Nang mahabol ko na siya.
“Courtney!” sigaw ko.
Hinawakan ko siya sa braso.
Nakayuko siyang nagpupunas ng luha.
Itinaas niya ang ulo niya.
“Oh, grabe panahon ngayon noh, sa sobrang dami kong ginagawa, pinagpapawisan na pati mga mata ko”
Tinanggal ko yung mga kamay niya sa mukha niya,
Pinunasan ko ng kamay ko ang mga luha niya.
“hindi naman kita pipiliting alalahanin ako e, kasi, ikaw mismo, piniling kalimutan ako.” Sabi ko.
Tumulo uli ang mga luha niya.
“Akala ko, makakamove on ako, akala ko kakayanin kong mag-aral sa iisang school kasama ka, akala ko makakalimutan din kita. Pero, sa tuwing gusto na kitang kalimutan, atsaka ka magpapakita, papupulahin ang mukha ko, lalabas ang mga ngiti sa bibig ko’t bibilis ang tibok ng puso ko.”
“Courtney, you deserve better. Sa tingin mo ba, ako talaga ang taong para sayo?”
“Kevin, pinilit kong kalimutan ka. Pero, yung makita kang masaya kasama ang iba? Unti unting dinudurog ang puso ko! Tapos, pag kinasal ka, anong gagawin ko?! Iiyak?! Mangangarap na sana AKO NALANG YUN! *sob* *sob* Ayokong umiyak, ayokong ipakitang nasasaktan ako *sob* Ayokong maging mahina sa paningin ng ibang tao! *sob* *sniff* Pero alam mo kung anong mas masakit? Yung pigilang pumatak ang luha mo, kung PATI PUSO KO, GUSTO NG UMIYAK”
Yinakap ko siya.
“Hindi mo naman kailangang itago yang mga luha mo, kasi andito ang balikat ko, para tanggapin ang bawat luhang ilalabas ng mga mata mo.”
Iyak siya ng iyak habang kayakap ako.
Napangiti ako sa sitwayon,
Mahal ko siya,
Mahal din niya ako.
Pinakamasayang regaling matatanggap ko sa buong buhay ko.
“Sabi sayo, bagay tayo e” sabi ko.
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...