“Please, ibalik mo na ang shares ng pamilya ko sa kompanya mo!”
Mangiyak ngiyak na sabi ni mama.
Ngayon ko lang nakita si mamang ganto,
Siguro nga kasi, mahalaga ang pera para sakanya,
Hindi nagsalita si COurtey, ngumiti lang siya ng masama habang pinagmamasdan ang mama ko.
“hello, Mrs. Smith”
Mukhang nakilala ni mama ang boses,
Kaya agad napatingin si mama kay Courtney.
Nanlaki ang mata ni mama at tila ba di makapaniwala sa nakita niya.
Agad siyang tumayo at napaurong,
“B.. bakit ka.. nandito?!” Sabi ni mama.
“bakit, Mrs. Smith? Di mo ba ako kilala? Lumuhod ka sa harap ko ng hindi mo kilala kung sino ang niluluhuran mo? Nakakatawa ka naman Mrs. Smith”
Hindi makapagsalita sa mama.
Kinuha niya ang bag niya’t hinatak ako palabas.
“bakit ngayon mo lang sinabi na si Courtney yun!?” galit na sabi ni mama.
“ma, kahit naman hindi si Courtney yun, di pa rin papayag yun sa hiling mo!” pangangatwiran ko.
“Pero, napahiya ako! Sana, sinabi mo sakin ng maaga!”
Hindi na ako nakipagtalo pa at sumunod nalang sa kanya pauwi.
Bago ako matulog,
Napagisip isip ko,
Bakit kailangan si mama pa ang hanapin ni Courtney?
At kanina,
Nung alam kong galit siya,
Naalala ko ang dating Courtney,
Naalala ko yung galit niya nung birthday niya kay mama.
Bakit parang ganun?
Imposible,
Baka nagkataon lang na, galit siya kay mama.
Itinulog ko nalang ang pagiisip ko.
Ganun pa rin naman ang araw araw,
Kain sa canteen kasama sila Abi, Louie at Ana.
Aral.
Kain.
Uwi.
Ganun lang ang araw araw ko ngayong wala na si Courtney sa buhay ko.
Madalas na rin kaming magkasama ni Ana,
Kaya di maiwasang magkaroon ng chismis,
At di ko aklaing dadating sa ganto.
Napadaan kami sa hallway ng may nakita kaming posters.
“NO TO KEVIN-COURTNEY, YES TO KEVIN-ANA”
Woaw.
“Alisin na yang mga yan!” utos ni Courtney sa mga guards niya. “nakakaisra lang yan sa pangalan ng mga estudyante natin”
Hinarangan ni Ana ang mga posters.
“bakit niyo tatanggalin?! Edi gupitin niyo yang, ‘NO TO KEVIN-COURTNEY’ tapos, idikit uli yung YES TO KEVIN-ANA”
“hindi pwede.” Sabi ni Courtney.
“Bakit? Nasasaktan ka bang makita na mas bagay kami ni Kevin?”tanong ni Ana,
Natawa si Courtney, “sayong sayo na siya! Baka nga ikaw lang ang nagpagawa ng mga posters na yan, sa sobrang desperada mo kay Kevin”
“Excuse me, I’m not that desperate!” hinila niya ako’t dumikit dikit sa akin.
Tinignan ako ni Courtney kung may gusto pa ba akong idagdag,
“tama si Ana” tumawa ng masama si Ana, “pwede mo namang gupitin yung—“
Hinili ako ni Courtney kay Ana,
Pinadampot naman ni Courtney sa mga guards niya si Ana.
Sigurado siyang maraming makikichismis,
“Walang susunod, puputulin ko mga paa!” sigaw niya.
Napatigil ang lahat sa paglalakad.
Hawak ni Courtney ang kamay ko.
San ba niya ako dadalhin?
Hanggang sa tumigil na siya sa paglalakad,
Hinarap niya ako pero di parin binibitawan ang kamya ko,
Napatingin ako sa kamay niya,
Agad siyang bumitaw sa pagkakahawak,
“bakit?” tanong ko.
“Hindi ka ba nagiisip?!” sabi niya.
“Ano?” Tanong ko,
“Ano ba sa tingin mo ang iisipin ng tao, na nagkaamnesia lang ako, eh lumalandi ka na agad diyan?”
Nagulat ako sa sinabi niya,
“San mo naman napulot yang may ugnayan tayo sa isa’t isa?”
“Inalam ko na ang mga backgrounds niyo at inalam ang status ko sa bawat isa sa inyo”
“baka mali yung nakuhaan mo ng source.” Sabi ko.
Naglakad na ako papalayo,
“Dine-deny mo bang nagkagusto ka sakin dati?” Sigaw niya sa akins a likod ko,
Lumingon ako,
“may gusto, ako, sayo?” Tumawa ako ng malakas,
“anong tinatawa tawa mo jan?” Tanong ni Courtney sa akin.
“Pano ako magkakagusto sayo? I don’t even know you.” Sabi ko.
“Di mo ako kilala?! Baliw ka ba?!”
“Hindi naman ikaw si Courtney na mina…”
“Ano?! Bakit hindi mo sabihin?!”
Pumapatak na ang ulan.
“Bakit, pag sinabi ko ba? Babalik ang alaala mo?”
Lumapit ako sa kanya, basang basa na ako.
“Pag sinabi ko bang MAHAL KITA, MAMAHALIN mo din ba ako tulad ng dati?! Hindi diba? Kaya wala ng dahilan pa, para magpakatanga ako! Kasi, kahit anong gawin ko, mas pipiliin mo pang di bumalik ang mga alaala mo.” Buti nalang at maulan, di masyadong mahahalata ang lungkot sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...