MEAN XXI: Worried

84 2 0
                                    

Hala, asan na si Kevin?!

“ISDA!!!” sigaw ko.

Paano na ako makakabalik sa kanila Abi?

Hala naman,

Di ko kabisado dinaanan namin.

Baka naman bumalik na si Kevin?

Baka natakot?

O kaya, pinagtripan ako?

Hala!

Pano kung di nakabalik si Kevin?

Pano kung napano siya?!

Lagot ako,

“ISDAAAA!” Punyemas naman.

Asan na yun?!

Mangiyak ngiyak kong sigaw.

Hanggang sa may tumapik sa balikat ko,

“Sh*T!” sigaw ko. “huh, huh, kinabahan ako dun ah! KEVIN!”

Yinakap ko siya,

“tae mo! Pinakaba mo ako! Alam mo ba.. tae. Naiiyak ako! Kanina pa ako naghahanap sayo! Asan ka ba nanggaling!” Sigaw ko sa kanya.

Tinignan lang niya ako at nanlaki ang mata sa pagkakahawak ko sa damit niya.

Tinaas niya ang mga kahoy na nahanap niya.

“Eh ang bilis mo kasi maglakad e, nagibang daan nalang tuloy ako” sabi niya.

Napatingin nalang kami ng may tumapat sa aming flash light.

“Uyy!” sabi ni Abi.

“bat ang taga—“ natigil na sabi ni louie.

Napansin ko agad na maihigpit ang pagkakahawak ko sa damit ni Kevin.

Agad akong lumayo.

“tara na, balik na tayo dun.” Sabi ko.

Habang naglalakad kami,

Kinukulit nman ni Abi si Kevin,

“Uyy, anu ba kasi nangyari?”

“Kung anu yung nakita mo, yun yun.” Sagot ni Kevin

“yun lang? Sure?”

“Oo.”

Nakarating kami sa dati naming lugar.

Nakahati ang tinulugan namin,

Magkatabi kami ni Abi at magkatabi naman sila Louie at Kevin.

Paggising ko,

Wala na si Abi.

Pag bangon ko,

“COURTNEYYY!! COURTNEY TULUNGAN MO AKO DITO!”

Nagmadali akong tumayo at nakitang nakaupo si Louie at mukhang may pinagdadaanan,

Paglapit ko,

Nakita ko ang malaking sugat ni Louie,

“Ano nangyari!?” Sigaw ko.

“Eh kasi, maaga palang, pumunta na siya sa may lawa jan sa tabi para kumuha ng isda, pero mukhang tumama ata yung binti niya sa isang malaking bato. Buti nga nagising ako sa sigaw niya e, may gamut ka ba jan!?” Nagmamakaawang sabi ni Abi..

Wait,

Kinuha ko ang bag ko at naghalungkat ng mga gamot na pinulot ko sa kung san sa bahay.

“Eto.. eto.. ano ba toh!?” Tanong ni Abi.

“Abi, don’t panic. Wait, tignan natin.”

Tinignan ko yung sugat ni Louie,

Mejo malaki,

Pinainom ko siya ng pain reliever.

Nilinis ko muna ang sugat niya at nilagyan ito ng betadine.

“Masakit pa rin ba?” Tanong ko kay Louie

“Konti nalang.” Sagot niya.

Hinawakan niya ang kamay ko,

“Salamat Courtney ah”

Bumitaw agad ako,

“Ayos lang.. ayos lang”

Habang naglalakad ako sa tabi ng isang lawa,

Lumapit sa akin si Kevin,

“Ang hangin dito no?”

Anong problema nito’t ang seryoso?

“Oo nga e.” sabi ko.

Tumigil siya sa paglalakad,

“Ever since ba, masungit ka na?”

Natigil din ako sa paglalakad,

“Ba’t mo natanong?”

“kung pa'no mo tignan ng pag-aalala si Louie, alam ko, kahit masungit ka, mabait ka”

“Hahaha, try mong i-announce yan sa school, pagtatawanan ka lang” Sabi ko.

“Pero, nakikita ko talaga, mabait ka.”

“Iba ang nakikita mo, sa nakikita ng iba”

“Ang cute mo siguro pag mabait”

Di ako sumagot.

Lumapit siya at humarap sa akin,

“Gusto kong makilala si Courtney na mabait, na sweet at malambing yung hindi masungit at sumisigaw. Gusto kong makilala yun… please?” Tanong niya.

“Pag ginawa ko, anong gagawin mo naman para sa akin?” Tanong ko.

“Uhm.. may isa kang wish na gagawin ko, kahit ga'no man kalaki!” sabi niya.

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon