MEAN III: Perfect Guy

121 3 2
                                    

Kilala niya ako? Di ko naman siya kilala ah.

“Well.. yeah.” Sabi ko.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Hay, nakakasawa na ah..

Oo, maganda ako..

Sexy pa.

Take note, matalin—

“di ka naman pala maganda, tulad ng sabi nila.”

“Excuse me, anung sabi mo!?”

Inikutan niya ako at parang inoobserbahan,

“Di na maganda, panget pa ugali, anong nagustuhan nila sayo? Well, Love is Blind nga naman. You’re a living proof na love is blind!!” sabi niya

Sumosobra na toh a!!

Kala mo kung sino!! Tignan nalang natin!

Nung natapos na siya sa pagikot sa akin, inikutan ko rin siya

Nakahawak ako sa baba ko at ginaya ang mukha niya, mukhang nagoobserba.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Tinaasan ko siya ng isang kilay,

Masungit ako sa pang-labas, pero sa loob-loob,

Ang gwapo naman pala nito!

Halos wala ng pampintas!

Maitsura,

Maganda pumorma

Mukhang mabait, mukha lang, sabihan ba naman akong panget!?

Matangkad

Maputi,

At sobrang gwapo talaga. Hindi ko madedeny yan.

ARGG! Wala akong pang lait dito!

Ay, teka…. AHA!!

“Kesa naman kalalaking tao, iniiyakan ang maliit na sugat!”

“Hoy di ako umiyak ah!”

“Defensive naman tong bata, by the way nga pala, kung ako panget, ikaw naman mukha isda” gwapong isda “Atsaka, mukha ka ring stick, ang payat mo e.” panlalait ko.

“Hoy, grabe—“

“Umuwi ka na nga, at isumbong mo na ako sa mama mo,” pang bata ang boses ko nung sinabi ko ang mga susunod, “’ma, inaway ako ng babae sa may kanto, look oh may sugat ako’” sabi ko sabay tawa.

Hinarang niya ako nung nagsimula akong maglakad.

“Gamutin mo ako.”

Nung may taxi na dumaan.

Pinara ko agad.

Pumasok agad ako sa taxi at sinarado yung pinto ng mabilis.

“Manong sa Green Valley Sub po.” Sabi ko.

Binuksan ko uli ang pinto para magpaalam,

“Bye, Bye isda!! BLEHH!!” sabi ko.

Naaawa din ako kahit papaano, kaso nilait niya ako eh, sorry siya!

Nakarating ako sa bahay ng maayos

Nagulat ako nung nasa bahay pa si Mama,

“Ma! Ba't di ka pa pumapasok?”

Wala na akong papa since 2 years old ako,

Nangabilang bahay na,

Kaya ako at si Mama nalang ang magkasama sa buhay,

Night shift ang trabaho ni mama sa isang restaurant.

Manager siya dun, kaya kahit daw malate siya okay lang daw,

Mabait si mama, wala na akong hihilingin pa,

Kaya siguro, agad kong natanggap na wala na si papa,

Kasi pinupuno naman niya ang mga pagkukulang sakin ni papa.

Tanggap na rin niya kung bakit ako ganto, pero tulad ni Abi, gusto niyang magbago na uli ako.

“Uhm, di ko kasi maiwan ang bahay ng walang tao, ba't ka nga pala ginabi?”

Bakit ako ginabi? Arg.

Kasi may inaway pa ako? Kaso may mukhang isda sa kanto?

Para namang maniniwala si mama nun

“Uhm, lab activity.” Sabi ko.

“sa gabi?” Uh-oh.

“Mahaba po kasi ang procedures. Yun, ginabi kami.”

“ah,sige sige, pagtapos ko magluto, papasok na ako ah, ikaw na bahala dito sa bahay. Sarado mo yung pinto pati bintana bago ka matulog, tapos buk—”

*Knock* *knock* *knock*

“Ako na, ma.”

Tumayo ako at dumirecho sa pinto.

“Uhm, sino po sila—HUH!! IKAW!!?” sabi ko.

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon