MEAN *END

148 8 8
  • Dedicated kay Patricia Anne S. Barrocamo
                                    

                                                                                                  *narrator- Courtney

Pagpasok ko sa school,

Nandun silang apat,

Nakangiti sa akin,

“WELCOME BACK!” sabay sabay nilang sabi.

Napangiti din ako,

Masaya ako’t bumalik na kami sa dati,

Tinanggap pa rin nila ako, yan siguro ang isa sa pinagmamalaki ko sa buhay.

Ang mga kaibigan kong gintong tunay.

Tuwing uwian,

Lagi na kaming tumatambay sa labas ng room at umuupo sa isa sa mga upuan dun.

“Alam mo ba,”

“Ano yun?” Tanong ni Kevin.

“Dito sa mismong upuan na to, nanghingi ako ng sign. Na kung sino ang unang lalaking makakatabi ko sa mismong upuan na to, ay kakaibiganin at mamahalin ko.”

“At yun din ang araw na nameet kita, naghihintay din ako dito sa mismong upuan na to, aalis na nga sana ako ng narinig kong sumigaw ka.. kasi, nahulog ka sa kanal.” Tawa siya ng tawa.

“I hate you!” sabi ko.

“I love you” nginitian niya ako.

At sa ngiti niya sakin, nawawala ang pagkabadtrip ko.

“I love you too.”

Hinalikan ko siya sa pisngi,

“Bakit mo ako hinalikan!?” Gulat kunwaring sabi ni Kevin.

“Ako kasi ang unang nakapasok sa room ng anak ng Presidente. Remember?”

Hinalikan ako ni Kevin sa labi,

“sa pisngi lang pala kaya mo e!”

Nagtawanan kaming dalawa.

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon