“Yesss! Excited na ako bukas!” sabi ni Abi.
“Ako rinnn!” masayang sabi ni Louie.
“yeah!” sabi din ni Kevin
“Oo nalang.” Sabi ko.
“Magiging masaya to Courts!” sabi ni Louie.
“uuwi ako ng maaga para ayusin ang mga gamit ko!” excited na sabi ni Abi.
Maaga nga kaming umuwi,
Pero tinitigan ko lang ang dadalhin kong bag
Di ko alam kung anung pwedeng isuksok dun.
Natulugan ko nalang yun,
At paggising ko,
LATE na naman!!
Agad agad akong kumuha ng kung anong damit ang makuha ko,
Tubig! Maraming tubig! Gamot! Gamot!
Pagdating ko sa school,
Naka by group na sila.
Hingal na hingal ako na nagtanong, “Sino kagroup ko?!”
Lahat ay umiiling at ayaw akong kagroup,
Hanggang sa napatingin ako sa grupo nila Abi at Louie,
“Dun nalang ako.”
Hindi na nakaangal pa ang president namin.
Agad akong dumirecho kina Abi.
“Yes! Dito ako” Asan si Kevin? “Asan si Isda?” tanong ko.
“Ibang grupo siya eh, atsaka mukhang aalagaan naman siya ng mga babae dun”
Pag tingin ko sa grupo ni Kevin,
Puro babae nga.
Nagtatawanan sila at mukhang enjoy naman si Kevin.
“tss.” Ang tanging nasabi ko.
Siniko ako ni Abi.
“o?!” Inis kong sabi.
“Waley.. ganda mo!” sabi niya sakin.
“buti naman narealize mo.” Sabi ko.
Nagsimula kaming maggrupo grupo at kami agad ang naunang maglakad pataas ng bundok.
Habang hawak hawak ni Abi ang mapa,
Ako naman,pagod na pagod ng lumakad.
“hindi pa ba tayo magpapahinga?” Inip kong tanong,
“konting tiis Courtney wala pa tayo sa ¼ ng bundok”
“Ehh, ang sakit na ng paa ko e, di ba pwedeng iwanan nalang ako dito?”
“hindi pwede, ano ka ba.” Sumbat ni Abi.
Pinagpatuloy namin ang paglalakad hangga’t sa madapa dapa na ako.
“Okay, let’s stop here” sabi ni louie.
“YESSS! Ngayon niyo lang narealize?! Jusko!” inis kong sabi.
Umupo ako at sumandal sa isang puno.
“I need food.” Ang tanging request ko.
“Ayos ka lang ba dito, maghahanap kami ng pagkain, kahit prutas sa mga puno ni Louie. Wag kang lalayo ah!” Bilin ni Abi.
“opo ma’am!” Pang-aasar kong sabi.
30minutes na at mdilim na, pero wala pa rin sila.
Asan na kaya yung mga yun?
Hanggang sa may narinig akong parang may gumagalaw dun sa damuhan.
Tumayo ako at ginawang shield ang bag ko.
Kumuha ako ng stick sa tabi at tinutok dun sa damuhan.
“SINO KA!? LUMABAS KA KUNG SINO KA MAN!” sigaw ko.
Lalong lumakas ang tunog dun sa damuhan,
At lumabas si..
KEVIN?!
Tumawa siya ng sobrang lakas halos di siya makapagsalita sa sobrang tawa, “Pfttt! Nakita.. Nakita mo ba mukha mo!!! You’re like, ‘ahh! Please don’t kill me!’ ahahahaha!” Tawa siya ng tawa.
Nilapitan ko siya at sinipa tuhod niya.
“Just like the first time we met, mas gugustuhin ko pang makita kong umiyak kesa tumawa jan!”
Imbis na mangiyak siya sa sakit.
Tawa pa rin siya ng tawa.
Dumating naman sila Louie at madaming hawak na prutas.
“Sapat na siguro to hanggang pang bukas” sabi ni Louie.
“Oyy, ikaw pala yan Kevin!” sabi ni Abi.
Tumayo naman sa pagkakaupo si Kevin at nagpagpag ng pantalon niya.
“Sana nandito kayo kanina!” proud na sabi ni Kevin.
Tinignan ko siya ng masama.
“Edi sorry na.” sabi ni Kevin
“good.” Sabi ko.
“Hala, nakalimutan nating maghanap ng apat na malalaking sticks!” gulat na sabi ni Abi.
Napatingin kami ni Kevin.
“baka naman meron jan sa tabi tab---” sabi ko.
“kami nalang ni Courtney ang maghahanap” sabi ni Kevin sabay akbay sakin.
Agad kong tinanggal yung kamay niya sa balikat ko.
Ako ang nagli-lead ng way,
Maraming kahoy dito, pero maliliit.
Hindi ko nililingon si Kevin,
Patuloy lang akong naglalakad at naghahanap ng kahoy.
Mejo malayo na tong narrating namin,
“Bumalik na nga ta—“ paglingon ko,
Kevin?!
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...