Chapter Twenty Two
The days passed by so fast. Para akong nililipad sa alapaap nitong mga nakaraang araw na hindi ko na namalayan na ito na ang huling araw ko rito. Ngunit hindi naman din ako gaanong nalulungkot dahil nasulit ko naman ang mga araw ko rito.
And yes, with Kit.
Noong isang araw ay nag-beach hopping kami, kilala ang La Constancia sa mga magagandang resort kaya talagang naenjoy namin iyon. Kahapon naman ay nag-hiking kami kaya hanggang ngayon ay masakit parin ang likod at binti ko. Para akong binugbog ng tatlong kabayo! Plus ang iilang mga sugat na natamo ko sa pagkadapa ko kahapon!
"Kit naman! Niyaya-yaya mo 'ko dito tapos iiwan mo rin naman ako!" Sigaw ko kay Kit na nauuna nang maglakad sa akin.
Nakatukod ang dalawa kong kamay sa tuhod ko at hinihingal na nakatingin sakanya.
"What? Bilisan mo kasi dyan, ang bagal-bagal mo, eh!" Aniyang nakapameywang pa at nakatingin sa akin habang may hawak na stick sa isa niyang kamay.
"Aba! Hindi ako mabagal, mabilis ka lang masyado, may hinahabol ka ba, ha?!" Naiinis kong sabi. Pero ang loko imbes na makunsensya ay natawa lang sa 'kin!
"Halika na! Dami mong satsat diyan, eh!" Natatawa niya pang sabi saka dumiretso ulit sa paglalakad.
"Kainis ka!" Sigaw ko ulit sakanya.
Hindi na siya sumagot sa akin ngunit nakikita ko ang bahagyang pag-alog ng kanyang balikat. Kapal ng mukha talaga!
Sobrang lutang na ako at pagod kaya hindi ko na napapansin ang dinaraanan ko. Ang alam ko lang ay lutang akong naglalakad hanggang sa naramdaman ko nalang ang paghampas ng katawan ko sa lupa.
"Ouch!" Daing ko. Tumingala ako para tuluyan nang singhalan si Kit ngunit nakita ko nalang siya na tumatakbo papunta sa 'kin suot ang kanyang nag-aalalang mukha.
"Ayos ka lang?" Aniya nang maupo na siya sa harap ko para inspeksyunin ang katawan ko.
Ang hapdi-hapdi ng siko ko at tuhod, nananakit na ang mga binti ko at ang likod ko, kasabay pa ng hiya ko dahil sa pagkadapa ko! Kaya hindi ko na napigilan ang emosyon ko at napabunghalit ako ng iyak kaya napatigil siya.
"Napada ako!" Iyak ko.
Nakatitig lang siya sa akin habang para akong bata na umiiyak sa harap niya. Wala na akong pakialam kung madungis ako sa paningin niya basta masakit na ang katawan ko!
"Nakakainis ka talaga! Sabi ko naman kasing wait lang, eh! Tapos iniiwan mo parin ako!" Ngawa ko. Pinahid ko ang luha ko gamit ang aking braso ngunit tuloy-tuloy lang iyon sa pagtulo!
"Nakakainis naman, eh! Bakit ayaw kong tumigil sa pag-iyak?!"
Tuloy-tuloy lang ako sa pag-ngawa habang nakasalampak sa lupa. Natigil lang ako nang marinig ko ang mahihinang tawa ni Kit. Masama ko siyang tiningnan.
"May nakakatawa ba, ha? Itulak kaya kita para maramdaman mong mahapdi?! Kung alam ko lang na ganito, hindi na sana ako sumama sa 'yo!" Singhal ko sa mukha niya.
Pero imbes na mainis ay umiling lang siya saka inabot ang bag sa likod niya.
Kumuha siya ng bottled water at panyo saka ulit iyon sinukbit sa kanyang likod.
"Halika." Tinayo niya ako saka inalalayan papunta sa putol na katawan ng puno na nasa gilid. Pinaupo niya ako roon, lumuhod naman siya sa harap ko saka kinuha ang kamay ko. Nakita kong may gasgas rin ang mga iyon kaya tumulo nanaman ang panibagong luha sa mata ko sa hindi ko rin malaman na kadahilanan.
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
General FictionChasing Series #1: "Take me back. I want you to take me back, again baby. Please..." - Jameson Kit Legaspi