“Mrs. Smith, tama bang husgahan ako kaagad? Ayaw niyo ako sa anak niyo?! Ano bang gusto mo para sa anak mo, yung tipong anak ng presidente ng bansang to? Well, hindi ako ganun. Kung ayaw niyo PO sa akin, pwes, MAS AYAW KO PO SA INYO!”
Gulat na gulat ang reaksyon niya nang sagutin ko siya.
“Pakitang tao lang din pala yung kanina.” Mataray niyang sagot.
Di ko siya pinansin, sa halip, naglakad ako palabas sa pinto.
Pero, bago ako lumabas..
“Mrs. Smith, I’m looking forward, na sa darating na araw, IKAW MISMO, ang mayamang katulad mo, ay luluhod sa harap ng pobreng katulad ko!”
“Courtney!” Sigaw ni louie.
“Uuwi na ako, thanks for the food. Ciao!” Sabi ko.
Natatawa ako pagnaalala ko yung mukha ni Mrs. Smith sa mga narinig niya,
Anong 'kala niya sakin?
Pobre na aapihin pa.
Syempre, pobre na nga ako, papaapi pa ba ako?!
“Courtney! Wait up!”
Pinigil ako ni Kevin at hinawakan ang aking braso,
“What happened?!” tanong ni Kevin.
“Ahh, yun? Wala, ang saya nga kausap ng mama mo. Kaso, mukhang din a ako makakabalik pa sa bahay niyo, di naman ata ako WELCOME” sabi ko.
“Don’t worry about mom, ayos lang, ano ka ba. Come back anytime ha, and.. before I forget, regalo ko nga pala sayo..”
May hawak siyang pahabang box,
Nung binuksan niya, isang kumikinang na kwintas ang nasa loob nun.
Ang ganda.
Sobrang ganda.
Kinuha niya ito sa box at isinuot sa akin,
After mailagay,
“Happy Birthday!”
Hinawakan niya ang kwintas na nakasabit sa leeg ko,
“Bagay sayo.” Sabi ni Kevin.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin,
Ang bilis ng tibok ng puso ko,
Ngumiti siya.
Habang hawak niya ang kwintas sa leeg ko ay hinalikan niya ako sa labi.
Nagulat ako’t namula,
Ngumiti siya sa reaksyon ko, “Simula ngayon, tinatapos ko na ang napagusapan natin, you can have your wish” sabi niya.
“Wish ko.”
Naghintay siya,
“Kevin,” Ang unang beses na tawagin ko siya sa pangalan niya, “Please, kalimutan mo na ako.”a,
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...