Chapter One

995 51 83
                                    

Chapter One

Naglalakad na 'ko pabalik galing CR papunta sa Conference room nang marinig ko nanaman ang matinis na boses ni Haley, kasunod nito ay ang tahimik na si Fantazia habang nginunguya ang kanyang Teriyaki.

Hindi na nagsawa sa kakakain ng Teriyaki ang babaeng 'yan.

"There you are, Lexi! Nasa bar nanaman ang boyfriend mo kahapon. Nakita nanaman namin siya ni Fantazia doon. Grabe ganito ka ba talaga kamalas sa pag-ibig?" Natatawang ani Haley. Magkakasama lang naman kami sa office pero sobrang busy namin kanina kaya ngayon lang din kami nakapag-usap.

Naapakan niya pa ang sapatos ko ngunit di ko nalang pinansin. Inirapan ko nalang siya at ngumiti. I continued walking towards the Conference room dahil may iaannounce daw ang boss namin. Malamang magle-leave nanaman iyon.

"Hayaan mo siya sa kung anong gusto niyang mangyari sa buhay niya, Haley!"

I just learned that, mas magiging okay siguro kung ganoon. Hinahayaan mo kung anong gustong gawin ng partner mo. Sabi nga nila, pag lalo mong pinaghihigpitan, mas lalong nagwawala. Besides, kung mahal ka talaga niyan, hindi 'yan magloloko.

Hindi ako kailanman maniniwala sa reason ng iba na kesyo natukso lang daw sila. That's shit! Kahit ilang babae o lalaki pa ang bumalandra dyan sa harap mo, kung kuntento ka, kuntento ka. Sinong matinong tao ang ipagpapalit ang pang-habangbuhay na kasiyahan para sa panandalian lamang?

"Grabe, hindi ako makapaniwala. 4 years ago ganito rin kami lagi ni Fantazia. Laging taga-report sayo na nasa bar nanaman ang boyfriend mo. Ayun nalang ba role namin sa buhay mo?" Reklamo nito.

Nagkibit balikat na lamang ako sakanya dahil pumasok na si Mr. Legaspi na gwapong-gwapo at fresh sa suot niyang grey three-piece-suit. His hair was fixed upward na nagpalinis sa kanyang mukha.

Hmm, naaamoy ko na ang ilang buwang leave...

"So I hope the message was already sent to all of you. I'll be gone for about 2-3 months because of my business trip in Macau and Singapore plus my leave." Kitams? Fresh lang ata itong si Mr. Legaspi kapag magtetake na siya ulit ng leave or may business trip, eh.

Sabagay, ilang taon lang din ang tanda ni Mr. Legaspi sa'kin. 8 or 10 years? I'm not really sure. Ang alam ko lang ay maagang namatay ang parents niya kaya wala siyang choice kundi i-handle ang kompanya nila. Imagine being in a young age, kailangan mo nang mamulat sa magulong mundo na 'to? Sad iyon, bro.

"Ang pamangkin ko muna ang maghahandle ng kompanya habang wala ako. This is strange, I know. Pero this time marami akong dapat asikasuhin kaya naman wala ring kasiguraduhan ang pagbalik ko nang maaga. But expect that even when I'm gone, I can still monitor your actions. Are we clear?"

"Yes sir."

"Liza, nandyan na ba siya?" Liza answered and open the door for our new acting CEO.

Naramdaman ko ang kamay ni Primo sa likod ko kaya agad ko siyang nilingon. Inginuso niya ang sapatos kong napakarumi dahil naapakan ni Haley. Puti kasi kaya halatang-halata. Hindi ko pa nga pala napupunasan ito. Ito naman kasing Haley na ito, apak nang apak!

"Ilang bundok ba muna inakyat mo bago makarating dito?" Mapangasar na bulong niya.

Yumuko nalang agad ako para mapunasan ang sapatos ko nang manginig ang braso ko sa narinig ko.

Anong ginagawa niya dito? Damn it, Ilang taon na ang nagdaan pero kabisadong-kabisado ko parin ang boses niya.

"Goodafternoon everyone." bati nito sa lahat. Dahil nasa may bandang likod naman kami nakapwesto ay hindi na ko nag-abalang tumayo. Nanatili akong nakayuko dahil narin sa panghihina ng katawan ko.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon