MEAN XXVII: New classmate

92 2 0
                                    

Hindi ko masyadong naenjoy ang summer ko,

Pano ba naman,

Ang lagi ko nalang nakikita,

Si Kevin at Ana.

Kevin at Ana.

Kevin at Ana!

Wala bang Kevin at Courtney?

LOL.

“ma, papasok na po ako.” Sabi ko.

Kinissan ako ni mama sa noo.

“Ingat anak, dalaga na anak ko oh” sabi niya.

“ma naman e..” sabi ko.

Masaya akong naglakad papuntang school.

Nasanay na rin akong ngumiti palagi at maggreet pag may nakikita akong kakilala.

First day,

Pagdating ko sa gate ng school.

Ganun pa rin naman,

Ang pinagkaiba lang, nakangiti ako.

“Uyyy! Courtney!” Sigaw ni Abi. “Punta ka dito!”

Mejo crowded,

Di ko na hinintay pang magbigay sila ng way,

Siningit ko ang sarili ko’t, banggit ng banggit ng, “excuse me.. excuse me..”

Nagugulat nalang ang iba kung sino ang nageexcuse.

Nung makarating na ako sa pwesto nila Abi.

Tengene..

Ba’t andito to?!

“Hiii Courtneyy!” Pang-aasar ni Ana.

“Ba’t andito ka?!” Inis kong tanong

“Dito na ako mag-aaral. Look oh, mas bagay sa akin tong uniform kesa sa pagsuot mo. I look like a model” sabi niya.

“talaga? Eh kung punitin ko kaya yang uniform mong yan at gupit gupitin ko yang buhok mo? Sa tingin mo ba, magmumukha ka pang model?! I don’t think so, and its getting hot in here, or is it just me?” Inis kong sabi.

Sabay walk out.

Sinundan ako ni Kevin.

Hinawakan niya ako sa kamay.

This time, di ako kinilig.

Naiinis ako!

“Bitiwan mo nga ako!” mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

“Hindi kita bibitawan hangga’t di mo sinasabi bakit ka nagkakaganyan.”

“Huh!” ngumiti ako ng masama, “Ano ako aso? Na kapag sinabi mong BEHAVE eh magbebehave na ako, na kapag sinabi mong SIT, uupo ako? AT HINDI PORKE NAPAGUSAPAN NATING MAGPAPAKABAIT AKO, DOESN’T MEAN, BAWAL AKO MAGALIT!”

“Ano bang meron kay Ana at ayaw mo siyang mag-aral dito?!”

“KASI NAKAKAINIS KAPAG NAKIKITA KO KAYONG MAGKASAMANG DALAWA!!” Inis kong sabi.

Ohh.

Sh*t, anong sabi ko?! Anong sabi ko!?

Sa sobrang galit ko, nasabi ko yung di ko dapat sabihin.

Hinila niya ang kamay ko at yinakap ako,

“nagseselos ka ba?” Tanong niya.

“tae mo! Di ako nagsesel—“ Yinakap pa niya ako ng mas mahigpit.

“Wag ka mag-alala, mas bagay tayo” Sabi niya.

Mas bagay tayo

Ang sarap pakinggan.

“Bitawan mo nga ako.” Sabi ko.

“Oo nga e,” binitawan niya ako, “namumula ka oh.  Ang cute” Sabi niya.

“Bleehhh!” Dinilian ko siya at umalis na.

Magkakaklase kaming lima,

Nakapwesto kami sa last row ng upuan.

Si Louie sa dulo, katabi si Abi, katabi Ako ni Abi, katabi ko si Kevin at katabi ni Kevin si Ana.

“Sayang naman, di natin kaklase si 'insan!” sabi ni Abi.

Napatingin kami sakanya,

Bukod sa kanya, nagdala pa siya ng isa sa angkan niya.

-___________-

 “Ano pangalan ng pinsan mo?” tanong ni Abi.

“Si Jo—“

“Okay class, please, lend me your ears” sabi ng teacher namin

“Mamaya nalang” bulong ni Abi.

“Sure” sabi ni Ana.

After ng klase, kailangan ko pang magpasa ng mga papel sa school council.

Nakakatamad naman oh.

Habang naglalakad ako sa hallway, sa pagmamadali ko di ko nakitang may elevated step pala sa harap ko.

Nadapa ako at nagkalat yung mga papel sa lapag ng hallway,

Tinulungan ako nung lalaking nasa harap ko.

Pinulot niya yung mga papel at inabot sa akin.

Sa pagmamadali ko,

Di ko nakuha ang pangalan ni kuya,

Paglingon ko, wala na.

Wala na si kuyang nakaorange

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon