Chapter Thirty One
"Ano bang gusto niyong color palette ngayon?" Tanong ni Kiko habang nagkakalkal sa baul kung saan nakalagay ang mga Christmas decors namin.
Nandito kami sa storage room at pinag-iisipan kung anong klaseng disenyo ang gagawin namin sa office. Tuwing magch-christmas kasi ay palaging may contest ng pinakamagandang department tapos may pa 5 kiyaw bonus per head kaya naman ganyan sila ka-dedicated sa pagpili.
"Gold nalang ulit. Doon tayo nanalo last year diba?" Excited na sabi ni Francine.
"Gaga! Sa tingin mo mananalo pa tayo ulit pagganong pabalik-balik lang design natin?" Si Ramona.
Ngumuso si Francine at nagkunyaring nag-iisip.
"Iba't-ibang kulay nalang kaya tapos ibagay nalang natin sa isa't-isa." Suggestion ko na pinagsang-ayunan naman nila.
Tuwing taon kasi ay mayroon kaming pinipili na kulay na magiging theme namin para hindi gaanong magulo tingnan. Perp habang tinitingnan ko ang mga naipon namin, mukha namang magiging maganda ang kalalabasan ng mga ito kung sakaling pagsasama-samahin namin ang kulay.
Ngayong gabi ay napagpasyahan naming mag-overtime lahat para magdisenyo ng department. Ngayon nalang din kasi ang free time namin at paniguradong sa susunod na mga araw tambak nanaman kami ng trabaho.
Tatlong taon. Tatlong taon na ang nakakaraan noong umalis ako. Tatlong taon narin ang nagdaan bago ko muling nagawang ngumiti at tumawa nang ganito. Pakiramdam ko nga ay kakatuto ko nalang ulit kung paano tumawa ngayon. Naninibago ako sa lahat.
"Sa tingin mo ayos ang combination na ito?" Napalingon ako kay Fascia. May hawak siyang mga garlands na inikot niya sa isa't-isa. Kulay blue, pink at silver iyon. Tumango ako saka ko siya tinulungan sa pagkabit.
"Tara bukas, Japan!" Out of the blue na anyaya ni Fascia. Natawa naman ako habang tina-thumbtacks ang garlands.
"Tangina, para ka lang nag-aya magCR, ah!" Si Oliver.
"Tangina, sabihin mo kuripot ka lang talaga!" Buwelta ni Fascia saka pinaikot ang mata nito kay Oliver. Sumulyap ako mula sa aking balikat sa banda ni Oliver at nahuling umiiling siya, halatang dismayado.
"May pinapaaral ako, Fascia. May binubuhay rin akong pamilya. Sa tingin ko wala namang magiging masama kung sakaling magiging masinop ako sa pera."
Fascia tsked as he pouted her lips, "Oo na. Sabihin mo lang kung may kailangan ka! Ninang naman ako ng pamangkin mo..." Nakangusong anito.
Mag-aalauna na nang tumigil kami at napagpasyahan bukas nalang ulit itutuloy.
"Ingat kayo, ha?!" Hiyaw ni Yancy sa amin.
"Kayo rin!" Sigaw kong pabalik saka na ako pumasok sa taxi na pinara namin kanina.
Sinaksak ko ang earphones ko sa tenga habang nakatanaw sa labas. Kahit wala ng mga tao ay hindi malungkot tingnan ang mga kalsada dahil sa iba't-ibang kulay ng Christmas lights at mga palamuting naka-ayos sa daan. Tahimik ngunit maliwanag.
Mas gusto ko talaga ang pagbyahe ng ganitong oras dahil sa katahimikan ng daan. Walang mga sasakyan, walang mga tao, mas kawili-wili sa mata dahil bibihira lang natin makita ang mga daang walang laman.
Nang bumaba ako sa kanto ng street kung saan ako nanunuluyan ay napayakap ako sa aking sarili dahil sa pag-ihip nang malakas na hangin. Paskong-pasko na ang simoy ng hangin.
Nilakad ko ang distansya ng apartment ko. Katulad ng mga gusali at mga bahay na dinaanan namin kanina ay naging maliwanag din ang dinaraanan ko dahil sa iba't-ibang kulay ng Christmas lights ng mga kapitbahay ko.
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
General FictionChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi
