Araw ng birthday ko,
Agad akong sinalubong nilang tatlo,
Si Abi, may hawak na isang malaking regalo.
“Shush! Itago mo nga yan, ayokong may nakaka-al---“ pagtitigil ko kay Abi
Oh shems,
Pagtingin ko,
Isang malaking tarpaulin na ang nakasabit sa bawat kanto ng building ng school namin.
“Happy Birhday Ms. Sungit”
Napangiti ako,
Kahit ayaw ko ng ganto.
“SALAMAT! SALALAMAT SA LAHAT!!!” Sigaw ko.
Natutuwa akong makitang nakangiti din sila sa akin.
Halatang minahal na nila ang mabait na ako.
Puro bati, cards at chocolates na naman ang natanggap ko.
Mabuti nalang at, kinakain at binabasa ko na ang mga ito, di tulad ng dati.
Natatawa at naiiyak ako sa mga letters nila sa akin.
Mahahanap mo ang mga salitang, salamat sa pagiging magaling na vice president, the best ang retreat!
Thank you for everything!
Akala ko, masungit ka’t din a magbabago.
Lalo kang gumandadahil sa pagbabago mo.
Mas mahal ka namin sa ikaw ngayon.
Natapos naman ang araw ng maayos.
“yess! Pupunta tayo sa bahay nila Lo—“ *ring* *ring*
“hello, ma?” Sagot ni Abi sa telepono niya
“Opo. Ma! Totoo ba yan?! Anong nangyari!? Bakit daw?! Opo.. Opo..Ah sige po”
“Anong nangyari?” Tanong ko.
“naaksidente daw si kuya, hayyy.. kailangan kong pumunta sa ospital!” pagpapanic na sabi ni Abi.
“Sasama ako, abi” sabi ko.
“Wag na, enjoy your birthday, hahabol nalang ako kung pwede.” Pagpapaliwanag ni Abi.
Agad umalis si Abi.
“Wag anlaang kaya natin ituloy ang pagpunta sa bahay?” tanong ni Louie.
“hindi, sige. Pupunta pa rin tayo” sabi ko.
Dumirecho kami sa bahay nila Kevin,
Laking gulat ko.
Sobrang laki ng bahay!
triple ng laki sa bahay bakasyunan nila nung summer na anim na beses ng bahay namin!
Woooowww!
Bilib na ako sa kanila,
At makikitang nakaparada ang mahahaba at itim na sasakyan, at iba’t ibang kulay na mamahaling kotse sa garahe nila.
Papasok pa ba ako?
Nakita ko agad ang mama nila, kumakaway sa may pintuan
Nung nakita akong mama niya,
Napangiti siya.
Pagpasok ko sa bahay nila,
Wow. Ang daming pagkaing nakahain.
“Uy, isda, sabi ko, wag ng maghanda e” sabi k okay Kevin
“Di yan handa, everyday, ganyan talaga” sabi niya
Weh?!
Parang kahit ata may birthday, di kami maghahanda ng ganto.
Umupo ako sa sofa nilang napakaganda,
“Magandang gabi po.” Banggit ko sa mama niya.
“Ahh, ikaw pala yun hija, kain muna kayo” Sagot ng mama niya.
Agad namang dumirecho ang magkapatid sa dining table at sumunod na din ako.
Kumain kami dun habang nagkwekwentuhan,
Sinisigurado kong may galang ang bawat sagot ko sa mama nila.
“Wait, kukuha lang ako ng extra utensils sa kusina ah, wait for me.. Oh, Kevin, Louie. Go upstairs, magbihis muna kayo.”
Sa huli, ako lang ang tao sa malaking kwarto na yun,
Nainip ako sa kinauupuan ko at naglakad lakad,
Wow.. yung pinta sa dingding, malaginto! Detalyeng detalye ang mga portrait.
Napatigil ako sa isang vase,
Simple lang yung vase,
Pero yung laman nun ang nakakuha ng atensiyon ko,
Roses.
Pulang pula, at may nakalagay na isang maliit na card sa tabi,
Get well soon, ang galing mo sa play natin <3 Kevin
Napangiti ako’t naalala ko yung sa clinic,
Yung flowers,
Galing nga sa kanya yun.
“Hija!” gulat na sabi ng mama nila. Nakita niya na hawak hawak ko yung maliit na card.
“Ah, tita—“
“Hija, ganyan ka ba pinalaki ng parents mo’t di ka man lang tinuruang umupo nalang at maghintay, lalo na’t di mo to bahay.” Sabi ng mama nila.
Nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya.
“I’ll get straight to point, ayaw kita para sa anak ko.” Mataray na sabi ng mama nila “Ano bang meron ka na maipagmamalaki’t masasabi mong pwede ka sa anak ko?”
“Tita, h—“
“Wala?! Then, don’t call me tita! Ayokong nakikipagkaibigan ang mga anak ko sa mga pobreng katulad mo! Ayoko ng makita ka pang umaaligid sa anak ko!”
Nagulat talaga ako sa pagbabago ng ugali ng mama nila.
Pakitang tao lang pala yung kanina,
“Mrs. Smith”
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...