MEAN XII: Condition

86 2 0
                                    

Habang naglalakad kami,

“Sure ka bang alam ni Kevin yung daan?” sabi ni Abi kay Louie.

“Ewan ko sa kaniya.” Sagot ni Louie.

“Pa'no namang di malalaman niya yun, eh papuntang bahay nila yun?” Tanong ko.

“May problem kasi si kuya sa memory, kaya pahirapan kapag siya lang umuuwi mag-isa” sagot ni Louie.

Memory?

Matanda na kasi, pff.. hahahaha!

“Maglalakad ka?” tanong ko kay Abi.

“Malamang. Sa tinagal tagal ba naman natin sa room, ginabi na tayo. Iniwan na ako ng service ko.”

“Ikaw?” tanong k okay Louie.

“Kung maglalakad si Kuya, maglalakad rin ako.”

Napatigil ako sa paglalakad,

Napatingin sakin sila Louie at Abi.

Nginitian ko sila ng masama,

“Uh-oh..” sabi ni Abi. Alam kasi niya ang ibig sabihin ng ngiting yun.

May masama akong binabalak.

Lumapit ako sa kanila at bumulong,

“Gusto nyo bang kumain sa bahay namin?” Tanong ko.

“tara!!!—“ sigaw ni Louie.

“Shhh!!! Iiwan natin si Kevin!” nag-iba ang expression ni Louie. “Pero hindi naman natin siya totally iiwan, syempre, sa ayaw at sa gusto niya susunod pa rin siya.”

Ngumiti ako.

Agad kaming nag iba ng daan at dumiretso sa bahay.

“tara!” bulong ko.

Hala, wala na si Mama.. Arg. Si Isda nalang paglulutuin ko.

Malinis naman yung bahay.

Agad namang pumasok si Louie at Abi

“Upo muna kayo,” sabi ko.

Nagkwentuhan sila habang ako kumukuha ng juice.

At isa isa kong silang binigyan

Nung nakaupo na kaming tatlo,

Isa isa kaming nakiramdam.

“Three.” Sabi ni Louie.

“two.” Sabi ni Abi.

“One!” sabi ko.

*Knock* *Knock*

Tumawa kami ng mahina.

Pumunta kami ng tatlo sa pinto.

“Uhm, sorry mali po ata ng bahay ang pinuntahan nyo.” Sabi ko.

“Courtneyyyy!!!!” Inis na sabi niya.

Tawa lang kami ng tawa.

“Arg! Baliw kayo!! Baliw!!! Uuwi na nga ako!” inis sa sabi niya.

“Osige mabuti na't umuwi ka at mawala. Nakuhh, may mga adik pala jan sa kanto, nakakatakot dumaan dun. Nakuh! One way lang ang labas ng bahay na toh, san kaya siya dadaan?” pagpaparinig ko.

“Papasukin mo na kasi ako!” sabi ni Isda

“One condition.”

“Anu? Hahalikan kita? Sige, halika dito---”

 Pagbukas ko ng pinto, “Gusto mo ba talagang pumasok ditto o dumirecho sa ospital?”

“Di na.. di na.. papasok na nga oh..”

Pumasok naman agad siya.

Nakaupo na kaming apat sa sofa nung nagsalita si Isda,

“Oh, anung condition?”

“Magluluto ka ng pagkain natin.” Sabi ko.

“Ayaw mo ba ng dinner at kiss?”

Sasapakin ko na sana kung 'di lang ako napigilan ni Abbie e.

Nagluto muna si Kevin ng ulam habang si Abi naman nanunuod kay Kevin

Magaling din magluto si Abi kaya naman magiging masarap talaga ang hapunan!

Habang ako naman, pinapanood si Louie habang kumakanta,

Yup, pinapanood.

Kasi mostly nakatitig lang ako sa mukha niya.

Nung matapos na siya sa kanta,

“Bakit ang gwapo mo?” direcho kong tanong.

Napahawak siya sa leeg niya,

Nang-aasar ba to? Sinabihan ko na ngang pogi, lalo pang nagpapogi.

Pero nahiya siya sa tanong ko,

Pero ang lakas pala ng pagkakatanong ko't narinig hanggang kusina,

“Ako, di mo ba ako tatanungin kung bakit ang gwapo ko? Kasi alam ko yung sagot!” sigaw niya Kevin.

“At bakit naman kita tatanungin?” sigaw ko.

“Kasi, di hamak na mas gwapo pa ako kay Louie!!”

Narinig kong tumawa si Abi.

“Wala ba kayong salamin sa bahay?” tanong ko kay Louie.

 “I heard that!!!” sigaw ni Kevin sa kusina.

Tumawa kami ni Louie at dumirecho na sa kusina.

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon