Prologue

1.6K 62 197
                                    

Prologue

"Lexi!!" pabulong na sigaw ni Haley kay Lexi. Umupo siya sa bakanteng upuan ni Ronald sa tabi niya na malamang kumakain na sa ibaba.

"Hm?" sagot niya habang busy parin sa pagtatype. Kailangan niyang matapos itong ginagawa niya para makakain na siya at pakiramdam niya parang kinakain na ng mga bulate ang bituka niya.

"Nakita nanaman namin siya sa bar. Akala ko ba pinagbawalan mo na siyang magpunta doon?" Maangas na sabi ng isa pang boses. Awtomatikong tumigil sa pagtatype ang mga kamay ni Lexi sa kanyang narinig. Kahit walang banggiting pangalan ang mga ito, alam na alam niya kung sino ang tinutukoy nito.

"Fantazia naman! Bakit mo naman binigla si Lexi?"

Eto nanaman sumisikip nanaman ang kanyang dibdib kasabay nang pamamawis ng kanyang mga kamay. Lexi did her best to continue what she's doing. Sinubukan niyang umakto ng normal. Hindi ito ang una o ikalawa o ikatlong beses na narinig niya ito sa kanyang mga kaibigan. She already lost count on how many times they already seen him at the bar.

"Baka naman hindi siya 'yun." Sagot niyang pinipilit na hindi manginig ang kanyang boses.

"Ayan, diyan ka magaling. sa pagbubulag-bulagan Lexi. Ano masarap ba talagang maging tanga at inaaraw-araw mo naman yata?!"

"Fantazia naman!" suway ni Haley.

"Anong Fantazia naman? Pang ilang beses nang nangyayari 'to at ilang beses mo naring sinasagot sa amin 'yan Lexi. Kailan ka ba matatauhan?" Fantazia tsked. Padabog itong umupo sa tabi niya.

Tinigil niya ang pagtatype dahil hindi narin niya sigurado kung ano na ang tinatype niya saka sumandal sa kanyang upuan at pumikit. Namamanhid ang buo niyang katawan dahil sa sakit ng dibdib niya.

"Ano? Napagtanto mo na bang tama ako?"

She did her best to answer Fantazia. "Anong ginagawa niya doon?" She asked, still eyes closed.

"Nakaupo habang may kakandong na babae't nakikipaghalikan." kaswal na sagot ni Fanti.

"Fanti!! Ano ka ba bakit mo naman ganun dineliver 'yun? Pwede naman magkaron ka ng pakundangan, sis! My God!"

Ngunit di siya pinansin ni Fantazia.

"Kakausapin ko siya." She heard Fantazia scoffed na para bang sumusuko na sakanya ang kaibigan.

"Lex?!" Disappointment was evident in Haley's voice.

Tumingin siya sa dalawang kaibigan na hindi makapaniwalang nakatingin sakanya. Si Fantazia na nakakunot ang noo at makikita ang inis sa mukha at si Haley na disappointed sa kanyang sinabi.

"Fine! Kausapin mo 'yang boyfriend mo at sabihing wag na magpahuli sa amin sa susunod. Napapagod narin ako marinig 'yang mga paulit-ulit mong mga rason." Padabog na tumayo si Fantazia sa upuan nito saka mabilis na naglakad paalis.

"Fantazia!!" Rinig niyang tawag ni Haley kay Fantazia pero malakas na pagsarado lang ng pinto ang naging sagot nito.

"Saan ka galing kagabi?" bungad ni Lexi sa boyfriend niya pagpasok niya sa condo nito. Nag-half-day pa siya sa trabaho dahil hindi niya na kayang pekein ang sarili niya na wala lang sakanya ang sinabi ng kanyang mga kaibigan.

"Bar." simpleng sagot nito saka pinagpatuloy ang pagce-cellphone nito.

"Anong ginagawa mo sa bar?" Hindi ito makapaniwalang tumingin sakanya.

"What kind of stupid question is that, Lexi? What should I supposed to do inside the bar? Pray? Tsk." Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa saka pumasok sa kusina at kumuha ng tubig sa ref.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon