Err..
Napatigil ako dun sa pintuan.
“KEVINNNNN!!” sabi ng isang babaeng yumakap sa kanya.
Yinakap din siya pabalik ni Kevin.
Oohh.
“di mo sinabing pupunta ka? You surprised me.” Sabi ni Kevin.
“syempre, sinabi sakin ni tita na pupunta ka dito. And I decided, na isurprise ka.” Sabi nung babae.
“tara, pasok tayo?” yaya ni Kevin dun sa babae.
Paglingon ni Kevin sa pinto.
“ohh, ah.. eh… Courtney! Ayos ka na?”
Di ako nakasagot agad,
“Ahh.. Oo.” Sabi ko.
Tumuloy sila sa bahay,
“Wow, ang linis naman ng bahay, sabi ni tita, wala kang dalang katulong. So, sino hinire mo?” Tanong nung babae.
“Ahh, si Courtney yung naglinis niyan. By the way, Courtney.. si Ana nga pala. Ana, si Courtney, kaklase ko” sabi ni Kevin
Inabot ko ang kamay ko para makipagshake hands.
Pero di inabot ni Ana yung kamay ko’t nagsalita lang.
“magkano bayad sayo?” tanong niya.
Sapak, gusto mo?!
Pag ako, di nakapagpigil. Masasakal ko tong babaeng to.
“hahaha, ano ka ba, ang bait nga niya noh? Isipin mo, nilinis niya to lahat!” sabi ni Kevin.
“Mukha namang sanay na siya” mataray na sabi ni Ana habang naglilibot sa bahay.
Hinila ko yung t-shirt ni Kevin.
Nilapit ko ang bunganga ko sa tenga niya.
“mapapatay ko to!” Sabi ko.
“behave.” Sabi niya.
Behave mo mukha mo!
Bumalik ako sa kwarto at natulog nalang uli sa inis.
Sino ba kasi yung babaeng yun!
Kala mo kung sino’t mapanghusga!
Pasalamat siya, kailangan kong maging mabait ngayon.
Uuwi din naman kagad yang Ana nay an diba?
Habang kumakain,
“I’ll stay here buong summer!” sabi ni Ana.
Muntik ko ng maluwa ang pagkaing kinakain ko.
Lahat napatingin sa akin,
“Ah..Ahysh..Lngs..shni” sabi ko habang may pagkain sa bibig.
“Ayos lang ba sainyo?” tanong ni Ana
“Ayos lang naman” sabi nila.
Lahat sila nakatingin sa akin,
Nilunok ko na ang kinakain ko at sumimangot,
“Ayos lang!” inis kong sabi.
Isang buong summer?!
Kasama siya?!
“Pwede bang umuwi nalang ako?” sabi ko kay Abi.
“Grabe ka, may ilang araw pa noh. Sayang talaga di ka nakaligo sa beach, bukas? Swimming uli tayo?” tanong niya.
“hay, gusto ko na talagang umuwi” malungkot kong sabi.
Araw araw, pinupuno ako ni Ana ng mga nakakainis na tanong,
Like, “Anong trabaho ng parents mo?”
“May company ba sila? Anong name ng company nila?”
“Wag mong sabihing walang trabaho parents mo?”
“Paano ka nakapagaral sa ganung school?”
Lahat naman yun, di ko lang pinapansin,
Pero isang tanong lang ang nacatch ang attention ko,
“May nililigawan ba sa school niyo si Kevin?” tanong niya.
Napatingin ako sa kanya,
“ba’t sakin mo tinatanong yan?” Sabi ko.
“Eh pag tinanong ko naman sa kanya, iiwasan lang niya e”
“teka nga, ilang araw na tayong magkasama, pero matanong ko lang, ANO KA BA NI KEVIN?”
“It doesn’t matter, pero, it does matter, KUNG ANO KA BA KAY KEVIN?” Mataray niyang tanong.
Iniwan ko siya sa balkonahe at tinulunga si Louie sa kusina,
“Anung ulam gusto mo?” tanong ni Louie
“Kahit ano. Sorry, di ako makakatulong sa pagluto ah. Di kasi ako magaling pagdating jan. Maghuhugas nalang ako ng plato” sabi ko.
“Sige.” Sabi ni Louie.
Habang naghuhugas ako ng plato,
Napaisip ako sa tanong ni Ana,
Ano ba ako kay Kevin?
Kaklase.. Yun lang.
Yun lang.
Pero sino siya? Ano ba siya ni Kevin?
Girlfriend.
Girlfriend?
Nagulat nalang ako at umaapaw na ang tubig sa lababo.
“Mukhang madami iniisip mo ah, may problema ba?” tanong ni louie. “Pwede mo akong share-an”
“May tanong kasi bumabagabag sa isip ko. Di ko rin alam kung bakit.”
“Ano ba yun?”
“Ano ba ni Kevin si Ana?” tanong ko.
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...