paggising ko,
Ang cellphone kong tumutunog ang gumising sakin,
Hindi ko sinagot, inaantok pa ako.
Pero nung nakailang tawag na, inopen ko.
“Mama is calling. Answer? Cancel?”
Si mama? Alam naman niyang nandito ako sa retreat ah, sinagot ko.
“ma?”
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...