Chapter Six

589 33 2
                                        

Chapter Six

Kasalukuyan akong nakaupo sa kitchen island habang sumisimsim ng kape. Natutulog na ulit si Kit sa kwarto niya habang ako naman ay na-stuck dito dahil ang lakas ng ulan sa labas. Napag-alaman kong mula dito sa kusina niya ay matatanaw pala ang city lights dahil glass wall ang nasa tabi nito na hindi ko napansin kanina dahil natatakpan ng Venetian blinds.

"I missed you..."

Napainom ulit ako sa kape ko nang marinig ko nanaman sa isip ko ang sinabi niya. Pagtapos niya sabihin iyon kanina ay hindi na siya umimik pang muli hanggang sa matapos siyang kumain at bumalik na sa kwarto para matulog ulit. Iniisip ko nalang na baka hindi sadya ang pagsabi niya nun. Baka nahihilo lang siya o nawawala sa katinuan kaya nasabi niya iyon. Ngunit kahit ganoon ang gusto kong isipin ay hindi ko parin maiwasang marinig nang paulit-ulit iyon sa isip ko na parang isang sirang plaka.

Nang maubos ko ang kape ay hinugasan ko na ito at nilagay ulit sa loob ng cabinet. Bumalik ako sa kwarto ni Kit para icheck ang temperature niya na hindi man lang bumaba.

Pumasok ako sa bathroom sa loob ng kwarto niya saka kumuha ng palanggana na may tubig at bimpo. Nang makabalik ako ay natutulog parin siya, hindi man lang nagbago ng pwesto.

Binasa ko ang bimpo saka dahan-dahang pinunasan ang kanyang mukha, sinunod ko ang kanyang leeg, braso at binti. Hinuli ko ang kanyang dibdib. Dahan-dahan kong binaba ang comforter niya hanggang bewang kaya tumambad sakin ang puting round-neck shirt niya.

I bit my lip and grab the hem of his shirt hanggang puson pero binaba ko iyon muli nang masulyapan ko ang v-line at abs niya.

Ano, kailangan ko bang gawin ito? Hindi naman diba? I mean, okay na naman siguro 'yung braso at paa nalang. Pero bakit din hindi ko gagawin? Wala namang malisya. Pupunasan ko lang naman, hindi ko naman pagnanasahan, diba?

Ginulo ko ang buhok ko saka tumitig sa lalaking payapang natutulog sa harap ko.

"Bakit ba kasi pag nagkasakit ka ang hirap mong pagalingin agad?"

Mariin kong pinikit ang mata ko saka mabilis na pinasadahan ng bimpo ang dibdib niya, habang pigil ang hininga. At sa hindi malamang kadahilanan parang na-drain ang energy ko doon.

Muli akong bumalik sa bathroom saka inayos ang ginamit kong bimpo at palanggana.

Inayos ko ang comforter na nasa katawan niya saka hinawi ang buhok na tumatakip sa mata niya.

My heart suddenly beats so fast yet so hurtful. He looked so calm and innocent. His features are too manly but soft at the same time. I admit. Time nurtured him beautifully. He became more masculine, his jaw, shoulders, biceps, all of him. Even his voice. It became deeper and sexier.

This man... This is the man whom I loved the most. Despite all the changes, my heart still recognized its owner. It still beats frantically whenever he's around, but still broken. Ironic how we are still loving someone who broke us.

It feels wonderful when you loved someone with all your might, but feels so damn awful when they end up wrecking it.

No words can describe how painful it is when someone just abandoned you because they simply fell out of love. Iyong tipong lunod na lunod ka sa pagmamahal pero sila nakaahon na pala. Para kang tumalon sa bangin pero narealize mong walang nakapalibot na tali sa bewang mo. Ikaw lang ang naglagay sa sarili mong ikapapahamak.

Tumayo na ako saka naglakad paalis. Medyo malayo ang condo niya sa 'kin kaya naman inabot ng mahigit isang oras ang byahe ko.

I took a quick shower then settled myself in front of the vanity mirror. I was blow drying my hair when my phone beeped.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon