After ng ilang oras na byahe,
“Waaaaaww! Ang ganda naman dito!” sabi ni Abi.
“Ano, tayo na bahala sa bahay?” Tanong ni Louie kay Kevin.
“tayo na. Maglilinis naman nun si Courtney e.” sabi ni Kevin.
Nasusuka na ako.
“I… need.. air..” pagmamakaawa ko.
“Ayos ka lang Courtney?!” Sabay na tanong ni Louie at Abi.
“Nasusuka lang ako, tara na” Sabi ko.
Pagdating namin sa bahay.
Wow.
Ang laki, bahay bakasyunan lang ba to?
Parang six times to ng bahay namin.
Pumunta agad ako dun sa may shelf kung san may mga pictures ng family nila.
Maliit pala talaga ang pamilya nila.
“Donyang donya ang mama niyo Louie” sabi ni Abi
“Oo nga, masungit yan, pero mabait siya” Sabi ni Louie.
“Ok! Ilagay na natin mga gamit natin sa kwarto natin tapos, we can start swimming!” masayang sabi ni Kevin.
Nilagay na namin ang mga gamit namin sa kwarto,
Sa bahay na to, lima ang kwarto.
Wow.
Bilib na ako sa yaman nila.
Lahat sila nagbihis na pang swimming.
Si Abi, nakaswimsuit with shorts.
Sila Louie at Kevin naman, naka trunks.
Paglabas nila, nagulat sila.
“bakit di ka pa nagbibihis?” Sabay sabay nilang tanong sa akin.
“Masama pakiramdam ko, maglilinis nalang ako ng bahay.” Sabi ko.
“Ano ka b—“ pagpipigil ni Abi.
“hayaan mo siya.” Sabi ni Kevin, “kung yan gusto niya.”
Di ko alam, pero, nasaktan ako sa sinabi niya.
Siguro kasi, umaasa akong..
Sasamahan niya ako..
Aish. Ano ba tong iniisip ko.
Ngumiti ako, “Oo nga! Hayaan niyo na ako! Magenjoy nalang kayo, pagdating niyo dito, malinis na ang bahay!” sabi ko.
“Samahan kita?” Tanong ni louie.
Salamat Louie…
“Wag na, magenjoy na kayo. Ingat ah!” sabi ko.
Umalis sila ng may pag-aalala sa mukha.
Hindi ko rin alam kung san ako magsisimula pag- alis nila.
Siguro, magpupunas muna ako ng mga bintana
Ilang oras din akong naglinis linis.
Hanggang sa pagod na pagod na ako’t naghahabol na ako ng hinga.
Kaya pa!
Yung cr na lang.
Dahan dahan akong pumanik ng hagdan hanggang sa makarating ako sa Cr.
Malaki din ang CR.
Nilinis ko muna ang bathtub, kakaiba ang bathhtub nila.
San lumalabas ang tubig nito?
Tumayo ako sa bathtub at pumindot pindot ng kung ano ano doon.
Pagpindot ko sa isang pindutan,
May lumabas na banda sa paanan ko at nadulas ako sa bathtub,
Akala ko mauuntog na ang ulo ko,
At ang naalala ko nalang ay,
“Muntik ka ng mahulog, ang kulit mo kasi e” Sabi ni Kevin.
Sinalo ako ni Kelvin.
Pumikit na ang mata ko sa pagod.
Paggising ko,
Sila Abi at Louie ang nasa tabi ng kama ko.
Nagulat ako’t napabangon sa pagkakahiga ko.
“Asan ko!?” tanong ko.
“Grabe ka, anyare ba sayo? Sabi kasing magenjoy nalang tayo sa labas e!” pagaalala ni Abi.
“Ayos lang ako.” Sabi ko.
Asan si Kevin?
“Mukha ka bang ayos?! Kung di dumating si Kevin, malamang duguan na yang ulo mo jan!” sabi ni Abi.
“Uhmm.. asan nga pala siya?” tanong ko.
“Ahh.. siya kasi yung naglalagay ng bimpo sa noo mo, baka kumukuha siya ng bagong bimpo.” Sabi ni Abi.
Namula ako.
Siya yung naglalagay ng bimpo sa noo ko?
Nakakhiya naman.
Babangon na ako sa kama nung pigilan ako ni Abi,
“Ano ka ba, mamaya na.” sabi niya.
“magte-thank you lang ako kay Isda.” Sabi ko. Ramdaman kong pipigilan ako ni Abi.
“Saglit lang to,” sabi ko
Bumaba ako ng hagdan.
Hinanap ko si Kevin, kaso wala siya sa kusina, sa banyo..
Lumabas ako ng bahay.
Napangiti ako nung nakita ko siya.
Sasalubungin ko sana siya ng yakap.
Kaso..
“KEVINNNNN!!” sabi ng isang babaeng yumakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...