Chapter Seven

557 26 10
                                        

Chapter Seven

"I missed you..."

"Bakit umalis ba siya?" That's Finn.

Iniwas ko ang tingin ko sa banda nila Kit at tumingin nalang sa harap ko.

"Nagpunta ata ng Japan. Kaso isang araw lang ata siya roon. Bale tatlong araw pa lang silang hindi nagkikita." Ani Toby na nakadekwatro pa at nasa baba ang daliri na parang nag-iisip talaga.

And that suddenly rang a bell. I once again looked at them. Is he hallucinating last night? That 'I missed you', it was not for me, it was meant for her.

I swallowed the lump in my throat.

"Hey boys." Bati ng babaeng nakalingkis sa braso ni Kit. I tried my best not to look at him dahil natatakot akong makita niyang apektado parin ako.

I tried to compose myself. Hindi na dapat ako nagpapaapekto, inasahan ko nang mangyayari ito noon kaya bakit ganito parin nararamdaman ko?

"Hello Kitty." Napatingin kami kay Toby nang sabihin niya iyon. Nakita kong medyo natatawa pa sila Ramon. Doon lang ata narealize ni Toby ang sinabi niya.

"Her name is Kitty, okay? Then I greeted her, so it came out that way." Kumakamot sa ulo na paliwanag niya.

"Nice name, ah!" Natatawang puri ni Anthony. Siniko naman siya ni Primo.

Ngumiti lang nang pilit si Kitty sakanya. Muli kong tiningnan si Anthony na palihim na tumatawa. Napakagago ng isang 'to.

Nakapwesto sila malapit sa billiard table, hinihintay matapos ang naglalaro doon.

Umupo si Kit at Kitty sa may bandang harap namin. Nice name guys!

U-shaped ang upuan kaya harap na harap kami sakanila. Ang palad ni Kitty ay nakapatong sa hita ni Kit habang may binubulong ito sakanya. Sabay pa silang natawa kaya mas naagaw nila ang atensyon namin.

"Tangina, nagpunta lang ata kayo rito para maglandian, eh." Maangas pero natatawang na tanong ni Jordan.

Napansin kong parang may nakatingin sa 'kin kaya inikot ko ang paningin ko. I saw Finn staring at me. I gave him a small smile na sinuklian niya rin naman ng ngiti.

Muling nabalik ang tingin ko sa harapan nang magsalita ulit si Kitty.

"Ano ba, Jordan. Namiss namin ang isa't-isa, eh. If you're inggit, then go find someone." Aniya, sinisiksik ang sarili sa braso ni Kit. This time I decided to look at him and I almost drop my shot glass when I saw him staring back at me. Mabigat at seryoso ang titig niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"You guys know how to play Billiards?" Matinis na tanong ni Kitty sa mga katrabaho ko na inaayos na ang mga billiard balls.

"Medyo." Kristoff replied, chuckling.

Hawak ni Ramon at Anthony ang cue sticks. Bigla namang tumayo si Uly at hinablot ang cue stick na hawak ni Anthony.

"Palaro ako."

"Putangina mo, hindi ka marunong maghintay?" Asik ni Anthony kay Uly.

"Hindi. You don't even have a pussy, so why would I?"

Napailing ako. Ulysis and his words.

Napatingin ako kay Kitty nang bigla itong tumayo saka kinuha kay Uly ang cue stick.

"Ladies first." She seductively said then winked.

Napataas ang kilay ko nang inirapan lang siya ni Uly. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa naging reaksyon niya. Hindi man lang nadala sa charm ni Kitty samantalang itong si Kristoff halos malaglag na ang panga.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon