MEAN XXII: Deal

83 2 0
                                    

Di ako sumagot.

“Deal?” tanong niya.

“nope.” Sagot ko.

“Huh?! Bakit, maganda naman yung deal ah. Kahit yung wish mo pa, naked run e! Kahit ano!” sabi niya.

Di siya nagbibiro.

“Bakit, ano bang meron sa akin, at masyado kang interested sakin?” tanong ko.

Di siya sumagot.

Hinawakan ko ang kwintas sa leeg niya, at sweet kong sinabi, “Baka naman may gusto ka na sa akin?”

“Paano kung oo?” Dinampi niya ang kamay niya sa pisngi ko.

Ieee! Tae, di ko inaasahang makikisakay siya dito.

Di ako pwedeng matalo.

“Nope. Kahit may gusto ka pa sakin, di ko tatanggapin ang deal na yan”

Binitawan ko siya at bumalik na sa lugar namin.

Naglakad uli kami hanggang sa marating na namin ang tuktok.

“YESSS!!! Tayo ang unaaaa!” Sigaw ni Louie.

“Maghintay daw muna dito diba?” Tanong ni Abi.

“Yep.” Sabi ni Louie na tuwang tuwa.

“About dun sa deal..” panimula ni Kevin.

Agd ko siyang hinila palayo kina Abi.

“Wag ka nga. SHHH! Anu bang gusto mong sabihin?” Tanong ko.

“Alam ko na, pataasan tayo ng grade sa final grade, ano? Pag ako mataas, DEAL na ah?”

“Ang kulit mo! Sabi ngang ayaw ko e!”

“bakit, takot kang matalo?”pangiinis ni Kevin.

Magtitiwala ako sa talino ko, matalino ako’t walang makakatalo sakin.

Konting aral lang at sure ng panalo ako.

“deal.” Sabi ko.

Ngumiti siya.

Nung makompleto ang lahat at nakarating na ang lahat sa tuktok,

Bumaba na kaming lahat ng bundok at bumalik sa school.

Hindi pumunta sila Abi, louie at Kevin sa bahay that time,

“bakit hindi kami pwede pumunta?” Tanong ni Abi.

“may gagawin pa kasi ako e.” sabi ko.

“Eh magkwekwentuhan lang naman tayo a!!” pagpupumilit ni Abi.

“Ano ka ba, Abi. Exams na sa darating na araw. Mag-aaral si Courtney. Kanina pa nga siya mukhang determinadong mag aral oh” sabi ni louie.

“Eh matalino naman siya ah! Atsaka--- Hayy, wag na, wag na nga. Uwi na tayo.”

“bye!” Sabi nilang tatlo.

“Bye!” sabi ko

Todo aral ako ng araw na yun,

At after one week..

“WHATTTT!?”

Nakaabang at nakasandal sa bulletin board si Kevin.

“Pa'no ba yan?” Tanong ni Kevin.

“Huh!? Pano nangyari to!”

Kumaripas ako ng takbo papunta kay Abi.

Naggive way ang mga tao na para bang may bull na sasagasa sa kanila pag dumikit sila sa akin.

“Abiiii! Huy! Babae ka!” Sigaw ko.

“Ano ba yun?!” tanong ni Abi.

“Sure na sure na akong di ako matatalo ni Kevin sa final grade! Eh anong nangyari!”

“Eh kasalanan ko bang matalino talaga siya?” tanong niya.

“Aish. Pero sabi mo, alas dose na kayo umuuwi halos araw araw, at iniiwan ni Isda ang mga reviewer niya sa locker, tapos mas matataasan pa rin niya ako?! Anong klaseng tao siya!” inis kong sabi.

“Hi, Courtney!” Sabi ni Kevin.

“Aish. Nangaasar pa to e!”

“Uhm, you owe me something?” tanong niya.

“Oo na! Eton a! usap nga tayo!” Inis kong sabi.

Habang naglalakad ako sa hallway,

“makita kong tumingin dito, dudukutin ko mata!!” Sigaw ko sa hallway.

Takot na takot ang lahat nung marinig yun mula sa akin,

Ni-isa walang nagtangkang tumingin kung san kami dadaan ni Kevin.

Hanggang sa makarating na kami sa tahimik na lugar.

Hinarap ko siya.

“oh?!” inis kong sabi.

“Yung deal” Masaya niyang sabi.

Hayy, magpapakabait lang naman ako diba?

Mananahimik lang ako’t di masyadong mgabubunganga.

Yun lang.

Kaya, di kailangangang magpanic.

“Last day na natin bukas, so, sana bukas makapagstart ka na” sabi ni Kevin

“Pati summer ba, effective din tong deal na to?” Tanong ko.

“Uhmm.. may plan kasi ako this summer. So, effective pa rin.”

“Effective pa rin!? Tae naman oh, humanda ka talaga sa akin pag nakuha ko na wish ko!!!” inis kong sabi.

“Bukas ah.” Sabi niya.

“oo na!” sabi ko.

Pagdating ko sa bahay,

Di ako makatulog.

Papasok pa ba ako bukas?

O hindi na?

Nope, kailangan ko tong gawin para magantihan si Kevin sa wish ko!

Kaya ko to,

Makikita niyong lahat.

Kaya ko ring maging mabait.

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon