MEAN XXVI: First love never dies

91 2 0
                                    

“Ano ba ni Kevin si Ana?” tanong ko.

“Ahh, hindi ba sinabi sayo si Kuya?” Tanong niya.

“Bukod sa kababata, yun lang” sagot ko.

“Ahh, oo. Kababata namin si Ana, pero, at the same time, First love din siya ni Kuya. Akala ko nga sila na magkakatuluyan sa sobrang close nila e.”

Aww.

First love never dies.

“uhm, bat hindi sila nagkatuluyan?”

“kasi, pumunta ng ibang bansa si Ana, at ngayong year lang siya bumalik. Kaya siguro, sabik din si kuya kay Ana. Ilang taon din kasi silang hindi nagkita.”

“Ahh.”

“ba’t mo nga pala natanong?” Tanong ni Louie.

“Ah, eh. Naisip ko lang, tinanong ko kasi kay Ana, kaso, di naman siya sumagot”

“Ahh..  siguro kasi.. nevermind” Ngumiti siya.

Sigurong ano? Kasi ano?!

Wag mo akong bitinin!

Gusto kong sabihin kay Louie na, ituloy pa niya.

Kaso, nakakahiya.

Bakit ba interested na ako sa isdang yun?

Nakakainis naman.

Kumain na kami after nun.

Agad naman akong dumirecho sa kwarto para makapagisip isip.

Kanya kanya din kami ng ginagawa.

Umupo ako sa kama at nagisip isip.

Ayokong ma inlove.

Ayokong ma inlove uli.

Ayokong masaktan uli.

At sa lahat ng kai-inlove-an,

Ba’t si Kevin pa?!

Eh ang yabang nun e, mukha pang isda! Iyakin! Panget! Panget panget!

Inis na inis ako’t hinahampas ko na yung unan sa kama.

Pero.. caring siya.

Kung pano niya ako tignan sa mata,

Kung pano bumilis tibok ko pag anjan siya.

Yung hindi makahinga pag kaming dalawa lang.

I find myself smiling randomly,

Then I realize, I’m thinking of Kevin.

Tae! Tae! Tae! Bawal toh!

SHUSHHH!!! Wag kang mainlove Courtney!

Ha! Ha! Ha! Ako?! Maiinlove dun?!

Wait ah.. isipin ko muna ah?

Feeling ko mababaliw na ako!

*knock* *knock*

Oh sheesh.

Higa kagad ako sa kama.

Nagkunwaring tulog.

Sumilip ako ng konti para makita kung sino yung pumasok.

Si Kevin.

Shepoks. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Lalo na’t… lalapit na siya.. lalapit na..

Ohmygas! Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko para icheck kung tulog na ba ako.

Pinilit kong matulog.

Pero, kaharap ko si Kevin! Pano ako makakatulog nito!

Itinias niya ang kumot hanggang sa dibdib ko.

Ngumiti siya.

“Para kang anghel pag natutulog” bulong niya, “demonyo pag gising” sabi niya sabay tawa.

Loko to ah!

babangon na sana ako para sapakin siya.

Kaso,

Umupo siya sa tabi ng kama.

At kiniss-an ang noo ko,

“Goodnight” mahina niyang sabi.

Lumabas siya ng kwarto ng nakangiti.

Pagkasarado ng pagkasarado ng pinto.

Binuksan ko agad ang mga mata ko,

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Kasalanan mo to Kevin pag ako nahimatay sa kilig a!

Di ako nakatulog ng gabing yun.

Iniisip ko pa rin ang mga nangyari ngayon

Lalo ko tuloy napatunayan sa sarili kong..

Inlove na talaga ako sa mokong na yun.

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon