Agad kong sinarado yung pinto.
“'nak, sino yan?” sabi ni mama.
Nasa likod ko na si mama at akmang bubuksan ang pinto,
“Uhm, wag na ma—di naman natin kilala e.”
“wait tignan ko.” Bago ko pa siya napigilan, nabuksan na niya ang pinto.
At andun yung lalaki,
Si Boy Isda!!
Sinundan niya ako! Pero pano?
Pano niya ako nasundan!?
Grabe na toh!
Sugat lang naman yun eh,
Relax ka lang Courtney. Relax.
Nagulat ako nung nagsalita si mama, “ikaw anak ah, boyfriend mo?”
“Ma!! 'di no!! kadiri naman!”
Nginitian ako ng masama nung lalaki.
Arg bwiset ka!! Mamatay ka na!!! nakakainis!
“Uhm, hindi po, tinakbuhan po kasi ako ng anak nyo.” Sabi ni Boy Isda
“Huh? Bakit?” gulat na tanong ni mama
Tinaas niya yung pantaloon niyang pulang pula
Hala, Ang laki nga ng sugat.
Grabe naman. Siguro pinalaki na niya yan! Para lahat ng sisi sa akin! Ang sama talaga ng lalaking toh!
“Hala, halika, pasok ka dito iho.”
Pinapasok niya si Boy Isda,
Arg, parang kanina lang inis na inis ako, ta's ngayon nakatungtong mismo sa bahay ko!
Habang busy na busy si Mama sa paggagamot sa kaniya.
Tinititigan ko siya ng masama
Humanda ka talaga sa akin!
“Pasensiya ka na talaga sa anak ko ah,” paulit ulit na sabi ni mama
“Ma, masyado ka a atang late sa trabaho, ako nalang jan, kaya ko naman e.” Sabi ko habang ngumingiti ng masama kay Boy Isda.
“Hala, 8:30 na, oo nga, ikaw na bahala dito ah, kailangan ko na talagang umalis!”
Yes!! Harhar, pagalis ng mama ko, impyerno aabutin nitong lalaking to. Harhar.
Pagkaalis na pagkaalis ni mama,
“Wala na si mama, Welcome to hell!” sabi ko ng masama.
Tinignan niya ang paligid.
“maganda pala ang hell.” Sabi niya, may halong pang-aasar.
Baliw talaga to.
“Hi, I’m Kevin nga pala. Please to meet you.” Inabot niya ang kamay niya sa akin para makipag shake hands.
Di ko siya pinansin at nagsalita agad ako,
“Pa'no mo ako nasundan, Mr. Stalker-Kevin-Mukhang-isda?” inis kong tanong
“Well, thank you Ms. Courtney-kala-mo-maganda-mukha-namang-unggoy, ang lakas kasi ng pagkakasabi mo ng GREEN VALLEY SUB eh.” Pikon niyang sagot
Ang tanga ko, ARG!
“Umalis ka na dito!!” sigaw ko
“Well, hanggang di pa ako magaling, dito muna ako sabi ng mama mo, di'ba?”
'di ka aalis ah,
Kinaladkad ko siya palabas, sumisigaw siya sa sakit ng binti niya.
Nilakasan pa niya para marinig ng mga kapitbahay,
“AHHHH!! AHHHHH!! Sinasaktan ako ng babaeng to! Ang sama naman niya! Masama ugali niya!! Mukha siyang unggoy!!” sumigaw-sigaw pa siya
Sa sobrang inis ko,
Pinapasok ko uli siya,
Napangiti siya nung pinapasok ko na siya,
“Bwisit ka! Manahimik ka jan!!”
Iniwan ko siya sa sofa at dumirecho na ako sa kusina,
Nagluto ako ng noodles, ang pagkaing kaya ko lang lutuin.
Kumain ako ng tahimik,
Nagulat ako nung nandun na siya sa pinto ng kusina,
“Ako? Wala ba ako niyan?” tanong niya,
“edi'ba sabi ni mama, magpapagaling ka lang dito? Ang kapal naman ng mukha mong makikain pa?”
Pumunta siya sa harap ng refrigerator at binuksan ito
“Marami kayong supplies ah, wait.. kukunin ko ang lahat ng gusto ko at papalitan ko nalang bukas, ok?”
Bukas? Babalik pa tong tsonggong to?!
Pero sayang naman yung pagkain kung di niya ibabalik dito.
“Whatever.” Yun lang ang nasabi ko.
Nagluto siya ng maraming potahe.
Grabe ang galing niya magluto.
The way na humawak siya ng kawali, di siya natatakot sa apoy at magaling siya maghalo ng kung anu-ano.
Wow. Napanganga ako.
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...