Habang nilalasap ko ang sarap ng ulam namin,
“Ang ganda ng boses mo, Louie” sabi ko.
Tumawa siya, “nagmana kasi ako sa papa ko, eto naman si Kuya, nagmana kay mama. Chef.”
“But I can sing too.”sabi ni Kevin
“I don't want to hear you sing.” Sabi ko.
Natawa si Louie at Abi.
“Gwapo at talented talaga kayong magkapatid.” Sabi ni Abi.
Tumawa lang si louie pero si Kevin, parang wala sa mundo.
“Dati nga sa probinsiya namin, pinakanta ni lolo si kuya, tapos sa sobrang sintunado, muntik ng atakihin si lolo! Hahaha!” tawa kami ng tawa except kay Kevin,
Nung napatingin ako sa direksiyon niya,
Nakatingin siya sa akin, pero agad namang tumingin sa iba nung nagmeet ang eyes namin.
“Nagkataon lang na maainit sa Hacienda kaya siya inatake” sabi ni Kevin.
Pero di parin tumigil sa pagtawa si Louie siguro talagang nakakatawa kung nakita mo ng harapan.
“May Hacienda kayo?!! Wow.” Napanganga si Abi sa narinig.
“Actually, that was my lolo's hacienda, pinapatakbo niya yun all by himself kasama ang ibang mga trabahador, bata pa kami since bumalik kami dun..ang 'kambal ng hacienda’---” napatigil siya nung sabay kaming nagsalita ni Abi.
“Kambal!?” tanong ko.
“kambal kayo?!” tanong ni Abi.
“Hindi. Hindi sa ganun. Tingin kasi ng mga tauhan dun eh parehong pareho daw kami..” which is not. “At mahilig pa si Mommy bumili ng mga damit na pareho kami.”
“Teka, eh bakit magka-year level kayo?”
“Like I said, si Mommy kasi, gusto niyang maging magbestfriend talaga kami ni kuya, kung ano meron si Kuya, of course, may ganun din ako, kung nasan si Kuya, andun ako. Kung anu year ni Kuya, ganun din ako. Kaya pinastop ng 1 year si Kuya para magkayear kami. At kung pwede talaga, gagawin niya ang lahat para magkasection kami.”
“Napakasupportive naman ng mama mo.” Sabi ni Abi.
“Pero minsa—” napatigil si Louie.
“Eh ang papa mo?” tanong ko.
“ Ah, si Daddy, uhm okay lang naman sa kaniya. Ang daddy naman namin ang napaka workaholic pero he always make sure na may time parin siya para sa amin.”
Buti pa siya
Supportive na mama
Masipag na papa,
Hacienderong lolo.
Ano pang kailangan nila? Lahat na nasa kanila!
I snapped out of thinking nung nagsalita si Louie.
“Pero ang Masaya dun sa kwento nila, eh pano sila nagmeet.”
“Wehhh!! Ikwento mo!!” sabik na sabi ni Abi. Kinikilig.
“Kasi nag-aaral si Daddy ng business nung mga panahon na yun, at take note, SINGLE siya, tapos si Mommy naman kakatapos lang magculinary, kaso that moment, broken hearted si Mommy—” napatigil si Louie.
“Hala!! Bakit!?” tanong ni Abi.
“Kasi nagbreak na si Mommy at yung ex-boyfriend niya that time. Nasaktan talaga si Mommy nun, nadepress siya at nangakong din a magboboyfrien—”
“Aww..” sabi ni Abi.
“Oo, talagang ayaw na niya magboyfriend. Pero nanghingi siya ng sign.” Agad akong napatingin sa kaniya. Sign. Totoo kaya yun. Nakinig ako. “Yung sign nay un, kung sino daw ang lalaking magbibigay sa kaniya ng 3 white flowers, within that week, eh pakakasalan daw niya. Kaso matatapos na ang week, wala pa siyang natatanggap. Kaya kung di daaw siya makakatanggap ng 3 rosses, did aw talaga siya mag-aasaw kaso that Friday night, yinaya siya ng tita ko sa isang blind date—”
“Blind date!!! OMG!! OMG!!!” sigaw ni Abi.
“Tapos sa blind date nay un, dun niya nameet si Daddy, pero natapos na yung date, di pa rin siya nakakatanggap ng bulaklak—”
“Huh!! Eh bakit niya pinakasalan papa mo?!” malakas na tanong Abi.
“Eh kasi patapusin mo muna si Louie diba?!” mataray kong sabi kay Abi.
“Eto na oh, ipapatapos na oh.” Sabi ni Abi.
“Thanks Courtney. Hahahaha. Oh eto na, dib a di binigyan. Naiyak si mommy nun. Malakas ang ulan nun, sa sobrang depress niya, kahit may paying soiya, di niya yun ginamit ang sumulong sa ulan. Dun siya hinabol ni Daddy, sabi daw ni Daddy, sa sobrang sarap daw ng usapan nila eh nakalimutan daw ni Daddy ibigay kay Mommy yung flowers, at dun binigay ni Daddy yung 3 roses.”
“And they live happily ever after” sabi ni Abbie.
“And then there's me and kuya.” Sabi ni Louie.
“Gusto kong magka-asawa ng ganun!! Gusto ko ng ganun!!! Manghihingi rin ako ng sign!! Ikaw ba Louie, may napupusuan ka na ba?” pang-aasar ni Abi.
Napayuko si Louie. Nahihiya. “Wala ah…”
“Wehhhh!!! Yiee!! Kaw ahh!! Eh ikaw Kevin? Meron ka na bang mga nagging girlfriendssssss?” tumawa si Abi.
Di ko naramdaman ang presence ni Kevin.
Ang tahimik niya ngayon ah,
At simula nung pumasok siya sa bahay natoh, parang ni-isang asar wala akong narinig.
Baka bakla si Kevin? O kaya si Louie?
Natawa ako ng malakas.
“Many to mention, abi e.” Biro ni Kevin. Napatingin ako sa kaniya nung narinig ko ang boses niya. “Eh ikaw Courtney? May minahal ka na ba?” sabi ni Kevin.
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...