MEAN 2 XXXVII: Please

85 3 0
                                    

Simula nung araw na yun,

Di ko na masyadong nakikita si Courtney na lumalabas ng room na yun,

Dinadalhan nalang siya ng pagkain doon,

Bumalik naman kami sa dati after ng mga ilang araw,

Lagi pa rin kaming magkakasama nila Abi at Louie, napapadalas na rin ang pagsama ni Ana sa amin.

Isang araw,

Kumakain kaming apat sa canteen,

Nang mapansin naming umiingay na at napupuno ng bulungan ang canteen,

Napatingin kami sa kung san ang tingin ng  lahat,

Lumabas si Courtney sa room niya.

Nakakailang lang, kasi may mga guard sa likod niya,

Inutusan niya ang mga guard niyang bumili ng pagkain niya.

Habang naghahanap ang isa niyang guard na mauupuan,

Naiinip siya kasi wala ng pwesto para sa kanya,

“Kung kinakailangan, paalisin na yung ibang patapos na rin naman at nagkwekwentuhan lang” nakatingin siya sa pwesto namin, “para naman makaupo ako.” Sabi niya.

Hindi namin siya pinansin at nagpatuloy sa kwentuhan.

Hindi din naman niya kami tinignan uli dahil siguro sa mga sinabi ko nung huling punta ko sa room niya.

Nung uwian, sabay sabay kaming naglakad papauwi.

Nakasalubong namin si Courtney,

Di namin siya pinansin, dinaanan lang namin siya na para bang di namin siya nagging kaibigan.

Nang makarating na kami sa bahay,

“So… any progress?” Tanong ni mama.

“ma, pass ako jan” sabi ko.

Tumingin si mama kay Louie.

“I’ll pass too.” Sabi ni Louie,

“Ano ba kayo! Nakasalalay dito ang yaman ng pamilya natin, pag pinakasalanan niyo yung babaeng yun, wala na tayong problema sa shares ng papa mo. And look, sabi niyo, maganda naman diba? Bakit ba kayo nagkakaganyan, dati, kung sino sinong babae ang pinapakilala niyo sakin, tapos ngayon, ang ganda ganda na ng suggestion ko, atsaka kayo aayaw?”

“Iba siya ma,” sabi ni Louie.

Tumayo ako at pumanik na sa hagdan

“Di ako kakain.” Sabi ko.

Amnesia.

Di pa sure kung babalik talaga ang alaala niya,

Tumitig lang ako s akawalan hanggang sa dalawin na ako ng antok.

Pagmulat ng mata ko,

Ayaw ko ng pumasok sa school,

Pero kailangan,

Habang kumakain kami

Hinawakan ni mama angkamay ko,

“Anak, please, kausapin mo si Phoebe,ibalik na yung shares, sabihin mo.”

“ma, that’s impossible.”

“Pero anak, bobolahin mo lang siya ng kaunti.”

“ma, matalino yun”

“pero, ANAKKKK! Please!!” sabi ni mama.

“Opo, I’ll try.” Sabi ko.

Nung nasa harap na ako ng pinto,

Kakatok ba ako?

Hayyy.. *knock* *knock*

Pinapasok ako,

“bakit? Anong kailangan mo?” tanong niya.

“Please, ibalik mo na yung shares ng papa ko sa company niyo”

“Hindi naman mukhang sincere e” sabi niya.

“Pleaseee…” sabi ko

Tumawa siya ng malakas. “Isa pa.” sabi niya.

Hay, pinagtitripan lang ako nito.

Papunta na sana ako sa pinto para lumabas,

Kaso, nagsalita siya.

“where’s your mom?” tanong niya.

“bakit?”

“Pakisabi, kung gusto niyang ibalik ko sainyo lahat ng shares, dapat siya ang kumausap sa akin” sabi niya.

Di ko hahayaang makita ni mama si Courtney,

Maloloka yun.

Lalo na pag naalala ko ang nangyari nung birthday ni Courtney sa bahay.

Di pwedeng pumunta dito si mama.

Tumingin lang ako sa kanya, sabay alis.

Pagbukas ko ng pinto,

Nagulat ako.

Andun si mama.

“let me in” sabi ni mama.

Pagpasok niya sa room ni Courtney,

Lumuhod at yumuko siya’t nagsabi,

“Please…”

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon