MEAN VI: Resection

107 3 0
                                    

Halos kakasimula lang ng schoolyear.

Kaya nagulat ako sa balita.

Bukod sa iba ang atensiyon ng mga estudyante nung pagdating ko.

Imbis na nakatingin sakin lahat, may pinagkukumpulan silang isang bulletin board.

Lumapit ako, pero no use, di ko rin Makita sa dami ng tao.

Pero sa mga bulungan alam ko na agad ang balita.

“Grabe. Anak daw ito ng Major Stockholder sa company ng may-ari ng school.”

“Bukod sa mayaman. Sana gwapo!”

“Anak daw ng major stockholder”

“Lalaki daw diba?”

May isang estudyante na malakas na nagsabi ng iniisip ko, “Eh nagstart na ang klase ah.” Napatingin sa kaniya ang mga estudyante.

“Resection.” Sabi ko.

Lahat napatingin sa akin.

Naging tahimik panandalian, pero agad silang nagbulungan.

At alam nilang tama ako.

Resection.

Pero that’s the point, ganun ba kataas at kalaki ang kapangyarihan ng anak ng major stockholder na yan para magresection?

Pwede namang itambak nalang yan sa kung anong section e!

“Uy!” nagulat ako nung nagsalita si Abi.

“Oh?” tanong ko.

“Alam mo na yung balita?”

“Sino bang di nakakaalam, abi? Kalat na kalat kaya.” Sabi ko.

“Oo nga e, balita rin na magreresection.”

“Ayos na ako sa current section ko e. Bwiset naman oh.”

“i-aanounce nalang daw ng principal sa ceremony.”

Sa ceremony.

Di ako pupunta

Vice president ako ng school council.

And I have all the excuses.

Lahat ng estudyante nasa ceremony except ako.

Lahat sila sabik Makita ang bagong estudyante.

Gumupit nalang ako ng mga designs for the bulletin board.

Nagisip din ako ng mga activities this year.

Like Camps

Culminating activity

At kung anu-ano pa.

Pero di ako masyadong makapagfocus

Kaya tinigil ko muna,

Nag-isip isip ako.

These days.. tama nga si Abi, nagiging malupit na ako sa mga manliligaw ko.

Hindi lahat ng lalaki tulad ni John!”

Naalala ko yung sabi ni Abi.

Pero evrytime na naiisip ko yung mga araw na yun

Si Balyena. Pagnaalala ko yung mga masasamang salitang binitawan niya

Gusto kong sumuntok ng pader.

Pero instead, nanakit ako ng mga lalaking inosente at mahal ako.

Siguro nga masama talaga ako.

I snapped out of my imagination nung narinig ko ang mga sigawan sa labas

Siguro lumabas na yung bagong estudyante.

At sigurado akong gwapo yun. Nagtitilian ang mga babae e.

Kahit naman gwapo, walang umuubra sa akin.

Kasi tinanggap ko ng mamamatay akong single.

Iniisip ko sanang mag-madre.

Kaso sa bait kong toh, di ako tatanggapin.

Talagang mamatay ako ng mag-isa!! Forever alone. Hmpp!

Napagdesisyunan kong itigil na yung mga ginagawa ko.

Bukod sa di ako makapagconcentrate, nakakapagod naring gumupit.

Kaya nagligpit ako ng kalat ko at tumayo

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon