MEAN XIV: Mr Alexander Aldridge

88 3 0
                                    

Napatingin sa akin sila Louie at Kevin.

Di tumingin si Abi.

Eto ang kinatatakutan kong tanong.

May minahal nab a ako?

Tumingin sa akin si Abi, malungkot na tingin.

Alam niyang ayaw ko yun sagutin.

“Anubakayo!!wag—”

 Pinigilan ko si Abi.

“Oo” napatingin sakin si Abi. “May minahal na ako.”

Oo, may minahal na ako.

Sinaktan ako at siya ang dahilan kung bakit ako gan'to.

“Napakaswerte siguro niya.” Bulong ni Kevin

Akala ko nagjojoke lang siya

Pero seryoso ang pagkakasabi niya.

Oo, swerte nga siguro siya.

Kasi mabait pa ako at totoo magmahal noong mga araw nay un.

Pero binaliktad niya lahat yun.

“Siguro nga.” Bulong ni Abi.

“Bakit ang lungkot nyo? Porke demonyo ako bawal na magmahal?” Pagbibiro ko.

Kaso seryoso talaga sila.

Pero tumawa sila kahit papaano.

Halatang pilit na tawa.

After ng mahaba-habang kwentuhan, nag-uwian na rin sila.

Humiga ako sa kama.

Nakakapagod ang araw na 'to,

Pero di ko pa rin lubos maisip kung bakit napakatahimik ni Kevin.

O baka naman kasi ganun talaga siya?

Ewan!

Basta.. bahala siya!

After that day,

Marami pang sumunod.

Sabay sabay na kaming umuuwi at minsan nauuwi sa kwentuhan sa bahay.

Dinadaanan din namin ang isa't isa sa bahay para sabay sabay na pumasok.

Kaso..

Dumilat ang mata ko ng madaling araw,

Di na ako makabalik sa pagtulog,

Kaya napagdesisyonan kong kumain muna para maaga makapasok.

Pagdating ko sa kusina,

Gising na si mama,

Umupo ako sa dining chair at dun may nakalagay na sobre.

Una, di ko pinansin.. baka bill ng kuryente.

Habang hinihintay ko si mama sa pagluto,

Napatitig ako sa sobre,

Di siya ordinaryong bill ng kuryente o tubig.

“Teka lang hah.” Lumabas si mama at may kinausap sa kapitbahay

Kinuha ko yung sobre at binasa,

“From: Alexander Aldridge”

Binulsa ko ang sulat at di ko na binasa.

Pangalan palang ng pinanggalingan ng sulat eh naginit na ang ulo ko.

 Bata palang ako, kinalumutan ko na ang pangalang yun.

Kapag nababanggit ang pangalang, Alexander o kahit Alex lang yan, naiinis ako’t gusto ko ng sumuntok ng pader.

Bumalik galling sa labas si mama at hinanda na ang pagkain.

Kumain kami ng tahimik.

Pagkatapos naming kumain tumayo ako at naghanda na para pumasok.

Bago ako umalis tinanong ako ni mama.

“May problema ba Courtney?”

“Wala. Wala naman ma.” Sagot ko.

Nakakapanibago kasi maaga akong pumasok ngayon.

Konti palang ang tao at mejo tahimik pa ang school.

Pumasok ako sa room, tatatlo pa lang kami.

Napagdesisyunan kong umupo at making nalang ng music.

Nung kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang cellphone ko.

Ang nakapa ko ay yung letter.

Tinitigan ko ng ilang minuto ang letter.

Mamahaling sobre, magandang sulat at hindi normal na ballpen ang pinangsulat doon.

Ngumiti ako ng masama.

Sayang naman, mamahalin pa naman tapos itatapon ko lang?

Wala akong pake.

Pinunit punit ko ang sobre at tinapon sa basurahan.

Nagsidatingan na rin ang iba pang mga estudyante kasama sila Louie, Kevin at Abi.

Nagsimula na ang klase ng maayos at payapa.

Pero di pa rin naalis sa isipan ko yung sulat.

Ba’t tumatanggap pa rin ng sulat si mama galing sa taong yun?

Matagal ng wala yun sa buhay namin.

Lumilipad ang isip ko habang nagkakaklase at napansin yun nila Abi.

“Anong problema mo ba Courtney?” tanong ni Abi.

“Huh? Mukha bang may problema ako?” Tanong ko.

“Eh ang dali dali lang ng tanong ni Ma’am kanina tapos di mo nasagot, di ka naman dating ganiyan atsaka, kung san san ka nakatingin kanina habang naglelesson.”

“Ahh. Wala toh ano ba kayo.”

Hindi naman nagsalita sila Louie at Kevin.

Bakas sa mukha ni Louie ang pag-aalala,

Si Kevin naman, mukhang may iniisip ding iba.

Sabay uli kaming apat umuwi.

‘Di sila dumaan sa bahay at pinayuhan akong magpahinga muna.

Pagpasok ko sa bahay..

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon