Umalis na agad ako sa pwesto ko’t pumunta sa kung saan.
Wala akong pake kung saan ako mapunta,
Ang mahalaga, di ko mapanood ang palabas na yun.
Pero, kahit anong gawin ko,
Di ko makalimutan ang mga nakita ko kanina,
Si Courtney ang anak ng presidente.
Nawala siya ng dalawang lingo.
Bumalik siya bilang anak na ng presidente.
Nakauniporme ng tulad ng dati,
Pero, iba na siya.
DI na siya si Courtney na nakilala namin.
Simula nung araw nay un…
Kalimutan mo na ako.
Arg! Ayoko ng pumasok sa school!
Uuwi nalang ako,
Hinili ni Abi ang kamay ko’t halos kaladkarin ako,
“San tayo pupunta?”
“kay Courtney!” Sabi ni Abi.
Nung nasa tapat na kami ng room na pag-aaralan daw ng anak ng presidente
Palakad lakad si Abi dun habang nagiisip,
“Sigurado akong di lang ako napansin ni Courtney nun!” Sabi niya.
“Dito lang ako sa labas pag kinausap mo siya ah” sabi ko.
“Bakit naman! Ilang araw natin siyang di nakita, di nga natin alam kung babalik pa ba siya e!”
“Abi, di mo ba narinig ang sinabi ko kanina, Di yun si Courtney!”
“yeah, I heard you. Pero, di naman ako naniniwala sayo!” sabsi ni Abi.
Siguro nakapagisip isip na siya at hinili ako,
Kumatok siya, *knock* *knock*
Pagbukas ng pinto, may dalawang guard na nandun,
“kakausapin naming si Courtney, kaibigan niya kami.” Sabi ni Abi.
Tumingin yung dalawang guard kay Courtney at umoo naman si Courtney,
“told yah!” sabi sakin ni Abi.
Pinapasok kami,
Lumabas naman ang dalawang guard dhail inutusan sila ni Courtney.
Nandun lang ako sa pintuan,
Habang si Abi, kumaripas ng takbo kay Courtney at yinakap siya.
“COURTNEYYY! Akala ko, wala ka na!! Tae mo talaga, pinag-alala mo kami! Dapat sinabi mo samin na anak ka pala ng presidente! Tae mo kasi e!” Mangiyak ngiyak na sabi ni Abi.
Nung kumalas na sa pagkakayakap si Abi,
Tinitigan lang siya ni Courtney,
“ohh.. you’re? Oh, you’re Abigale, right?”
Tumawa si Abi, “Ikaw ah, ganyan ka lang e, kalimutan agad?” pang-aasar ni Abi.
“you told me, you’re a friend of mine, and..siguro, you should stop calling me your friend”
Dun na natigil si Abi,
Nilapitan ko si Abi,
Hinawakan ko ang balikat niya, “Abi, I told you.”
“Sorry, I have this kind of.. amnesia, I can’t recall anything, pero, wag kayo masyadong umasa, di sigurado ang mga doctor kung babalik pa ang mga alaala ko.”
Nabuhayan uli si Abi.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Courtney,
“maalala mo rin kami! Ipapakilala ko ang sarili ko, ako si Ab—“
“Abi, please, you’re being desperate.” Sabi ko.
“Ano ka ba, si Courtney yan oh! Nagkaamnesia lang!”
“Yeah, tama ka,” nakatingin sa akin si Courtney, “You’re being desperate, kung ako lang ang tatanungin, mas gusto ko pang di na maalala ang dati, so.. the door’s open, you can go now.” Sabi niya.
Kahit ako, nagulat sa paguugali ni Courtney.
Bumalik siya sa dati,
Nagbago uli siya.
Umalis kami ni Abi sa room na yun,
Hindi na nakapagsalita pa si Abi after nun,
Di din siya pumasok kinabukasan.
Kaibigan siya ni Courtney, matalik na kaibigan, di ko akalaing gagawin niya yun.
Napagdesisyunan kong pumunta sa room niya,
Pinapasok naman ako,
“ohh, hi Kevin Smith” sabi niya.
Hindi na nga siya si Courtney.
Hindi ako tumitingin sa mga mata niya,
Pag tumingin ako, siguradong maalala ko lang ang dati
“Ms. Phoebe, may hihingin lang akong pabor”
“Ano yun?”
“Lalayuan ka namin—“
“good.”
“Pero sana, marealize mo, pag bumalik na ang alaala mo, kung gaano kalaki ang nawala sayo. Dahil, kapag bumalik na ang alaala mo, don’t expect na nanjan kami sa palabas ng pintong yan para iwelcome ka, pinili mo tong buhay na toh diba? Why not play along, pero, wag kang aasang, may mga kaibigan ka pang aakay sayo.”
Bago ako umalis,
“'nga pala, wag na wag kang magsasalita ng ganun sa mga kaibigan ko, WALA KANG KARAPATAN, kasi, hindi naman ikaw si Courtney na nakilala namin.”
Paglabas ko ng room na yun,
Huminga ako ng malalim,
Kalimutan kita.
Kakalimutan kita.
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...