1 week wala si Boy Isda,
Ganun kalakas suntok ko? Wow.
And as the week pass, mas nagiging close kami ni Louie.
Lagi kaming nagkwekwentuhan, nagtatawanan.
Kaya di maiiwasang maraming masasamang tingin ang nakikita ko.
Buti nalang mabait si Louie, di tulad ng kapatid niya.
Mabait si Louie, may pagka madaldal pero mabait.
Masaya siya kasama, I admit.
At Masaya din akong nakilala ko siya at kahit papaano friend ko na siya.
Next to nothing, sila lang ni Abi ang meron ako.
“Good Morning!” ngiting sabi ni Louie.
Ngumiti ako.
Tumingin ako sa paligid ko.
Wala pa si Isda, Harhar.
Paupo na ako nung nagkagulo ang mga classmates ko.
Kevin.
Dumating na si Kevin
Lumapit siya sa kapatid niya ng di ako tinitignan.
“Kala ko ba di ka papapasukin ni Mommy?” Tanong ni Louie.
“Magaling ako noh.” Ginalaw galaw niya ang leeg niya.
“Buti pinayagan ka ni Mommy?”
“Malakas ata ako dun!” masayang sabi ni Isda,
Napatingin siya sakin pero di siya nagsalita ni-ngumiti.
Tumingin uli siya sa kapatid niya.
“Uhm, san ako uupo?” Tanong niya kay Louie.
“Diyan ka nalang sa harap, walang nakaupo diyan.” Sabi ni Louie
Agad namang umupo si Kevin at humarap sa amin.
Di ko rin siya pinansin.
Nagsulat sulat lang ako ng kung anu anu sa notebook ko.
“Kayo ah…” asar ni Isda.
Tinignan ko siya ng masama.
“Easy lang” sabi ni Kevin, “Bakit ba ang sungit mo, siguro meron ka ngayon---”
“Gusto mong bumalik sa ospital?” sabi ko.
“Oo nga! Pabalikin na yan sa ospital!” Biro ni Louie.
“Eto.. gusto mo lang masolo si Courtney eh!!” asar ni Isda.
Tinignan ko si Louie at ngumiti, “Your wish is my command”
“Bro walang ganiyanan!!” sabi ni Isda kay Louie.
Nagtawanan sila.
Dumating si Abi.
Gulat na gulat sa nakikita niya.
Ngumiti lang ako.
Pero iba si Abi, di siya yung tipo ng babaeng insecure.
Lolokohin ka lang niya't bibiruin.
Dumating na ang history teacher namin
Dumaan ang maraming oras,
Hanggang sa recess na,
“Abs, kain tayo sa canteen.” Yaya ko kay Abi.
“May baon ako e, sila nalang.” Tinuro niya ang magkapatid.
Humarap ako sa kanila,
Actually kay Louie lang talaga ako nakatingin,
“sorry.” Sabi ni Louie, may ginagawa pa kasi siya.
“Samahan kita?” sabi ni Isda,
“Wag na uy!” sabi ko.
Agad akong umalis ng room.
Nagmadali ako pumunta ng canteen.
Pumili at bumili ng pagkain, sandwich at coke-in-can
Umupo ako sa bakanteng upuan sa bandang gitna ng canteen
Tinginan ang mga tao.
Lalo pang dumami ang tingin nung umupo si Isda sa harap ko.
May hawak na sandwich at coke.
Tumawa siya. At di ko madeny na ang cute niya tumawa.
“Pareho tayo ng binili” sabi niya ng parang bata sabay tingin sa paligid
Ngumiti siya, at bago ko pa siya mapigilan, nilapit niya ang mukha niya sa akin,
Sobrang lapit.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Nagulat ako sa ginawa niya.
Pero nakangiti lang siya sabay nagsalita,
“Panu kung halikan kita dito, tignan natin kung anu sasabihin nila.” Sabi niya.
“Panu kung suntikin uli kita, tignan natin kung anu sasabihin ng doctor mo.” Sabi ko.
Nagiba ang reaksyon niya pero di parin niya nilalayo ang mukha niya sa akin.
Nakatingin ako sa mga mata niya habang nagsasalita siya.
“tignan mo sila” di ako makagalaw, kaya di ako makatingin. Tinuloy niya, “Ang insecure nila sayo,” lalo pa siyang lumapit at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. “Sikat ka talaga ditto.”
Tinignan niya ako ng matagal
Nakaktunaw ang mga tingin niya,
Hangga't sa sumandal na siya sa upuan niya.
Di parin ako makaget over, di parin ako makahinga ng maayos
Ngumiti siya sa akin
“Di ka pa ba tapos diyan?” tanong niya
Then I realize, ang higpit ng pagkakahawak ko sa coke.
Di ako sumagot
Tumingin siya sa relo niya
Napasimangot siya
“Tara na?” tanong niya.
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...