Na-dismiss na sila nung lumabas ako.
Confirm na may resection at wala daw'ng klase ngayong araw.
Nagkala ang mga estudyante,
May nasa hall, nasa room, nasa CR, sa kung saan-saan!
Paglabas ko, eh parang may concert.
Nagtitilian ang mga babae.
“Tumigil nga kayo.” Bulong ko.
Di sila tumigil.
Ayaw nyong tumigil ah!!!
“Sabing tumigil kayo eh!!” Sigaw ko.
Lahat nanahimik
Nakatingin sa akin lahat
Pero may nag-iisang lalaking tumatawa parin
Lumabas siya galling sa maraming babae.
Siya ata yung pinagkakaguluhan
Pero nagulat ako nung nakita ko yung lalaki.
Si..si..si Boy isda!!
Yung isda sa bahay kagabi!! Siya yung pinagkakaguluhan?
Ngayon ko lang nakita ng maayos ang mukha nitong si Boy Isda,
Matangkad, Maputi, matangos ilong, maganda pumorma at itim ang buhok niya't pataas taas pa
Pero di lang siya ang napatitig ako,
Yung lalaking katabi niya.
Kung gwapo tong isdang to, mas gwapo yung katabi niya.
Ganun din, matangos ilong, matangkad, maganda pumorma, maputi pero ang buhok ang pinagkaiba nila, brownish ang kulay ng buhok niya at wavy, bagay na bagay sa kaniya, ang ganda pa ng mga mata, mahahaba ang pilik mata, kulang nalang mahimatay ako, parang anghel ang nakikita ko.
Halata namang magkapatid sila,
Magkamukha sila sa ibang parte ng mukha,
Lumapit sa akin si Boy Isda, sabay akbay sa akin.
Nagulat ako. Walang umaakbay sa akin ng ganto, lalo na pag galit ako.
“Easy lang Courtney, ay, Ma'am Courtney pala.” Tumawa siya.
Tawa siya ng tawa.
Inalis ko yung kamay niya sa balikat ko.
“Well, Qualified pala ang mga isda dito!?” nilakasan ko nung sinabi kong ISDA, at nagulat ang mga babae kung pano ko tratuhin tong isdang to.
“correction. Over-qualified.” Dagdag pa ni Boy Isda sabay tawa.
Natawa din yung ibang estudyante at tumigil nung tinignan ko sila.
“Well, maiba nga ako, nasumbong mo na ba ako sa mama mo? You remember. Kagabi? Natamaan lang yang binti mo ng bato, mangiyak ngiyak ka na!” napatawa yung ibang estudyante.
Tumawa ng malakas yung kapatid niya.
Since di na siya nakapagsalita, naglakad na ako papalayo.
“di ka ba magte-thank you sa noodles na binigay ko? By the way, ang sarap ng kinain ko sa bahay ninyo ah.” Nilakasan niya ang huling sentence.
Napatingin sa akin yung mga estudyante at nagbulungan.
“well, THANK-YOU!!!” sigaw ko.
Nagmadali akong makaalis sa hall na yun.
Badtrip ah,
Sa sobrang inis ko, dumirecho nalang ako sa room.
“Shet. May resection pala ngayon. Walang klase.” Tanga ko.
Bwiset naman oh.
Bumalik agad ako sa hallway.
Medyo kumonti na ang mga estudyante ah.
Nawala na rin ang tensyon
“Huy!!”
Nagulat ako, si Abi lang pala.
“May sections na ba?” Tanong ko.
Nakangiti siya. Ngiting ngiti. “Ikaw ah.. Yiee!”
“Sapakin kaya kita!? Ano bang sinasabi mo?” inis kong sagot.
“Ikaw talaga, well… bukod sa akin, sino pa bang nakapunta na sa bahay niyo? Bukod syempre sa mga relatives mo.”
“uhm.. wala pa—”
“Wehhh!!!! Deny ka pa! Kalat na kalat na todo deny ka pa!”
Huh? Anu ba yun?
Ang daming pumapasok sa isip ko, san ba patutunguhan nitong usapan na toh?
“Well… ” nawala ang smile niya at nagpatuloy, “di mo ba talaga ako naiintindihan?”
“uhm.. di talaga eh.”
“Si Kevin, anak ng major stockholder!! Unang lalaking nakatuntong sa bahay nyo, Alam mo ba kung ga'no naghihirap ang mga manliligaw mo para makapasok sa bahay nyo at makilala ang mama mo? Pero si Kevin!!” Kevin? Huh? Ahh… si Isda!! Oo, si Isda!! Di naman kasi ako sanay tawaging Kevin yun. “At bago mo pa nalaman na major stockholder ang papa nun eh napapasok mo na siya. Siya ata ang unang taong nakapasok s---”
Pinigilan ko siya.
“di siya tao, isda yun.” Sabi ko.
“Isda?! Bulag ka ba?! Isdang mas gwapo pa sa tao, oo, isda!? Nakikita mo ba kung ga'no kagwapo yang isdang tinatawag mo—”
Naglakad na ako bago ko pa siya masuntok.
Kinalimutan ko na nga yung gabing yon, tapos ngayon? Ganto?
Nakahabol agad sa akin si Abi.
Tinignan ko siya ng masama,
“Courtney naman.. alam mo bang napakaswerte ko't nakakausap kita?” sabi niya.
“Wala akong pake.”
“eto, last question.. please??”
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...