Kinakabahan ang lahat sa magiging response ko.
“Ok.” Sabi ko sabay hablot ng script at bumalik ako sa upuan ko.
Nanahimik ang lahat,
“Uhm.. paki..pakiu.. pakiulit?” Sabi ng president namin.
“Na-approve na diba? Atsaka, why not? Mahirap bang maging mabait sa role kong to?”
Lahat napanganga,
Naiimagine siguro nila ako,
Si Courtney.. mabait?!
As ifffff..
Agad akong nilapitan ni Abi.
“Buti naman masaya ka, Vinolunteer kita!” masayang sabi niya.
Tinaas ko ang kamay ko.
“Gusto kong may scene na sasapakin ko yung role ni Abi.” Sabi ko.
Sabay ngiti kay Abi.
“naman e…” pangungulit ni Abi.
Nagpractice sila ng kani kanilang lines.
Habang ako, nakaupo lang at walang balak basahin ang mga lines ko.
Umupo si Isda sa tabi ko.
“Gusto ko ng makita ang mabait na mabait na Courtney. Excited na ako.” Masayang sabi niya.
Tinaas ko uli ang kamay ko.
“Gusto ko basurero si Isda!!” Sinuggest ko sa president namin.
“Pe…pero.” Pagtanggi ng president namin.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at nagsabi,
“Sa gwapo kong to? Basurero?!” Namumula na ako. Buti nalang nilayo niya ang mukha niya’t tumingin sa malayo na para bang may pinapangarap, “Ako lang naman, ang prince charming mo.. patay na patay ka nga sa akin e, sa gwapo ko ba namang to, di na ako magtataka kung main love ka tlga sa akin”
Paglingon niya sa pwesto ko,
Wala na ako dun.
Natawa nalang ako,
“excuse me, who are you talking to?” Pangiinis ko.
Nagpractice kami the whole day, pero di ko pa rin nagagawa yung mga lines na kailangan pa sweet effect ako at mahinahon ang pagsasalita.
Ilang beses na akong nagquit pero pinilit na bumalik.
“I can’t do this!”
Ilang beses natapon sa lapag at basurahan yung script.
Di ko kasi talaga kaya.
Never ko pa tong ginawa,
Gawin ang bagay na hindi naman ako!
Ilang araw akong di umattend ng mga practice,
Hanggang sa last day rehearsal at dress rehearsal na atsaka lang ako umattend.
Di naman makapagsalita ng mataas sa akin ang president namin,
Kaya kay Abi nila pinaabot ang mensahe nila,
“kabisado mo na ba?”
“Hindi pa” sagot ko.
“Alam mo na ba isusuot mo?”
“Hindi pa”
“Make up?”
“Wala pa.”
“Please. Magseryoso ka nga.” galit na pigil na sabi ni Abi.
“Masaya to!” Paglalaro kong sabi.
“Ano bang---!!” Sigaw ni Abi pero pinigl siya ni.. ni louie?
“Abi, magpalamig ka muna, ako na muna kakausapin kay Courtney” sabi ni Louie.
Sinundan ko si louie palabas.
Tumayo kami dun ng isang minuto.
“Courtney, gusto mo ba talaga tong role na to? Kasi, lahat umaasa sayo kasi, competition to between all sections ng year natin, we can’t lose.” tanong niya.
Kahit ako, di ko rin alam kung gusto ko ba tong role na to.
“Wala ka bang tiwala sa akin?” Ang tanging nasagot ko.
“pero di ka naman namin pipili—“
“kaya ko.” Pagtatapos ko sa usapan namin.
Kinabukasan,
Lahat ay kinakabahan.
Hanggang ngayon kasi, wala pa kaming matinong practice.
Kanya kanya ang mga ginagawa ng tao,
May nag-aayos ng stage, nagbibihis, may nagmemekaup at may mga ngakakabisa ng mga dialogue.
Tapos ako..
Nakadikwatro at umiinom ng kape.
Nakatingin sa akin ang iba habang nakanganga.
After about 2 hours,
30minutes nalang at mag-iistart na ang play.
At ako..
Di pa rin nagbibihis.
Tumayo ako at pumunta na ng dressing room.
Naghanap ako ng pwedeng damit na isuot.
Eto.. panget… eto.. infairness ah.. eto.. ok na to.
Sinukat ko at kasyang kasya naman.
Tumingin ako sa salamin at dineliver ang mga lines na mejo nahihirapan ako.
PERFECTT! Ayos na to.
Lumabas ako ng dressing room,
At lahat sila…
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...