Chapter Eighteen
Kasalukuyan akong nakaupo sa taxi pauwi sa condo. Matapos sabihin ni Kit na bigyan ko siya ng chance ay narinig ko ang biglang pag-click ng pinto kaya agad-agad akong lumabas, narinig ko pa ang pagbaba rin niya sa kotse ngunit hindi niya na ako sinundan pa. He's just watching me from a distance hanggang sa makasakay ako ng taxi at makaalis nang hindi tumitingin sakanya.
Ang bigat-bigat ng loob ko sa hindi malamang kadahilanan. While I'm in the taxi, I am just silently crying. I can even feel the stares of the driver but I'm too pre-occupied of the pain and thoughts.
I texted my sister that I can't eat breakfast with them. She even offered to bring me foods but I refused. Ayaw kong makita niya ako sa ganitong estado. Namamaga pa ang mga mata ko at mahapdi, paniguradong tatanungin niya ako tungkol dito at hindi ko pa kayang sumagot lalo na't ilang minuto pa lang ang nakakaraan mula ng huli naming pag-uusap ni Kit.
Nang makapasok ako sa condo ay pabagsak akong umupo sa sofa at sumandal saka tinakpan ang aking mga mata. I am just literally crying my heart out. Humahagulhol ako ng iyak dahil narin sa kagustuhan kong mailabas ang nasa loob ko.
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa sinabi ni Kit.
He was officially asking for his chance, but I can't. Everything was just so overwhelming for me. I am too emotional to decide. I'll be honest, I want him, yes. But I can't still gamble everything, lalo na't noong huling sumugal ako ay natalo ako sa hindi magandang paraan.
I was just crying when I felt a furry thing on my feet. And that's when I saw my cat, Sheysie lying on my foot and looking up at me. Mas lalo tuloy akong naiyak. Para bang alam niyang hindi maganda ang pakiramdam ko kaya heto siya at sinusubukang pagaanin ang aking pakiramdam.
Nang magtagpo ang mata namin ay agad siyang tumalon at humiga sa lap ko. This is one of the reason why I love pets. They don't ask, they're just there making you feel their presence, and that's more than enough for a person who's suffering from emotional breakdown.
Sometimes, we don't need someone who we can talk our problems with or someone whom we can ask for advices, we just need that one single organism that are willing to listen. Someone who listens were all we need. And pets are there to listen.
They are not just there for us to display, they are our comrade in such times when we don't have the strength to face the world. They are a friend with four legs and furry body.
Kinarga ko si Sheysie at pinaupo sa lap ko. Isinandal ko ang aking ulo sa sandalan ng sofa habang tahimik paring umiiyak.
Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakaupo. Naramdaman ko nalang na nananakit na ang aking batok at likod kaya nagising ako, natagpuan ko pa si Sheysie na natutulog parin sa lap ko.
Napangiwi ako nang marinug ang pagkalam ng sikmura ko. Nang tumingin ako sa orasan ay natagpuan oongbhapon na pala. Kumulo bigla ang tiyan ko kaya napagpasyahan kong magluto nalang ng ramen dahil tinatamad na akong magluto. Habang kumakain ay kasalukuyan ko na ring inaasikaso ang 1 week leave ko. Sinend ko iyon kay Kit pati narin sa totoo niyang secretary, in case na hindi niya mabasa dahil siguradong araw-araw bumabaha ang mga email nung taong iyon.
I decided to take a week vacation in our province, La Constantina. After my late dinner, I packed my things for tomorrow. Bukas na bukas ay tutulak na ako para masulit ko ang leave ko. I also messaged Haley dahil balak kong iwan sakanya si Sheysie. Hindi ko naman kasi pwedeng dalhin sa probinsya ang alaga ko.
Kinabukasan, maaga pa lang ay tumulak na ako paalis. Hinatid ko si Sheysie sa kumpanya dahil napag-alaman kong doon natulog sina Haley dahil may tinatapos sila.
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
General FictionChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi
