Wow. Napanganga ako.
Gwapo na, chef pa, anu pa bang hahanapin ko?
Pero I have to remind myself kung anu ang ugali niya.
Pagtapos niyang magluto.
Umupo siya sa harap ko
Nilatag yung mga pagkaing niluto niya.
Napapalunok na ako sa itsura, pano pa pagnatikman ko.
Nahiya naman talaga ako sa kaniya,
Tatlong potahe ang niluto niya,
May karne, isda at gulay.
Tapos ako?? NOODLES?! Kaloka!
Nakuhh, kung di lang siya ang nagluto niyan nilamutak ko na yan!
“Uhm, di ka ba naiilang na kinakain mo yung sarili mong kalahi?” sabi ko sabay turo sa isda,
“Ah, ayan? Uhm, masarap naman kami e. try mo!?”
Di ko napigilang mapatitig sa isda.
Gusto kong tanggapin yung alok niya.
Kaso tumanggi ako.
“Di ako kumakain ng panget na ulam” sabi ko.
“edi di ka pwedeng magluto ng ulam para sayo? Ah, kaya pala nagnoodles ka.” Pangiinis pa niya
Masasapak ko to promise!!
Bago pa ako maka-angal nagsalita siya, “dapat kasi, balance, hindi yung puro noodes.. di rin naman puro karne, dapat may gulay—“
Tumayo ako, “wag mo ako sermonan, di kita magulang!”
Umupo ako sa sofa, inis na inis.
Badtrip kasi di'ba!
Nakikain na, sinesermonan pa ako!
Nakaupo lang ako hanggang sa matapos na siyang kumain.
“Ma'am Courtney, mukhang ayos na yung binti ko kaya, uhmm.. mas mabuti kung umuwi na ako.”
Oo. Mas mabuti! Salot!
Di ako kumibo.
Napakamot siya sa ulo.
Lalo tuloy akong nagwapuhan, para siyang model kung kumilos at pumorma.
“Uhm, nga pala, babalik ako bukas. Papalitan ko lang yung mga kinain ko
Tumayo siya dun ng saglit.
Hinintay niya kung may sasabihin pa ako,
Pero wala na.
Bago niya i-open yung pinto, bumulong siya, di ko masyadong gets pero ang pagkakaalam ko Thank you yun.
Napagdesisyonan kong matulog ng maaga.
“walang nangyari ngayon. Wala. Wala. Wala. wala.”
Hanggang sa nakatulog na ako.
Nagising ako sa tamang oras. Himala.
Naligo ako at pagpunta ko sa dining room.
“Uhm, pumunta nga pala yung lalaki dito.”
Tinignan ko siya ng may pagtataka,
“Yung lalaki kagabi.” Sabi niya.
Pshh. Nakalimutan ko na e, papaalala pa.
Tumango lang ako.
Umupo lang ako sa upuan at tumitig sa kawalan
“Anu uli full name niya?” tanong ni mama.
Arg.
Di ako kumibo.
“Ah..eh.. baka kasi gusto mong malaman na, pumunta siya dito ng maaga. Papalitan daw kasi niya yung mga kinain niya kagabi. Aba, ang daming dala. Sabi ko nga iuwi nalang niya't ilagay sa ref nila.”
Hinintay niya akong sumagot.
Since di ako sumagot, nagpatuloy siya sa pagluluto.
Kumain ako ng tahimik.
Nagtoothbrush at nagbihis.
“Ma, alis na ako.” Sbai ko.
“SIge, anak. Ingat ka ah” sabi ni mama
Pagbukas ko ng pinto,
Sisipain ko na sana e,
Kaso nung tignan ko ng mabuti, grocery pala yun.
Kala ko basura. Hahahha
Dinala ko yung sobrang daming grocery sa loob ng bahay.
“Ayy, ang kulit talaga ng batang iyon.” Sabi ni mama.
Ah, eto pala yung dala nung tsonggo.
May papel na maliit sa ibabaw.
Binasa ko.
“Puno na yung ref namin e.” natawa ako.
Hiyang hiya ako sa sulat niya. Ang ganda. Tinalo pa si Abi.
Hinalungkat ko yung mga grocery.
Doble. Triple halos sa dami ng kinain niya kagabi.
Sobrang dami!
Meron pa ngang isang buong plastic puno ng noodles.
“Loko.” Bulong ko.
Loko-loko talaga. Ayshh.
Umalis na ako ng bahay,
Habang naglalakad ako, narealize ko yung papel nasa kamay ko parin.
Tinitigan ko yung sulat niya hanggang sa pinasok ko nalang yun sa bulsa ko.
BINABASA MO ANG
Mean
Teen FictionEverything has a reason. Bakit may ganiyan, ba't may ganto. . . Everyone has a reason. Bakit nila ginawa yan, ba't ganto ang ginawa niya. . . Ako rin, May rason ako kung bakit ako ganto, Bakit kailangan kong sabihin at gawin ang isang bagay, At baki...