Lalaki ang sumagot,
“excuse me, is this Courtney?” tanong ng lalaki.
“Asan ang mama ko?!” tanong ko.
“Di namin siya sasaktan. Pero, please. We need to talk to you as much as possible. Nagpadala na kami ng mga tauhan para sunduin ka jan, and we’re hoping that you’re going to cooperate in an obedient way”
Binaba ko na ang tawag.
Nagimpake agad ako ng gamit ko,
“Courtney,” nagising si Abi, “san ka pupunta?”
I need to go home.
“Wait, bakit?!” tanong ni Abi.
“Basta, I need to go home, as soon as possible.” Sabi ko.
“Wait, nagpaalam ka na ba?! pano tong retreat?”
“I have to go”
Nagising na rin sila Ana, Kevin at louie.
Lahat sila may pagtatakang tumingin sa akin.
Agad akong lumabas ng kwarto at dumirecho sa kwarto ng president namin,
“I need to go” Sabi ko.
“Huh? Wait, di pa tapos yung retreat”
“pakisabi nalang sa principal. I really need to go.”
“Pano pag di ka pinayagan?”
“papayagan ako. Trust me.”
Umalis na ako,
Pero bago pa ako makalabas ng building.
“Courtney, san ka pupunta?” tanong ni Kevin.
“kailangan ko ng umuwi.” Sabi ko.
“Bakit?”
Nung lumingon ako para harapin siya,
Naalala ko yung mga nangyari kagabi.
Lagi naman akong nandito sa tabi mo
“Hindi lahat ng bagay, sasabihin ko sayo” sabi ko.
“Please?”
Di na ako tumingin pa sa kanya, at lumabas na ng building.
Muntik na akong dumirecho sa train station
Nang biglang may sumalubong saaking itim na mahabang kotse.
“ma’am..” sabi ng lalaki.
Oh.. okay.
Sumakay ako sa kotse.
Mahaba ang byahe,
Pinilit kong matulog,
Pero di ko kaya,
Anong ginawa nila sa mama ko?!
Nakarating kami ng mejo maaga aga
“MA!!” Nakita ko si mama, may kausap na lalaki.
Isang buong lingo akong di nakapasok,
Siguro sa sama ng pakiramdam at kulang sa tulog.
Pagbalik ko sa school.
Agad naman akong sinalubong nila Kevin, Louie at Abi.
“Ano bang nangyari?!” tanong nila.
“After nung retreat, di ka na namin nakita.” Sabi ni Abi.
“may problema ba?” tanong ni Louie.
“Wala ah, siguro napagod lang ako sa mga bagay bagay. Kaya, sumama pakiramdam ko at kailangan kong magpahinga” Pagpapalusot ko.
“Weh?” di naniniwala si Abi.
“hayaan na, ang mahalaga, andito si Courtney.” Sabi ni Louie.
Napansin ko, di nagsasalita si Kevin.
Hayy, pagtapos nga naman ng mga nangyari.
Mabuti na rin to, para makapagmove on ako’t mawala na tong nararamdaman ko.
Pagdating namin sa room.
Nagulat ako,
Ang daming mga letters at chocolates sa table ko.
“Para san to?” Tanong ko.
“Get well soon letters ng mga nagaadmire sayo, atsaka, galing din sa random students.”
Wow.
Ang dami,
At di lahat to, galing sa mga manliligaw ko.
Yung iba, galing sa mga haters ko dati.
Nagustuhan nila ako dahil sa ugali ko,
Napapangiti ako sa mga nababasa ko.
Gusto ko pang magstay ng ganto,
Gusto ko maging mabait at maging kaibigan ng lahat.
Kaso di ko na maipagpapatuloy ang ugaling ito.
Habang naglalakad kaming apat sa hallway pauwi na,
Dala dala ko ang mga letters at chocolates na binigay nila.
Pinahawak ko muna kay Abi yung mga chocolates at letters na hawak ko para kunin ang cellphone ko.
May lalaking lumapit sa amin, tinapik ako ni Abi, pero busy akong naghahanap ng cellphone ko.
Pagharap ko,
May nakaluhod na lalaki at may hawak na chocolate.
Napangiti ako,
Kaso nung itinaas nung lalaki ang ulo niya..
Nakita ko ang mukha niya.
Ang mukhang hinding hindi ko makakalimutan.
BINABASA MO ANG
Mean
Ficção AdolescenteEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...