MEAN XV: Man in black

83 2 0
                                    

Nagsusulat si mama sa isang papel,

Hindi niya alam na dumating na ako galing sa school.

Agad niyang tinago yung papel nung makita niya akong paparating.

Di na ako nagtanga-tangahan.

“Ma, ano yan?” Mahina kong sagot.

“Ah.. eh, bill to ng kuryente.” Palusot niya.

Di ako nagsalita at pumunta ako ng kusina,

Kinuha ko ang bill ng kuryente at tubig.

Bumalik ako sa pwesto ni mama at binato sa mesa ang bill ng kuryente.

“Ma, ano yan?” tanong ko uli ng mahinahon.

Di siya sumagot.

“Bill ng tubig?!” Mejo mataas na ang tono ng boses ko, binato ko uli yung bill ng tubig sa mesa.

“Anak…” panimula niya.

“ma, magtatrabaho nalang ako ma. Ganto nalang, maghahanap ako ng trabaho ta—“

“Anak. Please.”

“ma hindi! Ilang taon ma! Ilang taon! Tapos ipamimigay mo ako?! No ma! Anong akala nila sa akin?! Laruan?! Pedeng pahiram dito, ipahiram jan?! Ma, hindi magbabago desisyon ko.”

Iniwan ko si mamang umiiyak sa sala.

Hindi ako pumasok ng ilang araw.

Nasa kwarto lang ako at dinadalahan lang ako ni mama ng makakain.

Bumisita din ng ilang beses sila Abi, pero di ko sila hinaharap.

Pero isang araw, lumabas ako ng kwarto.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko,

Nagulat din si mama nung nakita niya akong lumabas ng kwarto.

Napangiti yung lalaking nakaitim na nakaupo sa sofa nung makita ako.

Nilapitan ko siya at sinabi ko,

“pakisabi sa boss mo, wala kang maiuuwi sa kanya.”

“P..per—“

“Sinabi ko ngang wala di ba?!” Sigaw ko.

“Anak..” pagtitigil sa akin ni Mama

Hinarap ko si Mama,

“so, totoo nga.” Galit kong sabi kay mama. “ma hindi mo ba ako maintindihan?!”

Hinarap ko yung lalaki, “Umalis ka dito sa bahay namin.” Mahinahon kong sabi.

Lalaban pa sana siya kaya sinigawan ko siya “SABING UMALIS KA DITO E!” Inis kong sabi.

Pinigilan ako ni mama sa balak kong gawin, hinawakan niya ang kamay ko.

Hinawi ko ang kamay niya at sa sobrang lakas eh napadapa siya.

“Tama na yan, Courtney.” Sabi ng isang lalaki.

Pagtingin ko sa pintuan, si Kevin.

Anong ginagawa niya dito?!

Lumapit siya sa lalaking nakaupo sa sofa.

“Please I’ll handle this.”

Narecongnize nung lalaki ang mukha ni Kevin at agad siyang lumabas ng bahay.

Ngumiti ako ng masama, “So look who’s here” sabi ko.

Nilapitan niya ako’t hinawakan sa balikat.

“Courtney, ano bang ginagawa mo?!” Sabi niya habang nakatingin kay mama.

“Wala kang alam dito.” Sabi ko.

“Pero walang magandang dahilan kung bakit kailangan mong saktan ang mama mo.”

“Oo, kasi never mo pang nasaktan ang mama mo. Alam mo kung bakit?! Because you have a perfect life kahit mukha kang isda!! Hindi ka kailangang ipamigay ng magulang mo!” Sigaw ko.

“Sa tingin mo ba madali lang yun sa mama mo?! Na ibigay ka niya?!” pasigaw niyang sabi

I know, ever since 2 years old ako, anjan na siya sa akin.

Nagtatrabaho gabi gabi,

Gumigising ng maaga para magluto.

Hinihintay ang paguwi ko.

Tapos eto lang ang igaganti ko?

Sasaktan ko lang siya?

Naiiyak ako isipin kung ga'no na ako kasama.

Na mismong dugo’t pawis ng mama ko’y di ko na mapansin.

Napaluhod ako at umiyak.

Nagulat nalang ako nung yakapin ako ni Isda

“Ayos lang yan” Sabi niya.

Kahit pala isda siya, nakakatulong din pala siya.

Yinakap ko siya pabalik at iniyakan ang balikat niya.

Simula nung araw nay un, din a bumalik yung lalaking yun.

Nagkabati na rin kami ni mama.

At bumalik na ako sa school.

Pagpasok ko sa campus,

Nagtinginan ang lahat.

Nagbulungan sa pagbabalik ko.

“Hiiii!” pambungad na sigaw ni Abi.

Tinignan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglakad.

“So… anu nangyari kahapon?” Tanong niya.

Natigil ako sa paglalakad.

“Ano?!” Inis kong tanong.

“Kwento na. Please.” Pagmamakaawa ni Abi.

Ano bang pinagsasabi nito?!

“Gusto mong malaman?” Sabi ni Isda na nasa likod ko lang.

Paglingon ko, andun din si Louie. Tumatawa.

“ANo bang nangyari?” tanong ni Louie na mukhang interesado din.

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon