MEAN XXX: Chocolate

108 3 0
                                    

“Please! Tanggapin mo tong chocolate na to! Matagal na kitang crush at lagi kitang inaabangan sa paglabas, ako nga pala tumulong sayo nung nagkalat ang mga school council papers dito sa hallway, just so you know. Please, tanggapin mo tong chocolate na to!”

“Tss..” Tumawa ako ng masama.

Bumalik ako sa araw na yun,

Ang araw ng first heart break ko,

Nung araw na tinawag akong balyena.

Hindi na siguro ako nakikilala ni John.

Gwapo pa rin siya’t walang pinagbago.

Pero, sa napapansin ko ngayon.

Bumaliktad ang mundo.

Siya naman ngayon ang nagmamakaawang tanggapin ko ang chocolates na bigay niya

“Please, sana matanggap mo ito’t mahalin mo rin ako”

Mas tumawa ako ng malakas.

Umupo ako sa harap niya,

“Uhhh.. so sweet.” Sabi ko. Ngumiti siya. “ Pero, bigyan mo man ako ng isang katerbang chocolates, hinding hindi ako magkakagusto sayo. At sino bang magkakagusto sa tulad mo?”

Nagulat siya sa narinig niya.

Napaurong siya sa akin,

Para bang naaalala ang mga araw nay un.

Ngumiti ako ng masama,

“Remember me, John Wilson? Ang balyenang baliw na baliw sayo. At ngayon? Kinababaliwan mo!” Masama kong sabi.

Nilapitan ko siya, kinuha ang chocolate sa kamay niya,

“try mong bigyan ako ng isang dosena, tignan natin kung tatanggapin ko”

Iniwan ko siyang gulat na gulat.

Ba’t andito sa school yun?!

Sa lahat ng makikita, bakit siya pa?!

Mabilis akong naglakad papalayo

Naiiyak nalang ako sa galit.

“Uhm, Courtney..” tinawag ako ni Abi na may lungkot sa tono ng boses niya.

Tumigil ako sa paglalakad,

Lumingon ako sa kanya,

Hindi ko na napigilan ang sarili ko,

Naiyak ako.

Yinakap ako ni Abi at umiyak ako sa balikat niya.

Siya lang ang kaibigang kailangan ko ngayon,

Kaibigang nakakaintindi at alam lahat ng pinagdadaanan ko,

“Thank you, Abi.” Sabi ko.

“Lagi lang akong nandito.” Sabi niya.

Pgatingin ko sa likod,

Nandun sila Louie at Kevin,

Nakangiti.

Di lang si Abi ang kaibigan ko, sila rin.

Nagkanchawan at tawanan kami pauwi.

Habang naguusap kami,

Napunta kami sa topic ng pamilya nila Kevin

“bakit kayo nagkakaproblema?” Tanong ni Abi.

“Financial e. Mukhang bibilhin na yung shares namin sa company” sabi ni Louie.

“Sino bibili?” tanong ni Abi.

“Yung president ng company”

“Wow. Sobrang yaman siguro nun, pag ako anak nun, anong mga damit na kayang suot ko ngayon?” Sabik na tanong ni Abi. “teka, may anak ba yun?”

Walang sumagot.

“Oo. Isa” sabi ni Kevin

Napatingin kami kay Kevin,

Ang alam namin, bawal pagusapan yun.

Agad lumipat si Abi sa tabi ni Kevin

“Bakit wala siya sa school?” tanong ni Abi.

“Di ko rin alam e, pero I heard, babae siya” sabi ni Kevin

“Wowww! Babae, siguro ang ganda nun.” Napapangiting iniimagine ni Abi.

“Ang balita daw, mag-aaral na daw siya sa school, this coming.. di ko alam, basta, mag-aaral daw. Di pa sure e” sabi ni Kevin

“Wowwww! Ang cool, ayyy wait! May narinig din akong issue about dun sa babae. Alam niyo yung malaking room between the principal’s office at 2nd year faculty?”

“Oo.” Sabi ni Louie.

“'dun ata mag-aaral yung babae, syempre, anak siya ng president lang naman ng isa  sa mayayaman sa bansa natin, kung ako nga yun, mas gugustuhin ko pa sa bahay nalang mag-aral. Pero! Dun daw sa mismong kwartong yun, wala pa daw'ng nakakapasok ni isang estudyante, teacher o kahit principal!”

Nagulat sila Kevin at louie.

“Oo, tama ang narinig niyo”

Ngumiti silang tatlo ng masama,

Tumingin sila sakin na para bang may binabalak.

“Ano? Bat sakin kayo nakatingin?!” Sabi ko.

“Magpustahan tayo!!” sabi ni Abi.

“Pupusta ako!” sabi ni Louie.

Naglakad papalayo si Kevin,

“Wag na kayo magpustahan, panalo na rin namana ko jan, for sure e” pagmamayabang ni Kevin

“Ang yabang mo naman! Mahirap kaya tong pinagpupustahan natin.”

“Ano bang premyo pag nagawa?” Tanong ni Kevin.

“Uhmm… wag pera, uhm.. kiss!! Yun, Kiss!! Kiss sa kung sinong gusto mo!” sabi ni Abi.

“Sali ako!” agree agad si Kevin

“Ano bang pinagpupustahan?” Tanong ko.

“Sino unang makapasok sa room na yun.” Sabi ni Abi.

Ngumiti ako ng masama,

“Sure, Sali!”

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon