MEAN II: Sign

135 4 0
                                    

“Hey!” sabi ni Abi.

Meet Abigale, ang bestfriend ko.

Maiksi ang buhok niya, matangos ang ilong at may kaputian.

Galing din siya sa school na pinagmulan ko.

Alam niya kung anu itsura ko noon.

Alam niya kung sino ako noon,

And she saw me at that moment

Alam niya kung bakit ako gan'to ngayon.

Naiintindihan niya ako.

At siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ko, sa ngayon.

“Hey!” Sabi ko.

“May tanong ako.” Sabi niya.

Tanong? Tungkol naman kaya saan?

Hinintay ko siyang magsalita.

“Uhmm, well, uhm.. Sila?” tumingin siya sa mga manliligaw ko, “wala ba talaga silang pag-asa ? I mean,yung mga manliligaw mo. It’s been three years, Courtney—“

“Akala ko ikaw ang unang unang makakaintindi” sabi ko bago pa siya matapos sa sinasabi niya

“Courtney, di ko naman sinasabing di kita naiintindihan, actually, I completely understand you, kasi kung ako rin, ganiyan din ang gagawin ko. I just want you to know, na hindi lahat ng lalaki pare-pareho. Hindi sila katulad ni John!” napatingin ako sa kaniya sa pagbanggit niya ng pangalan, “Sincere sila, I mean, just give them the chance. Malay mo andiyan lang si Mr. Right.”

Napatingin ako sa mga manliligaw ko.

Anjan si Mr. Right? Err.

“I don’t think so.” Sabi ko.

“Well, ask a sign! A simple sign. Nagwowork yan noh!”

“Per—”

“Shhh! Mas ok ng magtry di'ba?”

Di ako um-oo, di rin naman ako humindi.

I just smile and she leaves

Sign?

Natawa lang ako.

Pangbata!

Di naman totoo yan.

Pero…

Pero wala namang mawawala kung ita-try ko di'ba?

I decided to try.

Nakaupo ako sa isa sa mga bench ng school namin.

Pagabi na, kaya wala ng masyadong tao.

Wala ng tao.

I’ll give it a try. Just a try.

Pag di gumana, wala na talagang pag asa ang puso ko.

Pumikit ako.

Kung sino ang unang lalaking uupo sa tabi ko sa mismong bench na to, kikilalanin ko siya at kakaibiganin

Yan, ok na siguro yan.

Umupo ako at naghintay.

After 30 minutes ng katangahan, tumayo ako.

Patience. Patience.

O'sige ganto nalang

Kung sino ang unang lalaking makikita kong uupo sa bench na toh, kikilalanin ko at kakaibiganin. Kahit wag na umupo sa tabi ko, basta sa bench na to!

Ok na.

Tinitigan ko ang bench,

ARGG! Pasado alas-syete na ng gabi.

Hay, sabi na, di totoo e!

Atleast, nagtry ako.

Tatanda na siguro talaga akong dalaga.

Umalis nalang ako.

Habang naglalakad ako,

Sinilip ko uli yung bench

Ohmy!!

May nakaupo!! May nakaupo!!!!!

“YESS!!” bago ko pa napigilan ang sarili ko, napasigaw na ako.

Shocks.

Andiyan na siya, andiyan na si Mr. Right!!

Sana siya na talaga toh,

Nagmamadali akong bumalik sa campus

Lalo pa akong nagmadali nung napansin kong tumayo na yung lalaki at paalis na

Hala… Dali!! Dali!!!! Kaso biglang…

“AHHHHHHHH!!!!” napasigaw ako.

Bwiset  nahulog ako sa kanal.

Badtrip.

Dali-dali akong tumayo.

Sumilip uli ako sa school, wala na, wala na si Mr. Right!!!

Umupo ako sa tabi ng puno.

Sa sobrang inis ko, pinagsisipa-sipa ko lahat ng nakikita ko.

At isa na dun ang isang malaking bato.

“Shitt!!” napamura ako, ang sakit.

Ang laki pala ng batong yun.

Bahala na,

Tumayo ako at naglakad.

Medyo tuyo narin ako.

“Hoy!!” may sumigaw sa likod ko.

Di ako lumingin.

Siguradong di ako yun.

“Hoy babae!! Babaeng nahulog sa kanal!!” sabi pa niya.

Ako? Oo, ako nga.

Lumingon ako't tinignan siya ng masama.

Imbis na puntahan siya.

Tumayo lang ako at hinintay siyang makarating sa kinatatayuan ko.

“Kilala ba kita?” Inis kong tanong nung malapit na siya.

Nakarating na siya sa harap ko bago pa siya magsalita.

“Uhm, hindi, siguro.. ewan ko.” Sabi pa niya, habang nakahawak sa binti niya.

“oh!?” inis na sabi ko.

“Uhm, ang sigurado lang ako, may responsibilidad ka sa akin.”

Responsibilidad?, “waw hah, nahulog na ako sa kanal, may responsibilidad pa ako sa 'di ko kakilala? Bakit, nabuntis ba kita, huh?”

Tumawa siya.

“tapos ka ng tumawa?” inip kong tanong.

“'di pa, wait,” tumawa pa siya, “ayan, tapos na.. uhm,” tinuro niya yung binti niyang nagdudugo, “nakikita mo yan?” tanong niya.

“Bukod sa cheap na pantalon, anu pa bang dapat kong makita?”

“Hoy anong chea – argg, nevermind, well, dahil sa batong sinipa mo.. natamaan yung binti ko, kaya naman gamutin mo ako.”

“Excuse me, doctor ba ako?” tanong ko.

Tumawa uli siya

“Atsaka, nakikita mo tong paa ko? May sugat din yan, kasi sinipa ko yung bato. Since parehas tayong may sugat, quits na tao! Sige na! Bye!!” sabi ko.

“wait, what? Anong quits!! Unfair yun Pe—wait, ikaw ba si, wait, Courtney?!” tanong niya.

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon