Di ako nagsalita at hinintay siya.
“Uhm, kung ga'no kachismis ang paglipat nila Kevin ditto ganun din kachismis ang pagiging magkakilala nyo.. uhm, kasi I wonder, well, we wonder, pano siya nakapasok sa bahay nyo? I mean, sineduce ka ba niya?” tanong niya.
Actually, di ako masyadong focus sa sinasabi niya
kaya di ko siya sinagot ng direcho,
Naiinis na ako sa mga estudyante dito.
Kung magchismisan, mismong pinakamaliit na pangyayari kakalat!!
Naiinis na ako ah!
Nakikita naman ni Abi nag galit na ako,
At alam niya kung bakit ako galit.
Panu ba naman,
Kung ano ano mga maririnig mo,
“Grabe. Ang swerte niya.”
“Ang malas natin. Mukhang naunahan na tayo.”
“May laban parin tayo noh, maganda lang siya, ugali naman!”
“Sa tingin mo, may gusto talaga sa kaniya si Kevin?”
“Ba't siya pa?”
“Buhay nga naman.”
“Ang swerte niya.”
Alam ni Abi ang gagawin ko, kaya hinawakan niya ako sa wrist.
“Bitawan mo nga ako.” Bulong ko.
Napabitaw siya sa galit kong tono.
Lumapit ako at bago ko pa napigilan ang sarili ko,
Nasabi ko na ang mga nasa isip ko,
“Nakikita nyo ba yang ospital sa kanto? Maya maya, puno na yan, kasi ang mga tao dito kung magchismisan daig pa ang nakamicrophone, gusto niyo hilahin ko isa isa yang mga dila niyo?!” sigaw ko.
Napatigil silang lahat.
Yung iba, takot na takot at di na makatingin sa akin ng direcho.
Halos manginig sa takot yung iba.
Kasi bukod sa masama ako magalit,
Pag sinabi ko, gagawin ko.
Pero, sa tingin mo ba hihilahin ko mga dila nila? Err..
Dumaan ako sa gitna nila, agad naman silang naggive way.
Dumirecho ako sa bulletin board kung saan nakapaskil ang mag sections.
Kaso sa kabila ng katahimikan,
May isang lalaking napakalakas ng loob.
“Kanina ang ingay ingay dito tapos—” napatigil si boy Isda nung makita ako. “Ah, ikaw naman kasi..” sabay akbay sa akin..
Ang dami niyang sinabi.
Kaya naman di niya napansin kung ga'no na ako kagalit.
Napatigil lang siya sa kakasalita nung bumulong ako.
“Ang ayaw ko sa lahat, eh yung inaakbayan ako't nadudumihan..”
“Di naman—”
Bago pa siya matapos sa kaniyang sinasabi,
Bumagsak na agad siya sa lapag.
Napahawak ako sa kamay ko.
Lumapit yung iba para tulungan siya, pero tinignan ko sila ng masama kaya naman agad silang lumayo
Tumawa ako, nagulat sila sa reaksyon ko,
Habang nakahawak ako sa kamao ko, nagsalita ako.
“malakas pala ako sumuntok? Now I know,” tumawa uli ako. Tinignan ko si Isda, “Sabi ko naman sayong ayaw kong inaakbayan ako e.” sabi ko.
Di ko siya tinulungan,
Tinignan lang ang section ko.
“Three-A” Tsk.
Binasa ko ng mabilis ang mga pangalan ng mga classmates ko this schoolyear.
Abi.
Napatigil ako.
Kevin.
Nginitian ko siya bago ako umalis. “Get well soon.”
Pagka-alis na pagkaalis ko, nagtakbuhan ang mga babae kay Kevin. Alalang alala.
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...