Kinabukasan ng uwian, kanya kanya na kaming diskarte.
Kaso..
“HUH!? Bat may guard na dito?!” tanong namin sabay sabay.
Napatingin sa amin ang guard,
“Bawal po pumasok, pasensiya na” sabi.
“Uhm, may nakalimutan akong gamit sa loob jan” Palusot ni Abi.
“Nacheck na po namin yung loob, wala na pong gamit dun”
Palpak si Abi.
Dumating naman si Loui eat inabutan ng pera yung security,
“Ayy sorry po sir, di po ako tumatanggap niyan.” Sabi ng security
Kumuha pa sa bulsa at dinagdagan ang offer, “Oh.” Sabi ni Louie.”
Tinanggihan ng tinanggihan siya hanggang sa sumuko na siya.
Natatawa ako sa mga pangayayari.
Pero, iba pa rin ang entrance ni Kevin,
Stunning.
Nakapangjanitor siyang damit.
Pero, may something talaga sa kanyang di siya mukhang janitor, kahit naglagay pa siya ng uling uling sa mukha.
Inabangan naming tatlo ang performance niya.
Kinausap niya ang security,
“Uhm.. utility po ng school” nagpakita pa siya ng pekeng ID, “Pinapalinis po ng President eng company na pinagtatrabahuan niyo na linisin ko ang loob ng kwartong yan”
Nagisip saglit ang lalaki.
Kinabahan kami,
Wala na.. siya na makakakuha ng premyo.
“Sorry. Hindi” sabi nung security.
“YESSS!” sabay sabay naming sabi.
“Ikaw na next, Courtney, anong gagawin mo?” Tanong sakin ni Louie.
Lumakad ako papunta sa kinatatayuan nung security.
Kinakabahan at excited sila Abi na malaman ang gagawin ko.
“pwede bang pumasok?” tanong ko.
“Bawal po ma’am e.” sabi nung guard.
Bumalik ako sa kinatatayuan nila Louie, Abi at Kevin.
Napanganga sila,
“yun lang?!” tanong nila’t nakukulangan.
“Yun lang.” sabi ko.
“bakit yun lang?!” Sabay sabay nilang tanong.
“Sino ba kasing magseseryoso sa gantong bagay?” Sabi ko sabay tingin kay Kevin
Umalis ako’t dumirecho na sa room.
Nagsimula na rin akong maglinis ng room, para makauwi na.
Habang silang tatlo,
Nagiisip pa rin ng diskarte,
“Sa tingin ko, tama yung chismis na babalik na ang anak ng president” sabi ni Kevin.
“Oo nga noh! Kaya.. may mga guard at pinalilinis na ang kwartong yun! Tama tama!” pagsasangayon ni Abi. “Excited na akong makilala siya!” sabi ni Abi.
“Pero, mas excited ako sa birthday ni Courtney..” sabi ni Louie.
Birthday.
Birthday ko na sa susunod na araw.
Ngayon ko lang napansin.
Magsi-sixteen na ako.
16..
16th birthday.
Bigla akong kinabahan.
“Anong balak natin sa birthday mo Courtney?” Tanong ni louie
“Wala.” Sabi ko.
“Anong wala?!” sabi ni Abi.
“Ayaw kong magcelebrate.” Sabi ko.
“di pwedeng hindi!” sabi ni Abi.
“hayaan na natin siya, birthday naman niya diba?” pangangatwiran ni Kevin.
“ganto nalang, tutal naman, kinausap ako ni mama, gusto daw niya kayong makilala” sabi ni Louie.
“Sa susunod na araw?” tanong ni Kevin
“Oo.” Ngiting sabi ni Louie.
“mas maganda pa yun, kalimutan na nating birthday ko yun!” Sabi ko.
“Gusto ko ring makilala mama niyo!” Excited na sabi ni Abi.
“bakit ba kasi, di na tayo umuwi?” Tanong ko.
“Eto na nga oh,” sabay sabay nilang sabi.
Di ko naman kailangan ng birthday celebration eh,
Ayokong magkaroon pa kami ng masyadong maraming memories.
Dalawang araw.
Nalungkot ako sa pagisip kong, dalawang araw na lang
“Matulog tayo ng maaga, para makapasok tayo bukas, at para sa susunod na araw makikilala ko na ang mama nila Louie!” Excited na sabi ni Abi.
“Oo nga e” Bored kong sagot.
Mama ni Kevin?
Gustong makilala kami.
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...