MEAN XIX: Sorry

92 3 0
                                    

“Congrats din sayo.” Ang tangi kong nasagot.

“Ang galing mo talaga kanina, di ko akalaing…”

Ba’t kaya ganun si Isda?

May ginawa ba akong masama?

Anong problema niya?

Wait, teka nga.. ano din bang problema ko’t nagaalala ako sa mokong yun?

Hayy..

Tinitigan ako ni Louie na para bang may inaantay.

“Huh?” Tanong ko.

“kanina pa ako nagtatanong sayo, pero mukhang may malalim kang iniisip” sabi niya.

“Ahh.. eh.. pagod lang siguro” sabi ko.

“Siguro, dapat magpahinga ka na. Malapit pa naman ang camping trip natin. Mahirap na pag wala ka.” Sabi niya

Ngumiti ako at dumirecho palabas.

Noong gabi ding yon, inannounce kung sino ang pinakamabentang play.

At kami yun.

Palakpakan ang lahat at umakyat sa stage ang president namin para sa kaunting speech.

“Salamat at pinanood niyo ang aming play, and we would like to thank, Courtney, for that wonderful performance and im going to ask her to come forward and say something” sabi ni president.

Nakaupo ako sa isang upuan nun at nakayuko.

Gusto ko ng magpahinga..

Lahat nagaabang kung papanik ba ako sa stage,

Itinaas ko ang ulo ko,

Lahat sila nakatingin sa akin,

I managed to smile,

Lahat sila nanganga na naman,

“Sorry, pagod ako e” sabi ko.

                “Nagsorry siya!?”

                “Grabe, anu na ba nangyayari kay Courtney?!”

                “Baka nadala siya sa play nila kanina.”

Agad akong dinirecho sa clinic at nagpahinga doon,

Maya maya,

“Courtney?” Bumukas ang pinto ng clinic

“Hmm?”

Lumapit sa tabi ko Louie.

Inayos niya ang kumot ko at itinaas hanggang sa dibdib ko.

“Pahinga ka ah” sabi niya.

“masyado ka naman kung mag-alala sa akin, itutulog ko lang to noh!” Sabi ko sabay ngiti.

“tama nga si kuya, mas bagay sayo kapag nakangiti ka”

Sure ako, namumula na ako.

Ngumiti nalang ako.

“may dumi sa buhok mo oh,”

Napaurong ako ng hawakan ni Louie ang buhok ko.

Masyado siyang malapit sa akin,

At bumibilis ang tibok ng puso ko

“Ayan—“

Sabay kaming napatingin sa pinto at nandun si Isda.

Lumayo agad ako kay louie,

Dahil sigurado akong mamimisinterpret ni isda ang ginagawa namin.

And tama nga ako,

Namisinterpret niya,

Napakamot siya sa ulo niya,

“Ohh.. sorry”

Agad siyang lumabas ng room.

Tatayo sana ako para habulin siya at magpaliwanag,

Kaso pinigilan ako ni Louie,

“Magpahinga ka muna. Magpapaliwanag nalang ako sa kanya sa bahay”

Ngumiti ako, “thank you”

Natulog ako ng mga dalawang oras.

Paggising ko, andun pa rin si louie,

“Good.. evening?” sabi ni Louie.

“hahaha, labas na tayo? Baka hinahanap na rin tayo e” sabi ko.

Tumayo ako at nagayos ng kama bago umalis.

Nung bandang nasa pinto na ako,

May nakita akong petal ng flower.

Kinuha ko,

Ang lambot, napangiti nalang ako.

“Louie, may pumasok pa bang iba kanina dito?” tanong ko.

“Bukod kay Kuya? Uhm.. wala naman. Siya lang” sbai niya.

May dala siyang flowers?

Napangiti ako.

Pero imposible naman yata yun?

Lalong imposible kung para sa akin yun.

Hayaan na nga.

Kinuha ko ang petal at ibinulsa ko.

Masaya akong lumabas ng clinic,

Mukhang nagkakasaya na dito ah.

Natapos ang gabi ng di ko nakikita si isda,

After 2 weeks,

Nagstart na ang paghahanda namin para sa camping trip.

MeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon