MEAN 2 XXXIX: 2 things

92 3 1
                                    

Pagbalik ko dun sa wall na puro posters,

“patanggal na yan.” Sabi ko.

“uy wag.” Sabi ni Ana

Ako na mismo ang nagtanggal.

“Ayaw kong may makikita pang ganyan.” Sabi ko.

Dumirecho ako sa room,

As usual, di naman ako masyadong nakikisali sa usapan nila Louie at Abi.

Pero isang beses,

Pinaguusapan nila si Courtney,

“uy, alam mo ba, si Courtney daw, nagorder sa canteen, at ang sabi niya, ‘Ms, yung favorite ko po’. Di ba, yun yung madalas niyang sabihin ka pa gang gusto niyang kainin eh yung caldereta? Eh akala ko ba may amnesia siya? Pano niya nalaman na favorite niya yung caldereta?” sabi ni Abi.

“Oo nga noh, that sounds suspicious.” Sabi ni Louie.

“baka naman, nafefake lang ng amnesia amnesia yang si Courtney, para bida na naman siya!” Sabi ni Ana.

“hindi yun gagawin ni Courtney ah!” sabi ni Abi.

“Sabi niya sakin, nagkaroon daw siya ng background studies about sa kanya, bago siya pumasok sa school na to, kaya kahit papaano, may alam na siyang kaunti” pagtatanggol ko.

Mukha naman nakumbinsi ko sila.

Napaisip din ako, sabayan pa ng mga nangyari kanina.

Nagseselos siya,

Sigurado ako, kitang kita sa mga mata niya.

Pero, bakit niya gagawin yun?

Magkunwaring may amnesia?

Kailangan kong maghanap ng matinding ebidensiya para malaman kung totoo ba tong mga pinagiisip ko.

Ano naman kaya gagawin ko.

Sigurado akong, may malaking dahilan kung bakit, kailangan niyang magkunwari.

“Dude, di muna ako sasabay pauwi ah” sabi ko kay Louie.

“huh?! Pano ka uuwi?!” tanong ni Louie.

“Papasundo nalang ako.”

“Ahh.. sige, ikaw bahala.”

“bakit, anong gagawin mong kababalaghan dito?” tanong ni Ana.

“Wala ah.”

“uy DEPENSIB!” sabi niya.

Nung uwian na,

“Sige, alis na kami kuya!” sabi ni louie,

“Sige lang”

Nagpaiwan ako sa room hanggang sa mejo dumilim na,

Di pa rin ako makaisip kung pano ko malalaman,

Palakad lakad ako sa hallway,

Nang may nakita akong, kumikinang kinang na.. ano yun?

Bracelet?

Kwintas?

Nilapitan ko,

Nagulat ako sa nakita ko,

Eto yung kwintas na binigay ko kay Courtney ah!

Kinuha ko at nilaro laro ko sa kamay ko,

Nang biglang nakita ko si Courtney,

Walang kasmaang body guards.

Gabi na a? Anung ginagawa nito dito?

Para bang may hinahanap siya at silip ng silip sa kung san.

“Asan na ba yun. Tae, ba’t kasi ano e. Di pwedeng mawala yun!” pagpapanic niyang sabi,

“Eto ba hinahanap mo?”

Napaupo siya sa sahig sa gulat.

Nakita niya akong nakasandal sa isa sa mga poste doon at may hawak na kumikinang kinang

Nagulat siya ng makita niyang hawak ko ang hinahanap niya,

“Akin na yan!” Sabi niya.

Di ko siya pinansin,

“Alam mo, binigyan ko rin girlfriend  ko ng ganto. Gantong ganto” sabi ko.

Natawa siya, “girlfriend?! Waw hah.”

“Bakit, kilala mo ba ang girlfriend ko?” Tanong ko sa kanya.

Nagulat siya.

Siguro nasa isip niya ngayon, Oww.. geez, dapat pala wala akong natatandaan.

“Alam mo, cute yung girlfriend kong yun.” Kwento ko. “kaso, iniwan na niya ako e.”

“malay mo bumalik pa siya.”

Umupo ako sa tabi niya,

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya na lagi kong ginagawa,

Tinitignan ko ang magiging reaksyon niya,

Lumayo siya ng kaunti at namula,

“lagi mo ba tong ginagawa sa kung sino sinong babae?!” Tanong niya.

“Hindi, sa girlfriend ko lang.”

Pinaglaruan ko ang buhok niya,

Hindi naman siya lumayo,

Namumula pa rin siya, “Ang cute mo talaga.”

Lumayo na ako s akanya at pumunta sa likod niya,

Isinabit ko sakanya ang kwintas, at nilock ito.

“Ayan, bagay.” Sabi ko.

Bago ako tumayo,

Hinalikan ko siya sa noo,

At automatic, lalo siyang namula.

“Good night” ngiti ko sa kanya.

Tumayo na ako at umalis na,

Dalawang bagay lang ang sigurado ako.

Wala siyang amnesia at mahal pa rin niya ako.

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon