Chapter Twenty Four

247 10 1
                                    

Chapter Twenty Four

Tahimik akong nakaupo at nagtatype sa aking computer nang muli nanamang bumukas ang pinto ng opisina ni Kit.

Ilang segundo lang ay naramdaman ko nanaman ang kalabit niya sa balikat ko. Nang iangat ko ang tingin ko ay ang malapad na likod nalang niya ang sumalubong sa 'kin.

Napanguso ako upang pigilan ang ngiting gustong sumilay sa labi ko. Pang-apat na ito! Apat na beses narin siyang nagpapabalik-balik sa opisina niya at sa tuwing madadaanan niya ako ay pasimple niya namang kakalabitin ang balikat ko.

Hindi naman masyadong clingy.

Napailing ako saka bumalik sa aking ginagawa. I was busy the whole time, when my phone beeped.

Nang lumingon ako upang tingnan ang aking phone ay natagpuan ko agad ang mainit na titig ni Kit sa akin.

Huwag mo sabihing kanina pa siya ganyan? Sa isip ko'y gusto kong umiling.

Masyadong adik sa 'kin ang isang 'to! Gusto kong humalakhak sa naisip ngunit naisip ding hindi ito ang tamang oras para doon. Nakakahiya at baka isipin ng mga bisita ni Kit na baliw ang kanyang sekretarya.

Tinaasan ko na lamang ng kilay ang boss kong mukhang walang balak makinig sa sinasabi ng kanyang kausap.
Nakatalikod ang mga ito sa 'kin kaya malaya kong naitataas ang aking kilay.

Sumulyap muna siya sa mga kausap niya bago sumulyap muli sa akin. Bahagyang ngumuso siya sa aking phone. At doon ko lang naalala na may nagtext nga pala sa 'kin!

Ang kapal ng mukha kong sabihang adik sa 'kin si Kit samantalang ito ako at nalilimutan ang lahat para sa kanyang titig.

It was a text message from Primo, asking if I wanna eat with them for lunch. Nagreply naman ako na sasabay ako sakanila.

Nang ibaba ko muli ang phone ko ay natagpuan ko muli ang mata ni Kit. Nagtaas ako ng kilay sakanya, asking.

Nakita kong bumaling sakanya ang isang kausap niya, may tinatanong ata. Tumango siya rito habang may inaabot sa bulsa sa loob ng coat niya. Mabilis na sulyap muli ang ginawad niya sa 'kin bago nagsimulang magtipa sa kayang phone.

Halos mapairap naman ako nang biglang tumunog ang phone ko.

From: Jameson Kit

Who's that?

I protruded my lips.

To: Jameson Kit

Primo.

From: Jameson Kit

And?

To: Jameson Kit

He's asking if I wanna join them.

From: Jameson Kit

Your answer is?

To: Jameson Kit

Of course, yes, Kit.

Sumulyap ako sakanya. Nakatingin parin siya sa kanyang phone. Mula rito ay kitang-kita ko ang kunot niyang noo. Gusto kong humalakhak sa kanyang itsura pero pinigilan ko iyon nang umangat muli sa 'kin ang kanyang tingin.

Hindi na siya nagreply ulit dahil nagsitayuan narin ang mga bisita niya, malamang para magpaalam na.

Nang tuluyan nang makaalis ang mga bisita ni Kit ay binalik ko muli ang tingin ko sa monitor at kunyaring nagtype kahit tapos na talaga ako.

Paulit-ulit kong dinidelete at tinatype ulit ang huling salita para lamang masabing may ginagawa ako.

Hinatid ni Kit ang mga bisita sa elevator. Sinundan ko ng tingin ang kanyang malapad na likod. No wonder I feel so small beside him. Ang macho macho ng jowa ko! Umiling ako at inasikaso na ang ginagawa ko at hindi na pinansin ang pabalik nang naglalakad na si Kit.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon