MEAN XVIII: Congrats

85 3 1
                                    

Katahimikan..

Walang nagsalita,

“Ayos lang ba yung buhok ko?” sabay tingin sa kulot kong buhok.

Wala pa ring nagsalita.

“Anu ba tong mukha ko, mukha pa rin bang kontrabida..?”Tanong ko.

Kinalma ko ang aking mga kilay at nawala ang kunot sa aking noo.

Ngumiti ako ng mahinahon at..

“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaw” sabi nila.

“tayo na mananalo!”

“Grabe! Lalo siyang gumanda!”

“Nasa heaven na ba ako?”

“Para siyang demonyong nagsuot ng mala-anghel na maskara” sabi nung isa.

Napatingin silang lahat dun sa nagsabi.

“bawiin mo yung sinabi mo!” bulong nung isa.

“hala, lagot na pag nagalit yan” bulong pa nung isa..

“hahaha” tumawa ako ng mahinhin, lahat napatingin. “Anu ba kayo, ayos lang, ang cute nga e” sabi ko ng mahinhin.

Lalo silang napanganga sa pagbabago ng di lang ng itsura ko kundi pati ugali ko.

Nung tignan ko yung mga tao, napansin ko, wala sila Abi, Louie at Kevin.

“Nasa'n sila---“ Tanong ko,

“Magiistart na!! Start na!!” sabi ng president namin.

Agad nagready ang lahat,

Nasa backstage ako at kinakabisado ang mga dialogue ko.

Sumilip ako ng kaunti sa stage curtain,

Ang konti lang ng tao.

Hayy, kung ako nga talaga ang pagibbidahin, mga manliligaw ko lang ang aattend.

Paglabas ko ng stage,

“Woaww..” Ang tanging reaksyon ng lahat.

 Ang unang scene ko ay kasama ko si Isda.

Kahit siya nagulat sa itsura ko,

Pero ngumiti siya at dineliver ang lines niya.

Habang tumatagal ang play,

Padami na ng padami.

Hangga’t sa isang beses paglabas ko ng stage, sobrang daming tao.

Parang yung buong school, nasa loob na ng room kung san kami nagpeplay.

Sa sobrang dami, nakatayo na ang iba.

Natulala ako sa kaba,

Last scene na to ng play, ba’t ngayon pa ako kinabahan.

Pagtingin ko kay Louie,

Sumenyas siyang, ‘Yung line mo?’

Yung line ko?!

Ano uli yung line ko?!

Di ko matandaan yung exact,

Pero, ang alam ko, aamin na dapat ako dito kay Louie.

Naiinip na ang audience,

I have to say something.

Nagsalita si Louie para mabigyan ako ng clue sa dapat kong sasabihin,

“So what do you have to confess now?"

Di ko pa rin maalala, nasan na ba ako?!

"I'm confessing that I don't know if I'm ready for this." Lumabas sa bibig ko

Agad nakisakay si Louie sa mga sinasabi ko,

"What is 'this'?"

"Being open. Being hurt. Liking. Not being liked. Seeing the flicker on. Seeing the flicker off. Leaping. Falling. Crashing. William, you may not believe me, but, I love you. I love you more than anyone or anything in this world. And I didn't choose Fred, William. I chose you.” Lumabas sa bibig ko na natural na natural na para bang iyon talaga ang nasa script.

Lahat natouch at nagpalakpakan.

Binaba na ang stage curtain at bumuhos ng mga hiyawan sa audience..

Nagstay lang ako sa isang table habang isa isa yung mga cast na batiin ako.

“Congrats! Ang galing mo!”

“Courtney, ang galing mo pala umarte!”

“Ang ganda ng last part natin!”

“Sa dami ng pumunta, sure panalo tayo!”

Tinignan ko sila,

Tinaas ang isang kilay at tumayo.

“Ang kati naman ng damit na to!” Inis kong sabi.

Dumirecho ako palabas, pero napahinto ako sa narinig ko.

“So, I guess.. we’re back to normal na!”

Nagtawanan silang lahat,

“Pero siguro we should thank Courtney, hindi tayo mananalo kung hindi dahil sa kanya!”

“Yeahhh! Mas maganda nga talaga siya pag mabait noh?”

Hindi ko alam,

Pero, napangiti ako sa mga narinig ko.

Dumirecho ako palabas ng makasalubong ko si Isda,

Nahuli niya akong abot tenga ang ngiti.

Napatigil siya pero naglakad uli at lumagpas sa akin.

Lumingon ako’t tinawag siya,

“Isda, wala ka bang sasabihin?” Tanong ko.

“Congrats.” Sabi niya ng di man lang ngumiti.

I was expecting him na asarin ako,

Nagpatuloy na lang ako sa paglakad,

Wala na yung ngiti ko kung kalian nakasalubong ko si Louie.

“Hello, Ms. beautiful, Congratulations!” Masaya niyang sabi at ngumiti na kabalikataran ng expresson ni Isda.

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon